Sa loob lamang ng ilang segundo ay parang bumagsak ang isang bomba sa buong paligid. Ang mga camera ay muling bumaling kay Xyrille, ang mga tanong ay lalong naging mapanira."So totoo ba?! May relasyon kayo?!""Miss Xyrille, kabit ka ba?!""Atty. David, hindi ba malinaw ang relasyon mo kay Tim?!"Sumakit ang ulo ni Xyrille. At naramadaman niyang dumagundong ang tibok ng kanyang puso. Hindi ito totoo. Hindi dapat ito nangyayari.“Ibaba niyo ang mga camera niyo!, lahat kayo ay magtungo sa conference hall!” pagkasabi noon ni Atty. David ay agad na binaba ng mga reporter ang kanilang camera. Wala ni isang nagtangkang suwayin ang kaniyang sinabi. Inayos niya ang kaniyang sarili at lumapit siya sa kaniyang Lolo. “Lolo, tatapusin ko lang ang tungkol sa mga reporter at susunod din ako sa inyo. Isabay niyo na si Xyrille sa inyo.” pakiusap ni Atty. David kay Don Victor, ang kanyang Lolo.Hindi tumugon ang matanda sa kaniya bagkus isang matalim na tingin ang ibinigay nito sa kaniya, tumalikod
Last Updated : 2025-03-14 Read more