Home / Romance / Too Wrong to Love / Chapter 21 - Chapter 27

All Chapters of Too Wrong to Love: Chapter 21 - Chapter 27

27 Chapters

Chapter 20:

Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Aviannah si Tonya at si Jake sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. Pero sinaway siya ni Mang Gener sa pagkilos niya."Ija, hayaan mo na lang sila ang kumilos dyan.""Oo nga po, ate. Kaya na po namin 'to," sabi pa ng batang si Jake sa kanya."P-Pero—""Ang mabuti pa ay maupo ka na lamang doon at magpahinga. Hindi pa magaling ang mga sugat mo kaya mas mabuting huwag mong biglain ang sarili mo sa pagkilos," putol pa ni Gener sa nais niyang sabihin.Sa huli ay wala na nga siyang nagawa pa kung 'di ang sumunod na lamang sa gusto nito. Naupo siya sa upuang kahoy sa sala ng bahay.Habang abala sa pagkilos ang tatlo ay marahan niyang iginala ang kanyang mga mata, upang mapagmasdan ng malaya ang bawat sulok ng bahay na kinaroroonan niya ngayon. Gawa sa kahoy ang bahay at hindi iyon kalakihan. Mayroon iyong dalawang kwarto at ang isa nga doon ay ang tinutulugan niya.Nang matapos sa pagkilos sina Tonya at Jake ay dali-dali namang gumawa ng mga homework ang m
last updateLast Updated : 2025-04-15
Read more

Chapter 21:

"Ako na po ang magbubukas!" excited na sabi ni Jake saka ito tumakbo patungo sa pintuan upang buksan iyon. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Aviannah ay awtomatiko siyang napatago. Kumabog sa kaba ang dibdib niya dahil sa tila takot na baka kung sino na ang nandyan. Naiisip niya kasi ang lalaking muntik nang pumatay sa kanya."Ate..." alalang tawag ni Tonya sa kanya."Hi, Jake!""Ate Rowena...""Nasaan na ang Kuya Drei mo?" Narinig ni Aviannah ang isang hindi pamilyar na tinig ng babae na kausap ni Jake."Ate, okay ka lang po? Bakit po? May problema po ba?" pagkuwan ay sunod-sunod na tanong naman ni Tonya pagkalapit nito sa kanya."Uhm... wala naman, Tonya. Ayos lang ako. Akala ko lang kasi kung sino ang dumating," sagot niya rito."Umalis po si Kuya Drei, hinatid lang po sandali si Lolo Gener sa bayan," narinig nilang tugon ni Jake sa kung sino mang kausap nito."Ah ganoon ba? Kung ganoon ay tayo na sa bahay. Sigurado naman na susunod din doon ang Kuya Drei niyo. Nasaan na pal
last updateLast Updated : 2025-04-16
Read more

Chapter 22:

Tila wala nang ibang marinig si Aviannah nang mga sandaling iyon, kung ‘di ang pag-iingay lamang ng kanyang puso dahil sa naging pakilala sa kanya ni Drei sa babaeng nagngangalang Rowena. Hindi niya alam kung bakit ang simpleng bagay na iyon ay nagbigay ng kung anong haplos sa puso niya. Na para bang ang espesyal ng dating no’n sa kanya dahil tila naramdaman niya ang pagproktekta nito sa kanya.Dahil doon ay hindi na niya magawang alisin pa ang mga tingin sa binata. Kung hindi pa muling magsalita si Rowena ay tuluyan nang mapapako ang mga titig niya rito.“Kinakapatid?” tanong muli ni Rowena sabay balin nito ng tingin sa kanya. “Pero… ngayon ko lang siya nakita rito.”“Uhm… hindi kasi siya taga-rito. Narito lamang siya para magbakasyon,” tugon ni Andrei sa tanong ni Rowena.“Ganoon ba?” tatango-tangong sambit ni Rowena habang nakatingin pa rin ito sa kanya at tila mabuti siyang sinusuri. “Hi, ako si Rowena. Girlfriend ako ni Drei!” pagkuwan ay pakilala ng babae sa kanya kasabay ng pag
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

Chapter 23:

Nagising si Aviannah nang tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha, dahil sa paglipad ng kurtina mula sa bintana. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang kakaibang itsura ng silid.Napabalikwas siya ng bangon nang maisip kung nasaan siyang lugar. Pero kaagad ding nagbalik sa isipan niya ang sitwasyon niya ngayon. Oo nga pala at wala siya sa kanyang sariling silid sa kanilang tahanan. Oo nga pala at nasa ibang lugar at nasa ibang bahay siya.Hahanapin sana niya ang cellphone niya pero naalala niyang wala na nga pala ito. Dahil walang kahit isang natirang gamit sa kanya pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa kanya. Aksidente na sinadya para mamatay siya.Napahigit siya ng malalim na paghinga. Kumusta na kaya ang kanyang ama at ang kanyang mga kaibigan na kanyang iniwanan? Paano nga ba siya makababalik sa dating buhay kung may nagtatangka na sa buhay niya?Naputol sa pag-iisip si Aviannah nang marahan niyang makita ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng sili
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

Chapter 24:

Ilang beses nang paulit-ulit na dumuduwal si Aviannah sa loob ng maliit na banyo, habang hawak-hawak niya ang tyan niya. Hindi siya makapaniwala na naubos niya ang lahat ng ampalayang ipinakain ni Andrei sa kanya. Nakailang sabi pa siya sa kanyang sarili na hindi siya mauuto ng gwapong lalaki kahit na pa anong gawin nito. Pero tila lahat yata ng sinabi niya ay kinain niya lang din sa huli dahil bumigay siya rito. Na para bang natanggal ang lahat ng angas niya sa katawan sa isang sabi lamang nito sa kanya.Lasang-lasa niya ang pait ng gulay na pinakaayaw niyang kainin. Na kahit na ilang basong tubig pa ang inumin niya ay tila hindi nahuhugasan no’n ang lasa sa dila niya.“Ate Belle? Okay ka lang po ba d’yan?” pagkuwan ay katok sa kanya ni Tonya mula sa labas ng banyo.“O-Oo, Tonya. Okay lang ako,” sagot niya rito.“Sigurado ka po ba, ate? Baka po may iba po kayong kailangan?” alalang tanong pa rin sa kanya ng batang si Tonya.“Okay lang ako, Tonya. Huwag ka nang mag-alala,” marahang tu
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 25:

Sa huli ay wala na ngang nagawa pa ang matanda at pinagbigyan na lamang siya sa kagustuhan niya.“Hahaluin ko po ito gamit ang kamay ko? Sigurado po ba kayo?” takang tanong ni Aviannah sa matanda habang nasa harapan niya ang isang kalderong may bahaw na kanin.“Oo, ija. Durugin mo ang kanin at haluin gamit ang kamay mo para hindi ka mahirapan. Isasangag natin ‘yan para hindi sayang,” tugon sa kanya ng matanda na hindi pa rin niya mapaniwalaan. O sadyang hindi lang niya alam na ganoon talaga ang proseso nito?Bago niya haluin gamit ang kamay niya ang bahaw na kanin ay naghugas muna siya ng mabuti. Siniguro niyang malinis ang kanyang mga kamay bago siya humawak sa pagkain. Nang matapos siya ay ginisa na iyon ni Mang Gener sa mainit na kawaling may mantika at sibuyas. Nauna na kasing nakapagprito ng isda ang matanda. Hindi niya na ring sinubukang magpaturo no’n dahil takot siya sa pagpilansik ng mainit na mantika mula sa kawali.Pinagmasdan niya ang matanda sa masipag nitong paghahalo ng
last updateLast Updated : 2025-04-20
Read more

Chapter 26:

Mainam na pinagmasdan ni Aviannah ang single na motor na sasakyan ni Andrei. Nawala sa isipan niya na kahit kailan ay hindi pa pala siya nakakasakay sa ganitong klase ng sasakyan. Ito ang unang beses kung sakali. Kaya namang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman niya ngayon.“Ate! Tara na po,” masayang sabi sa kanya ni Tonya saka ito lumapit sa motor.Kasunod nito ay ang paglabas naman ni Andrei mula sa loob ng bahay. Dumeretsyo ito ng lapit sa motor nito saka ito bumalin ng tingin sa kanya. “Marunong kang umangkas?” tanong nito sa kanya na hindi niya alam kung paano sasagutin. “Okay. Pwedeng first time mo or… hindi mo maalala,” sagot ng lalaki sa sarili nitong tanong sa kanya.“Huwag ka mag-alala, Ate Belle! Ako po ang bahala sa iyo,” mayabang na sabi sa kanya ni Tonya kasabay ng paglapit nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay saka marahang hinila palapit sa motor. Nagpatianod naman siya sa bata.Pinagmasdan niya si Andrei na binuksan ang maliit na box sa motor nito sa
last updateLast Updated : 2025-04-21
Read more
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status