Ngayon lang niya na-realize kung gaano kasama ang sitwasyon niya noong pinag-ti-tiyagaan niya si Tim. Lalo siyang nasuklam kay Jackie, ang mommy ni Tim. “Hay naku, pinaalala mo na naman sakin, hindi ko makakalimutan yung insidenteng pinapunta niya ako sa airport ng madaling araw kahit na alam niyang may pasok ako sa school kinaumagahan, para lang kuhain ang bag na pinabili niya sa isang kumare niyang galing ng Europe.” “Hahaha, pano ko makakalimutan yun, eh napagalitan ka ni Ms. Arabit kasi nakatulog ka habang nagka-klase siya.” “Kaya nga, nakakahiya! Talaga. Tapos yung time na pinapunta niya ako sa rolex shop, may pinakuha siya, akala ko naman bayad na yun pala nag down payment lang, nalalos laman ng bangko ko nun hayop siyang bruha siya!” “Hahaha! Naalala ko din yun! Hiyang-hiya tayong tatlo nila Gladys. Paano ba naman, ang tagal nating naghintay doon para lang mabayaran yung kabuuan, dahil na short ka pa at kinailangan mo pang tawagan si Tim” Mapaklang napangiti si Xyrille
Terakhir Diperbarui : 2025-03-28 Baca selengkapnya