Semua Bab From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny: Bab 21 - Bab 30

51 Bab

KABANATA 21

"Mag diborsyo na tayo!"Nanlamig ang buong katawan ni Berry nang banggitin ni Reed ang salitang “Diborsyo”. "Hindi mo ako basta-bastang mapapakawalan, tandaan mo ang kasunduan natin sa kasal," banta ni Berry.Tumawa si Reed nang marinig ang banta ng asawa niya. "Hindi ko kailanman makakalimutan ang kasunduan natin sa kasal, at hawak ko pa rin ang kasulatan. Makikita mo, kaya kitang hiwalayan nang hindi magbibigay ng kahit isang kusing.""Mahal, hindi mo ako basta-basta mahihiwalayan," pilit ni Berry na ayaw makipaghiwalay kay Reed.Mahal na mahal siya ni Reed, at sigurado si Berry na ang sinabi ni Reeday panananakot  lang."Kilala mo na ako. Dalawang taon tayong nagpakasal, tatlong taon tayong magkasama. Alam mo kung paano ako magalit. Kapag sinabi kong hihiwalayan kita, hindi ako nagbibiro," mariing sambit ni Reed."Mahal, ayokong maghiwalay tayo. Pasensya na, alam kong nagkamali ako, pero kailangan ko pa ng oras. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko rito. Hindi ko pwedeng iw
Baca selengkapnya

KABANATA 22

"Bakit ido-donate? Pwede pa namang magamit ang mga damit ni Miggy para sa mga magiging kapatid niya sa hinaharap," hindi sumasang-ayon si Remulos sa desisyon ng asawa niya."Mas mainam na bumili na lang para sa kapatid niya. Kawawa naman si Ms.  Elaine kung bibigyan natin siya ng mga gamit na luma. Saka sabi mo mayaman ang pamilya ni Ms. Elaine kaya barya lang ‘to sa kanya," paliwanag ni Reinella."Para sa anak natin sa hinaharap, mahal, para hindi na tayo bumili ng mga gamit para sa magiging sanggol kung sakali," sabi ni Remulos.Tumawa si Reinella para takpan ang sakit sa kanyang puso. "Nagkakaroon pa rin ako ng  bangungot sa panganganak. Bukod pa riyan, hindi pa nababayaran ang utang sa panganganak. Lumalaki ang interes kada buwan. Dagdag pa ang 10% na interes kapag nahuli sa pagbabayad. Hindi ko pa rin kayang tingnan ang mga damit ni Miggy. Kaya gusto kong idonate sa orphanage. Maraming sanggol doon na makikinabang sa mga damit niya kaysa naman itatambak lang dito sa aparador."
Baca selengkapnya

KABANATA 23

Inilabas ni Reinella ang perang ipinasok niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Pagkatapos, binilang niya ang perang ibinigay ni Remulos."bente mil ang binigay ni Rem," sabi ni Reinella habang inaayos ang pera sa ibabaw ng mesa.Ngumiti si Reinella nang makita ang tig isang daang piso  na pumuno sa mesa.Hindi niya inaasahan na magbibigay si Remulos ng ganoong kalaking pera.Ang sakit at pagkahilo na nararamdaman niya ay biglang nawala nang makita ang pera. Kahit papaano, may pera siya para sa pagkain habang naghahanap ng trabaho. Madalas kasi ay limang libo o apat na libong lang ibinibigay ni Remulos na pinagkakasya niya sa loob ng isang buwan.Mabilis na pumasok si Reinella sa kanyang kwarto. Kahit ano pa ang mangyari, kailangan niyang umalis sa bahay na ito ngayon din.Posibleng dumating si  Carmina kasama ang mga kapatid ni Remulos at pilitin siyang sumama sa kanila.O kaya naman, baka hindi matanggap ni Elaine na binigyan siya ni Remulos ng pera. At baka isumbong siya kay Carm
Baca selengkapnya

KABANATA 24

Masaya si Reinella habang nasa orphanage. Ang mga ngiti sa mga labi ng mga bata ay nakapagpagaan ng kanyang mabigat na pasanin.Nagpapasalamat si Reinella na naalala niyang bumili ng meryenda at kendi para sa mga bata. Kaya't nagkagulo sila nang ibigay niya ang mga ito."Nanay, ilang buwan na ang baby? Babae o lalaki?" tanong ni Reinella habang tinitingnan ang sanggol na karga ng tagapangasiwa ng orphanage."Babae ito, dalawang buwan na. Itinapon siya ng mga magulang niya sa harap ng orphanage. Natagpuan namin si Susy nang madaling araw. Noong mga oras na iyon, wala na siyang malay," kwento ng babaeng nasa 40 anyos."Kawawa naman si baby. Masyadong masakit ang pinagdaanan niya sa murang edad," Tiningnan ni Reinella ang magandang sanggol."Napakalupit ng mga magulang niya. Itinapon siya nang walang kahit anong damit. Kahit ang pusod niya ay hindi pa napuputol," sabi ng babae nang may malungkot na mukha. “Kahit man lang sana ibinalot ito sa mainit na tela pero hindi, eh. Masyadong m
Baca selengkapnya

KABANATA 25

Nakaupo si Reinella habang malalim na  nag-iisip sa harap ng silid ng pasyente. Hindi niya alam kung sino ang nasa loob ng silid.Sa ospital na ito, walang magpapaalis sa kanya o magtataka sa presensya niya. Dahil lahat ay malayang pumunta dito.Para sa kanya, ang ospital ang pinakamagandang lugar para magpahinga habang naghahanap ng trabaho. Pero nananatiling puno ng pag-aalala si Reinella. Baka kasi tanungin siya ng mga guard kung bakit pa siya nandito,  dahil tapos na ang oras ng pagbisita.Ramdam ni Reinella ang antok. Nakatulog siya nang nakasandal sa upuan.Pero nang makakatulog na siya, bigla siyang nagising. Hindi siya mapalagay. Natatakot siyang baka may magnanakaw ng kanyang mga mahahalagang gamit.Ramdam niya ang pagtibok ng kanyang dibdib. Naalala niyang hindi pa siya nakakapag-pump ng gatas mula kaninang hapon. Kaya masakit, tumitibok, at matigas ang kanyang dibdib. Basa na rin ang kanyang damit dahil sa patuloy na pagtagas ng gatas.Pumunta si Reinella sa lactation
Baca selengkapnya

KABANATA 26

Nanatiling tahimik si Reinella habang nakikinig sa kwento ng babaeng nakasuot ng puting uniporme."Kahapon, noong huli kong makita ang kanyang katawan, hindi pa ganito ang itsura niya. Ang mukha niya ay hindi pa kagwapuhan tulad ngayon." Pinuri ni Reinella ang kagwapuhan ng sanggol habang kumakapit ito sa hintuturo ni Reinella. “Kulubot pa ang balat nito at hindi pa bilugan ang pisngi nito.”"Syempre naman, gwapo si baby, dahil ang daddy niya ay napakagwapo. Matulis ang ilong niya, mapula ang labi, hindi tulad ng mga lalaking naninigarilyo. Matingkad na kayumanggi ang mga mata niya, at kayumanggi rin ang buhok niya. Talagang napakagwapo niya, matangkad at higit sa lahat maganda ang pangangatawan. Parang mga puting lalaki na madalas nating makita sa mga pelikulang international."Nagsalita ang magandang nurse habang iniisip ang gwapong mukha ni Reed. Ang lalaking idolo ng lahat ng mga nurse sa ospital. Lalo na't sa loob ng tatlong linggo, palaging pumupunta si Reed sa ward ng mga san
Baca selengkapnya

KABANATA 27

Kahit natatakot, sinubukan ni Reinella na tingnan ang lalaking tumatawag sa kanya. Kung ang lalaking iyon ay ang bayaw ni Remulos ay may pagkakataon pa siyang tumakbo.Lumingon si Reinella at tumingin sa direksyon ng lalaki. Nawala ang takot niya sa isang iglap nang makita niya ang taong nag-iisang mabait sa kanya."Doktor Malvar," ngumiti si Reinella habang tinitingnan ang lalaking nakaputing coat na papalapit sa kanya."Kamusta ka na? Sinabi ko na sa iyo, apat o limang araw pa, kailangan mong bumalik sa akin para sa follow-up check-up. Pero bakit hindi ka dumating?" galit na tanong ni Doktor Malvar."Pasensya na po, Dok," sagot ni Reinella na hindi makapagbigay ng dahilan."Kumusta na ang paa mo?"Lumuhod si Doktor Malvar sa harap ni Reinella, dahilan upang kabahan siya."Ano po ang gagawin niyo, Dok?" Gustong hilahin ni Reinella ang kanyang paa nang hawakan iyon ni Dr. Malvar."Gusto kong suriin ang sugat sa paa mo." Ngumiti ang doktor habang tinatanggal ang tsinelas na suot
Baca selengkapnya

KABANATA 28

Napatingin si Maverick nang tumunog ang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa mesa at tinignan nang makita ang pangalan ng tumatawag, agad niyang sinagot ang tawag."Hello," sagot ni Maverick."Hello Dok, gusto ko lang po malaman kung kasama niyo po ba si Reinella?" tanong ng nurse na tumatawag nang may paggalang."Oo, bakit?" tumayo si Maverick mula sa kanyang upuan at lumayo kay Reinella."Paano mo nalaman na kasama ko si Reinella?" nagalit si Maverick at inakala niyang bastos ang nurse. Dahil nalaman nito na magkasama sila ni Reinella."Pasensya na po Dok, tiningnan ko po sa CCTV," nagulat ang nurse nang maramdaman ang galit ng doktor."Ang kapal mo naman para manmanan ako sa CCTV. Invasion or privacy iyan!" sobrang galit ni Malvar sa ginawa ng nurse."Pasensya na po Dok, wag po kayong magalit at sana magkaintindihan po tayo. Si Mrs. Cresia Montgomery po kasi ay gustong makipagkita kay Reinella. Dahil hindi namin alam kung nasaan siya, pinacheck po niya sa akin ang CCTV. Nang t
Baca selengkapnya

KABANATA 29

"Madalang pong umuwi ang asawa ko, madalas siya sa ibang lungsod. Kaya kami lang mag-ina sa bahay. Sinubukan kong maglagay ng cold compress para bumaba ang lagnat, pero hindi pa rin bumaba. Sinubukan kong tawagan ang asawa ko, umaasa na sasagutin niya ang tawag ko. Pero hindi niya sinagot."Nanginginig ang katawan ni Reinella habang ikinuwento ang tungkol sa kanyang asawa. Ang sugat sa kanyang puso na halos gumaling na ay muling binudburan ng asin at kalamansi. Ang mga salita ni Elaine na nagsasabing natutulog ang lalaki sa kanyang apartment ay muling sumagi sa kanyang isipan.Isinalaysay ni Reinella ang mga pangyayari tungkol sa pagkamatay ng kanyang anak. Kahit sinubukan niyang pigilan ang luha, hindi pa rin niya napigilan ang pag-iyak.Tahimik lang si Maverick habang nakikinig sa kwento ni Reinella. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan ang kanyang puso tuwing naririnig niya ang kuwento tungkol sa pagkamatay ng anak ni Reinella."Kailangan mong maging matatag, nasa langit na nga
Baca selengkapnya

KABANATA 30

Ngumiti si Cresia habang tinitingnan ang kanyang nag-iisang anak. "Bakit ang tagal mo?""Traffic kasi, Ma," sagot ni Reed nang makaupo sa tabi ni Cresia."Kanina pumunta ako sa nursery, sabi ng nurse ay nandito na raw iyong nagdonate ng gatas ni baby," sabi ni Reed habang lumilinga-linga sa paligid, pero hindi niya makita ang babaeng ina ng gatas ng anak niya."Oo, nakilala na namin ang babaeng may ari ng gatas na ibinibigay kay baby," tugon ni Cresia habang nakatingin kay Reinella."Saan siya, Ma?" tanong ni Reed na nakadilat ang mga mata, habang sinusuyod ng mata niya ang buong silid.Nawala na ang kanyang pagkabahala nang marinig ang balita tungkol babaeng nagbibigay ng gatas anak. Ibig sabihin, hindi na niya kailangang maghanap ng bagong magbibigay ng gatas sa anak niya."Ito siya, ang pangalan niya ay Reinella," itinuro ni Cresia si Reinella.Tahimik na tumingin si Reed kay Reinella. Paulit-ulit niyang kinukusot ang kanyang mga mata para matiyak kung totoo ang kanyang nakik
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status