Share

FIVE

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2025-03-12 23:38:54

Hindi na din nagtagal iyong mga bisita nina Ate Rose. Nauna na silang umalis. Hindi pa naman ako agad nakaalis dahil kinukuwentuhan ako ni Ate Rose. Akala mo sabik sa tao.

Pumasok si Kuya Ethan dito sa kusina. Napangiti ito nang masilayan ang kaniyang asawa.

Lumapit ito at humalik sa kaniya.

Nakasunod sa kanila iyong isang maid na mayroong bitbit na mga pagkain.

"Saan galing ang mga iyan?" tanong ni Ate Rose kay Kuya Ethan.

"Kay Craig," sagot naman ng lalake.

Napangiti ako. Galante din pala siya kahit na mukha siyang seryoso. Sabagay, sobrang yaman niya at magkano lang naman ito sa kaniya. Parang barya lang.

Kapag nagkatuluyan kami, hindi na talaga ako maghihirap pa sa buhay. Hindi ko na kailangang magtinda ng pamparegla sa Quiapo.

Pagsisilbihan ko siya. Kahit hindi na kami kumuha pa ng katulong. Ako ang maglalaba, linis, luto at mag-aasikaso sa kaniya.

Napabuntong hininga ako. Ano'ng araw ba ngayon? Sakto, byernes pala ngayon. Mamaya ka sa akin. Dadasalan talaga kita.

Kinagat ko ang aking labi nang mapansin ko si Kuya Ethan na nakatingin sa akin. Nakangiti ako habang malalim na nag-iisip. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niya tungkol sa akin.

"Ah, Ate. Uuwi na din po ako. Agahan ko na lang po ang balik ko bukas."

"Oh, sige. Pero teka lang. Dagdagan natin ang uwi mong pagkain."

Ngumiti ako. Hindi na ako tumanggi pa. Pagkain iyan. Bawal tanggihan ang grasya.

"Manang, mag-uwi ka din sa inyo. Paghatian niyo na lang iyan ni Anne," utos ni Ate sa maid.

Napangiti ako habang nakatingin sa mag-asawa. Ang lambing kasi ni Kuya Ethan. Nakayakap siya sa asawa.

Mukha siyang seryoso at masungit kung titingnan pero pagdating sa kaniyang asawa, sobrang lambing niya.

Ganito din siguro si Craig. Nakikinita ko na tuloy ang aming hinaharap. Ngayon pa lang ay kinikilig na ako.

"Thank you, Ate, Kuya," pasalamat ko nang ibigay ng katulong iyong pagkain na iuuwi ko. Tumayo na din ako. Handa na akong umuwi.

Hinatid ako ng mag-asawa hanggang sa kanilang pintuan.

"Balik ka bukas, ha," paalala ulit ni Ate Rose.

"Opo."

"Dapat pala sumabay ka na kay Marko kanina," sabi ni Ate Rose. Kay Marko? Eh, hindi ko nga siya gusto, e. Ewan ko ba. Parang ang presko kasi niya. Guwapong-guwapo sa sarili.

"Kahit ibaba ka na lang sa sakayan ng jeep."

"Okay na ako, Ate," sabi ko naman. English pa man din nang English iyon. Baka maubusan na ako ng dugo kapag sumabay ako sa kaniya. Madaldal pa man din.

Mukhang pinakain siya ng nanay niya ng p**i ng baboy, nang bata pa siya, kaya masyadong madaldal.

Tinanguan lang ako ni Kuya Ethan. Nagpasalamat ulit ako sa kanila bago ako tumalikod na.

Sabay kaming pumasok ng janitres sa pintuan na gumagalaw. Sa sumunod na palapag ay bumaba din siya agad.

Nagsara ulit at muling gumalaw.

Napatingin ako sa mga pindutan. Hindi ko na maalala kung ano'ng palapag ba kanina iyong pinasukan ko.

Napakamot ako ng ulo.

At bakit walang thirteen at fourteen dito?

Inisa-isa kong tiningnan ang pindutan. Nawawala ang dalawang numero! Bakit ganoon? Hindi ba marunong magbilang iyong gumawa ng bagay na 'to?

Tsk! Kahit hindi ako nakapag-aral, tinalo ko pa din siya pagdating sa pagbibilang.

Mabalik sa aking problema.

Pinindot ko na lang ang one. Nakarating ako sa one, pero hindi ito iyong pinasukan ko kanina.

Bumaba ako sa LG. Tapos UG.

Naiinis na ako. Natatakot na din. Nakasakay lang naman ako dito pero naligaw pa ako.

Umakyat ulit sa one. May sumakay at pinindot niya ang three. May sumakay din pagdating ng three, pinindot niya ang twenty seven. Aakyat, bababa.

Hilong-hilo na ako.

Kanina pa ako pabalik-balik pataas pababa. Naglalaway na din ako sa labis na pagkahilo. Ano'ng oras na. Ilang minuto na akong pabalik-balik.

Naiiyak na ako. Naliligaw na din ako.

Kung puntahan ko na lang kaya ulit si Ate Rose sa taas para magpatulong sa kaniya. Magpapahatid ako doon sa baba.

Nakasandal sa dingding. Pababa na ulit ito. Galing ito sa thirty five.

Naalala ko iyong sinabi ng mga matatanda na kapag naliligaw ka, baliktarin mo daw ang suot mong damit.

Tama!

Baka pinaglalaruan lang ako ng mga engkanto. Alam ko, mayroong nakasama sa amin nang lumuwas kami nina Inay at Amang.

Nang bumaba ang kasama ko at magsara ang pintuan, dali-dali ko na ding hinubad iyong damit ko upang mabaliktad.

Nang biglang tumunog ang pintuan. Nagbukas ito at napatanga ako nang makita ko si Craig.

Nagkagulatan pa kaming dalawa. Hiyang-hiya ako.

Nagmamadali ko itong isuot.

Tumikhim siya at pumasok. Hindi na ako makapagsalita sa hiya, kahit na gustong-gusto kong hingin ang tulong niya.

Baka naano na siya sa akin. Ano ba ang tawag doon? English iyon, e.

Ano na ba iyon? Hay, buset! Ba't ba ang bobo ko at iyon lang hindi ko pa maisip.

"What happened?"

Ano ba iyan. Parang ako naman ngayon ang naano sa kaniya. Basta! Iyon na iyon!

Ba't ba siya nag-i-english din?

"Are you okay?"

Alanganin akong ngumiti. Umiling-iling ako.

"No okay," sagot ko.

Ngumisi siya. Sinabi ko na ngang no okay, natuwa pa siya.

Di bale, kahit na ganiyan ka, gusto pa din kita. Tayo ang nakatakda para sa isa't isa, e.

"Bakit binaliktad mo ang damit mo?"

"Eh, pakiramdam ko naengkanto ako." Ngumuso ako.

Sumandal siya sa dingding at tumingin sa akin. Nahiya ako pero lamang syempre ang kilig. Hindi ko lang masyadong pinahalata.

Kumunot ang kaniyang noo. "Naengkanto? Ano iyon?"

Hindi niya alam? Sabagay, laki kasi siya sa syudad.

"Pinaglalaruan ako ng engkanto." Salubong na ang kilay. Ang hirap magpaliwanag, ah. Pakiramdam ko hindi pa din kasi niya maintindihan iyong sinasabi ko.

"Naliligaw ako," sabi ko. Mas madali niyang maintindihan.

Napatingin siya sa pindutan.

""Bakit?"

Ano'ng bakit?

"Hindi ko na mahanap iyong pinanggalingan ko."

"Ano'ng connect sa paghubad at baliktad mo ng damit mo?"

"Ganoon kasi sa amin sa Probinsya. Kapag naliligaw ka, sabi ng matatanda, baliktarin mo ang damit mo."

Tumawa siya. Kahit na pinagtatawanan niya ako gusto ko pa din siya. Ang guwapo niya talaga.

Umiling siya.

"Saan ka ba uuwi? Isabay na kita."

Totoo? Parang gusto kong magtatalon sa tuwa. May magandang naidulot din 'tong katangahan ko ngayong araw.

"Sa Quiapo. Madadaanan mo ba doon?"

"Hindi, pero puwede kitang ihatid hanggang sa sakayan ng jeep sa Quezon Avenue."

Ngumiti ako.

"Sige. Salamat."

Tumunog at nagbukas ang pintuan.

Naglakad na siya palabas at nakasunod naman ako sa kaniya. Lumapit siya sa isang itim na sasakyan. Pinatunog niya din ito.

"Ilagay na lang natin muna sa likod iyang mga dala mo," sabi niya.

Inabot ko naman ito sa kaniya. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan. At dahil hindi ako marunong magsuot noong sinturon sa upuan, siya na ang nag-ayos nito para sa akin.

Hirap na hirap akong magtago ng aking kilig.

Hindi kami nag-usap. May mga katawagan kasi siya sa kaniyang telepono.

Di bale at hindi lang naman ito ang huli naming pagkikita.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa sakayan ng jeep.

Binaba na niya ako.

"Salamat."

Tumango siya at agad na din siyang umalis.

Hay, Craig. Ang guwapo mo talaga.

Kailangan ko ng magmadali. Dapat makarating ako sa bahay ng alas sais y media para masimulan ko na ang dasal ko sa kaniya.

Sinusumpa ko, magiging akin ka, Craig. Magigising ka na lang isang araw at ako ang hanap-hanap mo. Walang ibang maganda sa paningin mo kundi ako lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Love and Potion    SIX

    THIRD POV Naliligo si Craig nang marinig niya ang doorbell. Mabilisan siyang nagbanlaw ng katawan upang mapapasok niya ang taong naghihintay sa labas ng kaniyang unit. Alam niya kung sino ang dumating. He's expecting her. Nagsuot siya ng bathrobe at pinulot din niya ang tuwalya upang gawing pamunas sa basa niyang buhok. Nakakaakit ang ngiti ng babae nang mapagbuksan niya ito. Yeah, he called her. Kailangan niya ng magpapainit ng kaniyang gabi ngayon. Hindi kasi mawaglit sa kaniyang isip si Anne. Hindi din niya maintindihan ang kaniyang sarili. "Come in..." Nakilala niya ang babae sa birthday party ng kaniyang pinsan two months ago. Nasabi ng kaniyang pinsan na gusto daw siya nito pero binalewala niya lang. Hindi siya interesado. Busy kasi siya noon. Busy pa din naman siya. Walang time at ganang mambabae, pero dahil sa nangyari kanina sa condo ni Ethan, heto siya ngayon. Nag-iinit. Hindi mapakali. Kailangang-kailangan niya ng babae. Nagsalin siya ng alak sa goblet. An

    Last Updated : 2025-04-08
  • Love and Potion    SEVEN

    Dahil busog pa naman ako, pinauna ko na lang sina Amang at Inay na kumain. Sa labas sila kumain, dahil madilim dito sa loob ng aming barong-barong. Wala pa din kaming ilaw kasi. Maliwanag sa labas dahil sa ilaw sa labas ng bahay ng mga kapitbahay. Nagmamadali kong nilabas iyong pulang kandila. Wala pa ako n'ong buhok o damit ni Craig para mas maging mabisa ang dasal, pero puwede ko pa dim naman siyang orasyunan. Madali lang naman siyang tatablan dahil kaming dalawa ang nakatadhana. Bakit hindi ko natanong ang apelyido niya kanina? Ano ba iyan?! Di bale. Iisa lang naman ang Craig na kilala ko. Siya lang naman ang gusto ko. Tatalab pa din 'to. Pero bukas, para sigurado, kukunin ko ang apelyido niya kay Ate Rose. Teka, may picture kaya siya kay Ate Rose? Maganda din kung may picture ako na hawak para kahit hindi pa natatapos ang pitong Byernes, tumalab na agad ang orasyon. Sinindihan ko ang kandila at sinimulan ko na ding bigkasin iyong orasyon. Kailangan ko itong ulit-ulitin ng

    Last Updated : 2025-04-08
  • Love and Potion    EIGHT

    THIRD POV Pagkatapos maligo, nakapagluto na ang kasambahay ni Rose. Tumulong si Anne sa paghain ng mga pagkain sa mesa. "Sanay ka ba sa gawaing bahay, hija?" tanong ng matandang kasambahay sa kaniya. "Opo. Laki ako sa hirap. Pero iyon nga lang po, pagdating sa pagluluto, iyong mga nakagisnan ko lang na niluluto nina Amang at Inay ang alam kong lutuin." "Madali lang namang magluto," sabi ng matanda . "Manood ka lang sa Youtube." "Ano po iyon?" inosenteng tanong ni Anne. Wala siyang celphone. Hindi siya maka-relate. "Sa tv po?" "Oo. Puwede din sa cellphone. May pinapanood ako minsan na mga vlog ng mga nagluluto." Tumango na lang siya. Wala siyang celphone at wala din silang tv sa kanila. Napabuntong hininga siya. Naniniwala siyang makakaranas din siyang magkaroon ng tv pagdating ng araw. Habang kumakain, nagkuwento si Rose ng love story nila ni Ethan. Nabuhayan tuloy ng loob si Anne. Naniniwala siya na kaunting-kaunti na lang magiging kaniya na si Craig. At

    Last Updated : 2025-04-08
  • Love and Potion    NINE

    THIRD POV "Ano'ng nangyari kahapon?" Hinilot ni Craig ang kaniyang noo. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina ngunit masyado itong makulit. Hindi naman siya na-p-pressure ngunit medyo nakakarindi na kapag paulit-ulit na lang siyang kinukulit na mag-asawa na. "Alam mo, Anak. Naisip ko lang..." Tinuon niya ang atensyon sa kaniyang ina. "Maghanap ka na lang ng katulad ni Rose. Iyong kahit hindi mayaman, pero mamahalin ka ng buo at totoo. Magiging mabuting asawa din sa'yo." Nang mga sandaling iyon, sumagi sa isipan ni Craig si Anne. Pero ang tanong, magkakasundo kaya sila? Naagaw ng babae ang pansin niya ngunit hindi pa din niya masasabi na magiging compatible sila. What if pagkatapos niya itong maikama, magbago na ang pagtingin nito sa babae. Paano kung pangkama lang pala ito. Habang sinasabi ng kaniyang ina ang bagay na iyon, ang nasa isip naman niya ay si Anne. Simple pero hindi nga lang niya sigurado kung magugustuhan ito ng kaniyang anak. Maganda ito at baling

    Last Updated : 2025-04-09
  • Love and Potion    TEN

    ANNENagtataka ako kung bakit tila hindi tumatalab kay Craig iyong ginagawa kong gayuma. Ilang araw na ako dito sa bahay nina Ate Rose. Mas abot ko na siya, dahil araw-araw ko siyang nakikita. Dito sila kumakain ng agahan at dito na din kumakain sa gabi pagkagaling nila sa trabaho.Kailangan ko na yata ang tulong ng pinsan ni Inay na kilalang mangkukulam sa isla. May pagkakataon na napapatingin sa akin ang lalake, pero hindi ko maramdaman sa kaniyang mga tingin na mayroon siyang gusto sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang mali sa ginagawa ko. Tingin ko ay tama naman lahat. Napabuntong hininga ako. Nakatitig ako sa picture niya na ninakaw ko pa sa photo album ni Kuya Ethan. Sana lang ay hindi niya ito malaman at baka dito pa ako matatanggalan ng trabaho. Gusto ko dito kina Ate Rose. Araw-araw akong nagpupunas at naglilinis ng bawat sulok pero hindi ako napapagod. Mas okay dito kaysa sa Quiapo. Alas-tres na pero hindi daw mag-m-meryenda si Ate Rose, kaya nag-siesta na din muna ak

    Last Updated : 2025-04-09
  • Love and Potion    ELEVEN

    Hindi naman malaman ni Ate kung matatawa siya o maaawa sa akin. Kagat niya ang kaniyang labi habang nakatingin sa picture at sa brief ni Craig. Inis na inis ako sa sarili ko. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. "Give me alone muna, Ate Rose.""Huh?" Kumunot ang kaniyang noo. "Iwan mo po muna ako, Ate." Tinagalog ko na dahil hindi yata naintindihan ni Ate. Natatawa siyang tumalikod. Napaupo naman ako sa sahig. Iyong brief na hawak ko ay naihagis ko. Nakaramdam ako ng pandidiri sa aking sarili. Sininghot-singhot ko pa man din noon iyong brief. Gusto kong maduwal. Nakakainis! Ang tanga mo talaga, Anne! Tumayo ako at pinulot ulit iyong brief. Plano ko na sanang itapon kasama iyong bulbol ni Craig kaso baka kailanganin ko ito para masolusyunan ang problema ko. Niligpit ko na din muna ang mga kalat ko bago ako lumabas ng aking kuwarto. Nadatnan ko si Ate Rose sa kusina. Inaayos niya iyong mga dala niyang pagkain. Nakakahiya dahil siya ang nag-aasikaso kaya nagmama

    Last Updated : 2025-04-10
  • Love and Potion    TWELVE

    "What happened to you?" Napatingin ako sa mga gasgas ko sa braso kung saan siya nakatingin ngayon. "Ah..." Ano na ba ang English n'on? Kailangang English ko siya sagutin. Kailangan kong gamitin iyong mga ilang english na salita na natutunan ko sa pagbabasa. "Disgrace in the motor..." Ang galing ko! "What?" tanong niya. "Huh? Disgrace in the motor nga," ulit ko naman. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi. At natutuwa pa siya sa nangyari sa akin? "Kawawa ka naman pala," sabi niya. "Wala 'to. Malayo sa bituka."Bumukas ang elevator sa penthouse. Dito na naman siguro siya makikikain kaya siya nagpunta dito. "Hi, Ate!" "Anne! Na-miss kita!" Napangiti ako. Nakakatuwa na hindi na iba ang turing ni Ate Rose sa akin. Tinuring niya akong kaibigan at pamilya, kahit na katulong lang nila ako. "Oh, ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Kuya Ethan. "Disgrace in the motor," sabi ni Craig. Nauna na siyang sumagot. Nagsalubong ang kilay ni Kuya Ethan. Pagkatapos ay natawa siya. "Loko-loko,

    Last Updated : 2025-04-11
  • Love and Potion    THIRTEEN

    Hindi ako makatulog. Dapat sa mga oras na 'to ay nagdadasal na naman ako. Parang hindi ko kayang maghintay kung kailan mawawalan ng bisa iyong naunang orasyon na ginawa ko. Kinukulit lang naman ako ni Craig, e, pero hindi ibig sabihin n'on na may gusto na siya sa akin. Tingin ko ay hindi pa naman nakapasok sa kaniyang puso iyong orasyon. Tumagilid ulit ako. Hatinggabi na. Bumangon ako nang maalala ko iyong gatas sa ref. Sabi ni Ate ay malapit ng ma-expire kaya dapat maubos na. Kapag nakainom ako ng gatas, siguro naman ay aantukin na ako. Nagsalin ako sa baso. Pinuno ko na para mabilis maubos. Sa akin lang 'to pinapaubos ni Ate Rose, e. "Ba't gising ka pa?"Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Marko. May suot siyang salamin sa mata, medyo magulo ang buhok. Nakasuot siya ng tshirt na puti at pantalon na pantulog. "Ah, hindi ako makatulog, e..." sagot ko naman. Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Gusto mo ng gatas?" Ngumiti siya pabalik. Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko. "

    Last Updated : 2025-04-12

Latest chapter

  • Love and Potion    FIFTEEN

    Lumapit siya sa sofa at pinulot doon ang susi. Lumapit ako sa kaniya. "Pasensya ka na, ha. May kausap kasi ako, e.""Walang problema, Kuya. Buti at gising pa ako." Alangan naman na tumanggi ako, e, amo ko siya. Lumabas na din ako agad. May unit number naman ang susi kaya alam ko na kung saang palapag at unit ako pupunta. Medyo natakot pa ako nang bubuksan ko na ang pintuan ng unit niya, dahil inaasahan ko na madilim ito, ngunit kagaya din pala ng bahay nina Kuya Ethan ang bahay niya. Salamin ang dingding at kahit na gabi na ay medyo maliwanag pa din. Binuksan ko pa din ang ilaw, para makita ko iyong kukunin ko. Kaso wala namang folder na nakapatong sa mesa. Nagpunta ako sa kusina upang tingnan iyong mesa doon ngunit wala din. Hindi kaya nasa kuwarto? Gustuhin ko mang bumalik na sa penthouse ngunit alam kong kailangan ni Kuya Ethan iyon. Hindi siya magpapasuyo sa akin kung hindi iyon importante. Bahala na nga. Papasok ako sa kuwarto ni Craig. Pagbukas ko sa ilaw ng kaniyang sili

  • Love and Potion    FOURTEEN

    Busy sa trabaho sina Kuya Ethan. Maaga siyang umaalis at gabing-gabi na din siya kung umuwi. At balita ko ay umalis din ng bansa sina Craig at Marko. Medyo nalulungkot tuloy ako, dahil dalawang araw ko ng hindi nakikita si Marko. "Nakakapanibago, no?" tanong ni Ate Rose. Napatingin ako sa kaniya. Nagbabasa ako ngayon ng libro. Binibigyan niya ako ng isang oras sa bawat umaga upang magbasa. "Bakit, Ate?""Nakakapanibago na wala si Craig." Tumawa siya. Napangiwi naman ako. Imbes na ayaw ko siyang isipin, e. Kagabi ay ang lalake ang laman ng panaginip ko. Hay! Ayaw ko ng maalala iyong panaginip ko. "Natutuwa ako sa mga kaibigan ng asawa ko. Naging parte na sila ng buhay namin. Lalo iyong si Craig." Tipid akong ngumiti. Nakakatuwa nga iyong samahan nila. Sa totoo lang, nasanay na nga din ako na nakikita sila sa araw-araw, kahit nakakaasar si Craig. PAGSAPIT ng hapon ay dumating ang byenan ni Ate Rose. Nagpamasahe siya sa akin at malaki-laki ang binayad.Binabalik ko iyong iba, dahi

  • Love and Potion    THIRTEEN

    Hindi ako makatulog. Dapat sa mga oras na 'to ay nagdadasal na naman ako. Parang hindi ko kayang maghintay kung kailan mawawalan ng bisa iyong naunang orasyon na ginawa ko. Kinukulit lang naman ako ni Craig, e, pero hindi ibig sabihin n'on na may gusto na siya sa akin. Tingin ko ay hindi pa naman nakapasok sa kaniyang puso iyong orasyon. Tumagilid ulit ako. Hatinggabi na. Bumangon ako nang maalala ko iyong gatas sa ref. Sabi ni Ate ay malapit ng ma-expire kaya dapat maubos na. Kapag nakainom ako ng gatas, siguro naman ay aantukin na ako. Nagsalin ako sa baso. Pinuno ko na para mabilis maubos. Sa akin lang 'to pinapaubos ni Ate Rose, e. "Ba't gising ka pa?"Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Marko. May suot siyang salamin sa mata, medyo magulo ang buhok. Nakasuot siya ng tshirt na puti at pantalon na pantulog. "Ah, hindi ako makatulog, e..." sagot ko naman. Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Gusto mo ng gatas?" Ngumiti siya pabalik. Pakiramdam ko nalaglag ang puso ko. "

  • Love and Potion    TWELVE

    "What happened to you?" Napatingin ako sa mga gasgas ko sa braso kung saan siya nakatingin ngayon. "Ah..." Ano na ba ang English n'on? Kailangang English ko siya sagutin. Kailangan kong gamitin iyong mga ilang english na salita na natutunan ko sa pagbabasa. "Disgrace in the motor..." Ang galing ko! "What?" tanong niya. "Huh? Disgrace in the motor nga," ulit ko naman. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi. At natutuwa pa siya sa nangyari sa akin? "Kawawa ka naman pala," sabi niya. "Wala 'to. Malayo sa bituka."Bumukas ang elevator sa penthouse. Dito na naman siguro siya makikikain kaya siya nagpunta dito. "Hi, Ate!" "Anne! Na-miss kita!" Napangiti ako. Nakakatuwa na hindi na iba ang turing ni Ate Rose sa akin. Tinuring niya akong kaibigan at pamilya, kahit na katulong lang nila ako. "Oh, ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Kuya Ethan. "Disgrace in the motor," sabi ni Craig. Nauna na siyang sumagot. Nagsalubong ang kilay ni Kuya Ethan. Pagkatapos ay natawa siya. "Loko-loko,

  • Love and Potion    ELEVEN

    Hindi naman malaman ni Ate kung matatawa siya o maaawa sa akin. Kagat niya ang kaniyang labi habang nakatingin sa picture at sa brief ni Craig. Inis na inis ako sa sarili ko. Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. "Give me alone muna, Ate Rose.""Huh?" Kumunot ang kaniyang noo. "Iwan mo po muna ako, Ate." Tinagalog ko na dahil hindi yata naintindihan ni Ate. Natatawa siyang tumalikod. Napaupo naman ako sa sahig. Iyong brief na hawak ko ay naihagis ko. Nakaramdam ako ng pandidiri sa aking sarili. Sininghot-singhot ko pa man din noon iyong brief. Gusto kong maduwal. Nakakainis! Ang tanga mo talaga, Anne! Tumayo ako at pinulot ulit iyong brief. Plano ko na sanang itapon kasama iyong bulbol ni Craig kaso baka kailanganin ko ito para masolusyunan ang problema ko. Niligpit ko na din muna ang mga kalat ko bago ako lumabas ng aking kuwarto. Nadatnan ko si Ate Rose sa kusina. Inaayos niya iyong mga dala niyang pagkain. Nakakahiya dahil siya ang nag-aasikaso kaya nagmama

  • Love and Potion    TEN

    ANNENagtataka ako kung bakit tila hindi tumatalab kay Craig iyong ginagawa kong gayuma. Ilang araw na ako dito sa bahay nina Ate Rose. Mas abot ko na siya, dahil araw-araw ko siyang nakikita. Dito sila kumakain ng agahan at dito na din kumakain sa gabi pagkagaling nila sa trabaho.Kailangan ko na yata ang tulong ng pinsan ni Inay na kilalang mangkukulam sa isla. May pagkakataon na napapatingin sa akin ang lalake, pero hindi ko maramdaman sa kaniyang mga tingin na mayroon siyang gusto sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang mali sa ginagawa ko. Tingin ko ay tama naman lahat. Napabuntong hininga ako. Nakatitig ako sa picture niya na ninakaw ko pa sa photo album ni Kuya Ethan. Sana lang ay hindi niya ito malaman at baka dito pa ako matatanggalan ng trabaho. Gusto ko dito kina Ate Rose. Araw-araw akong nagpupunas at naglilinis ng bawat sulok pero hindi ako napapagod. Mas okay dito kaysa sa Quiapo. Alas-tres na pero hindi daw mag-m-meryenda si Ate Rose, kaya nag-siesta na din muna ak

  • Love and Potion    NINE

    THIRD POV "Ano'ng nangyari kahapon?" Hinilot ni Craig ang kaniyang noo. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina ngunit masyado itong makulit. Hindi naman siya na-p-pressure ngunit medyo nakakarindi na kapag paulit-ulit na lang siyang kinukulit na mag-asawa na. "Alam mo, Anak. Naisip ko lang..." Tinuon niya ang atensyon sa kaniyang ina. "Maghanap ka na lang ng katulad ni Rose. Iyong kahit hindi mayaman, pero mamahalin ka ng buo at totoo. Magiging mabuting asawa din sa'yo." Nang mga sandaling iyon, sumagi sa isipan ni Craig si Anne. Pero ang tanong, magkakasundo kaya sila? Naagaw ng babae ang pansin niya ngunit hindi pa din niya masasabi na magiging compatible sila. What if pagkatapos niya itong maikama, magbago na ang pagtingin nito sa babae. Paano kung pangkama lang pala ito. Habang sinasabi ng kaniyang ina ang bagay na iyon, ang nasa isip naman niya ay si Anne. Simple pero hindi nga lang niya sigurado kung magugustuhan ito ng kaniyang anak. Maganda ito at baling

  • Love and Potion    EIGHT

    THIRD POV Pagkatapos maligo, nakapagluto na ang kasambahay ni Rose. Tumulong si Anne sa paghain ng mga pagkain sa mesa. "Sanay ka ba sa gawaing bahay, hija?" tanong ng matandang kasambahay sa kaniya. "Opo. Laki ako sa hirap. Pero iyon nga lang po, pagdating sa pagluluto, iyong mga nakagisnan ko lang na niluluto nina Amang at Inay ang alam kong lutuin." "Madali lang namang magluto," sabi ng matanda . "Manood ka lang sa Youtube." "Ano po iyon?" inosenteng tanong ni Anne. Wala siyang celphone. Hindi siya maka-relate. "Sa tv po?" "Oo. Puwede din sa cellphone. May pinapanood ako minsan na mga vlog ng mga nagluluto." Tumango na lang siya. Wala siyang celphone at wala din silang tv sa kanila. Napabuntong hininga siya. Naniniwala siyang makakaranas din siyang magkaroon ng tv pagdating ng araw. Habang kumakain, nagkuwento si Rose ng love story nila ni Ethan. Nabuhayan tuloy ng loob si Anne. Naniniwala siya na kaunting-kaunti na lang magiging kaniya na si Craig. At

  • Love and Potion    SEVEN

    Dahil busog pa naman ako, pinauna ko na lang sina Amang at Inay na kumain. Sa labas sila kumain, dahil madilim dito sa loob ng aming barong-barong. Wala pa din kaming ilaw kasi. Maliwanag sa labas dahil sa ilaw sa labas ng bahay ng mga kapitbahay. Nagmamadali kong nilabas iyong pulang kandila. Wala pa ako n'ong buhok o damit ni Craig para mas maging mabisa ang dasal, pero puwede ko pa dim naman siyang orasyunan. Madali lang naman siyang tatablan dahil kaming dalawa ang nakatadhana. Bakit hindi ko natanong ang apelyido niya kanina? Ano ba iyan?! Di bale. Iisa lang naman ang Craig na kilala ko. Siya lang naman ang gusto ko. Tatalab pa din 'to. Pero bukas, para sigurado, kukunin ko ang apelyido niya kay Ate Rose. Teka, may picture kaya siya kay Ate Rose? Maganda din kung may picture ako na hawak para kahit hindi pa natatapos ang pitong Byernes, tumalab na agad ang orasyon. Sinindihan ko ang kandila at sinimulan ko na ding bigkasin iyong orasyon. Kailangan ko itong ulit-ulitin ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status