บททั้งหมดของ From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny: บทที่ 11 - บทที่ 20

51

KABANATA 11

Si Reed ay naglalakad at magaan ang pakiramdam nito habang papasok sa mansyon ng kanyang pamilya. Ngumiti siya nang makita ang isang may edad na na babae na nakaupo sa sofa sa sala, nag-enjoy sa kanyang tasa ng green tea.Masayang-masaya ang kanyang puso dahil sa balitang nagbigay ng gatas ng ina ang kanyang asawa para sa kanilang anak. Ang galit na dating umiiral ay nawala n parang bula."Galing ka ba sa ospital?" tanong ni Cresa, ang ina ni Reed.Nang makita ang ngiti sa mukha ng kanyang anak, alam ni Cresia na masaya ang puso nito ngayon."Opo, Mama," sagot ni Reed na nakangiti. Umupo siya sa sofa, sa harap ng kanyang ina. Kahit pa may edad na ang ina niya ay hindi pa rin maitatago ang angking ganda nito. "Kumusta na ang apo ko?" tanong ni Cresia."Sabi ni Maverick, mas maganda na ang kondisyon ng anak ko. Nadagdagan ng tatlong gramo ang timbang nito," sagot ni Reed."Talaga? Masaya ako sa balitang iyan. Bukas pupunta ako sa ospital, miss ko na ang apo ko," sabi ni Cresia na
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 12

Pagkatapos ng tatlong araw na pag-inom ng gamot na ibinigay ni Doktor Maverick, mas maganda na ang pakiramdam ni Reinella. Maaari na rin niyang ilakad nang maayos ang kanyang mga paa.Subalit, ang epekto ng gamot na iniinom niya ay nagdudulot ng labis na antok. O baka naman dahil wala lang siyang gaanong ginagawa.Dati, si Miggy ang laging inaasikaso niya. Palaging nagpapalit ng lampin tuwing umiihi. Pinapaliguan at pinaglalaruan ang batang iyon. Iyon ang araw-araw na routine ni Reinella, kay Miggy umiikot ang buong mundo niya. Ngayong wala na ang anak niya, pakiramdam niya ay wala na siyang silbi pa.Ngunit ngayon, lahat ng iyon ay naging alaala na lamang. Sinubukan ni Reinella na tanggapin ang lahat, ngunit napakahirap pala nito."Anak, miss na miss na kita," bulong ni Reinella habang tinitingnan ang larawan ng kanyang anak. “Walang araw na hindi kita namimiss ni Mama, anak ko.”Kung mayroon lang siyang Android phone, marahil ay makikita niya ang daan-daang larawan ni Miggy. Maa
อ่านเพิ่มเติม

KABANTA 13

Nanatiling nakatungo  si Reinella habang dinadamdam ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig ng kanyang hipag."Hindi mo rin ako kailangang hawakan, ayoko  sa mga taong tulad mo," sabi ng kapatid ni Remulos na si Tanya. Parehong may pagkasuya ang tingin ng dalawang babaeng ito kay Reinella.Tumango si Reinella at nagtungo sa kusina para maghanda ng inumin.Sanay na si Reinella sa mga pananakit at pang-iinsulto na tulad nito. Ngunit mananatili pa rin ang sakit sa kanyang puso. Lalo na ngayon na hindi pa siya ganap na nakakabangon mula sa pagkawala ng kanyang anak.Sinubukan ni Reinella na maglakad nang mabilis papunta sa kusina. Pagdating sa maliit na kusina, hindi muna siya naghanda ng inumin. Umiyak muna siya upang ilabas ang nararamdaman.Minsan iniisip ni Reinella kung hanggang kailan niya kakayanin ang ganitong sitwasyon sa piling ng pamilya ni Remulos, na laging nanlalait at nagpapakita ng pagmamaliit sa kanya.Isang pamilyang pinagmamalaki ang edukasyon na nakamit nil
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 14

Ang balitang ito ay lubhang nakakagulat. Maging ang kanyang puso ay tumigil sa pagtibok ng ilang sandali."Mahal, pakiusap makinig ka muna sa paliwanag ko," sabi ni Remulos habang hinahawakan ang kamay ni Reinella.Si Reinella ay nanatiling tahimik na hindi makapagsalita. Lahat ng ito ay lubhang nakakagulat na maging ang kanyang mga kamay at paa ay nanginginig.Ito na ba ang tinatawag na pagtataksil? Nagtaksil ba ang kanyang asawa?Pero kailan nagsimula?"Prank lang to lahat ‘di ba? Isang malaking biro lang ‘to!" ngumiti si Reinella at umaasang nagbibiro lang ang kanyang asawa."Hindi, Mahal, seryoso ako. Kinasal kami  isang buwan na ang nakalilipas," malinaw na sinabi ni Remulos.Ang malinaw na likido na matagal niyang pinipigilan ay tuluya ng tumulo sa kanyang pisngi nang linawin ni Remulos ang kanyang pag-amin. Paano nagawa ni Remeulos na gawin ito sa kanya? Samantalang napakaganda ng kanilang relasyon. Maliban na lang sa pagitan ni Reinella at ng biyenan niya."Pasensya na, h
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 15

"Sana hindi niyo na lang ako sinama dito. Kung g-ganito lang rin pala ang ipapakita niyo sa ‘kin," Pautal-utal na wika ni Ernesto, hirap na hirap man sa pagsasalita ay hindi niya kayang manahimik lang sa nasasaksihan niya. Nabigo si Ernesto na maging mabuting ama at asawa. Nabigo siya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak. Hindi niya lubos maisip na masasaksihan niya kung gaano kasama ang mga ito kay Reinella."Kailangan mong kumalma, Mahal. Kung hindi dahil sa babaeng probinsyanang ito, hindi gagawin ni Remulos ang ganito sa ibang babae," paratang ni Carmina, tinuro pa si Reinella na nakaupo sa sahig."Sinusuportahan mo ba ang ginawa ng anak mo?" mabagal ang bawat pagbigkas ni Ernesto ngunit hindi niya iyon alinatana. Nais niyang iparating sa asawa na hindi tama ang ginagawa ng mga ito."Mahal, hindi ko sinusuportahan ang ginawa ni Remulos, pero hindi rin si Remulos ang may kasalanan. Ang babaeng ito ang may kasalanan. Simula nang dumating siya sa buhay natin ay nagkanda-leche-leche
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 16

Malinaw sa magandang mata ni Reinella ang galit at poot. Wala na siyang dapat pang isipin kundi ang makaalis sa impyernong pinaglagyan sa kanya ni Remulos. Ang pangako nitong langit sa kanya noon ay napuno ng pasakit at galit. Hindi naman sila kasal ni Remulos ng legal, kaya sa mata ng batas ay siya ang pangalawang asawa o kerida.Nabalot ang puso ni Remulos ng takot at kaba sa binitawang salita ni Reinella. Kahit gaano karaming sugat ang idinulot niya sa asawa ay naniniwala siyang mananatili pa rin ito sa tabi niya.Sigurado siyang hindi makikipaghiwalay si Reinella sa kanya dahil mahal na mahal siya nito. At wala rin namang ibang taong maaasahan si  Reinella kundi siya lang. Hindi niya kailanman hahayaang makawala si Reinella sa kanya kahit pa ay legal na siyang kasal sa iba."Mahal, patawarin mo ako. Nangangako ako na magiging patas ako sa inyong dalawa ni Elaine. Asawa ko si Elaine sa batas pero para sa ‘kin, ikaw ang nauna kong asawa. Hindi man tayo legal na kinasal pero asawa
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 17

“Hindi mo pupwedeng hiwalayan ang anak ko! Kailangan mo munang bayaran ang mahigit  100,000 na utang mo sa ‘kin, hindi pa kasama ang tubo r’yan!” Galit na sigaw ni Carmina.Nanigas ang buong katawan ni Reinella. Ano ang ibig nitong sabihin? Paano siya nagkautang, ni hindi nga siya humihingi ng pera rito. Dahil alam niyang ipapamukha lang nito kung gaano siya kahirap.Kinuha ni Carmina ang isang papel mula sa kanyang bag at ipinakita ang kasulatan ng utang ni Reinella."Noong nanganak ka, si Remulos ay may bente mil lang ang pera, at umutang pang 90,000  sa akin. Ayon sa kasulatang ito, may utang ka ng 90, 000 na may 10% na interes kada buwan. May 10% ding multa sa pagkaantala ng pagbabayad. Dahil hindi ka nagbayad sa loob ng tatlong buwan, ang multa ay 5,000 at ang interes ay 27,000. Kaya ang kabuuang utang mo ay 140,000 pesos sa buwan na ‘to," wika ni Carmina.. "Pagkatapos ng reception at pagbalik nila mula sa honeymoon, titira ka sa bahay ko. Uumpisahan mong bayaran ang utang mo s
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 18

"Maghintay na lang tayo, dahil ayokong ma-caesarean si Reinella," malamig na wika ni Carmina."Kung patuloy niyo na tatanggaihan ang pagdala sa kanya sa  pagdadala sa ospital, kailangang lagdaan ang isang kasulatan. Ito ay nagpapatunay na tinatanggihan ng pamilya ang pagdala ng pasyente sa ospital," pananakot ng komadrona habang inilalabas ang kasulatan at hinihingi ang lagda ni Remulos.Tumahimik si Remulos at tumingin kay Carmina. Labis siyang nag-aalangan na lagdaan ang kasulatan. Paano kung hindi malkayanan ng asawa at anak  niya dahil sa kanyang kawalan ng desisyon?"Okay lang, lagdaan mo na. Ganito talaga ang panganganak. Noong araw ko, umaabot ng isang buwan ang panganganak, at nakakaranas ng matinding kontraksyon. Pero ligtas naman ang ina at anak. Bukod pa riyan, ang asawa mo ay nagpapanggap lang na masyadong mahina, hindi naman ganoon kalala ang sakit," anas ni Carmina na wala man lang maramdaman na kaunting awa kay Reinella.Kahit nag-aalala para sa kanyang asawa at anak
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 19

Hindi na kinaya ni Reinella ang sakit at pagkahilo. Nang umalis ang pamilya ni Remulos ay nawalan siya ng malay.Hindi alam ni Reinella kung ilang oras siyang walang malay. Nagising na lamang siya na nanginginig ang buong katawan niya dahil sa lamig.Ni hindi man lang siya tinulungan ni Remulos na makatayo kanina. Umalis lang ito agad upang ihatid an legal nitong asawa. Kung hindi lang sinabi ni Remulos ang mga salitang "mahal" at "pag-ibig," siguro hindi ganito ang nararamdaman niya ngayon. Naniniwala si Reinella sa pagmamahal sa kanya ni Remulos  ngunit nagkamali pala siya.May malungkot na ngiti sa kanyang mga labi habang naaalala ang mga salita ang legal na asawa ng Remulos. Hindi na muling umiyak pa si Reinella, naubos na yata ang lahat ng tubig sa katawan niya at wala na siyang mailuha pa.  Masyadong marami na siyang pinagdaanan na pagsubok sa buhay.Nang sabihin ni Remulos sa pamilya nito na magpapakasal sila ay tumanggi ang mga ito. Pero kinasal sila sa isang kasalang r
อ่านเพิ่มเติม

KABANATA 20

Ngumisi si Reed nang marinig ang sinabi ni Berry sa kabilang linya. Akala ni Reed ay tumatawag ito para kumustahin ang anak nilang dalawa. Kung maayos na ba ang kalagayan nito o ano. Pero isang maling akala lang pala ang lahat.Matapos ang 3 linggo na pag-alis nang walang pasabi, ngayon ay tumatawag ang babae para lang magtanong tungkol sa pera."Perang?" Pag-uulit ni Reed. “Anong pera ang sinabi mo?” Pagtatanong ni Reed sa asawa."Oo, ang monthly allowance ko," malambing na wika ni Berry. “Hindi mo ako naalalang bigyan. Nakalimutan mo ba, Reed?” Pagmamakaawa ni Berry."Ang allowance mo?" tiim-bagang natanong ni Reed kay Berry."Bakit mo binlock ang lahat ng cards ko at hindi mo rin sinend ang monthly allowance ko? Dapat pumasok na sa account ko simula pa noong ika-5 araw ng buwan. Pero ano na ngayon? Petsa 10  na, wala pa rin. Reed, this month hihingi ako ng isang milyon. Marami akong paggagastusan, wala nang natira sa mga padala mo noong nakaraang mga buwan. Gusto kong bumili ng
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
123456
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status