"Ano'ng hanap mo, Miss?"Pansin ko na kanina pa siya palinga-linga. Hindi din siya lumalayo sa aking pwesto. Mukhang may hinahanap siya. O tamang sabihin na may gusto siya pero nahihiya siyang magsabi. "Kung panghaplas ang hanap mo, kompleto kami. Pantanggal ng lamig sa katawan, para sa binat o kung pantanggal ng kati-kati, mayroon din kami."Nahihiya siyang ngumiti. Tingin ko ay wala sa mga binanggit ko ang kaniyang kailangan. "Magsabi ka lang, lahat mayroon kami dito. May kandila din kami na kulay pula dito para sa pag-ibig.""Mayroon po kayong kandila para sa ano..."Nagtaas ako ng kilay. Ang tagal naman niyang magsabi. Tapos mamaya hindi naman pala siya bibili. "Ano, Ate...""Kandila para sa lalakeng nanakit sa'yo? Aba, meron kami." Naging malikot ang kaniyang mga mata. Nilabas ko ang kulay itim na kandila. May nakadikit na ding papel dito, kung saan nakasulat iyong orasyon na kailangan niyang gawin. "Sindihan mo ito tuwing alas-dose ng hatinggabi ng byernes. Itong orasyon,
Last Updated : 2025-03-12 Read more