Bata pa lamang si Gigi ay namulat na siya sa maruming mundo na ginagalawan nila. Dancer sa club ang mama nila at iyon ang trabaho nito, nagsasayaw ng hubad sa harapan ng mga lalaki, mga mayayamang lalaki at minsan pa ay tini-take home pa nito ang ina nila. Kapag take home ay mas malaki daw ang kikitain ng mama niya kaya masaya siya kapag gano’n, makakabili sila ng masarap na ulam, nakakasawa na kasi ang sardinas, nangagamoy iyong bibig niya. “’Nak, baka hindi ako makauwi mamaya, ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Ito iyong bente, bumili ka ng sardinas bukas para sa agahan ninyo, at ‘wag mong kalilimutang mag-lock ng pinto,” iyon ang habilin ng mama niya, naghahanda na ito para sa trabaho. Makapal ang make up nito at pulang-pula ang mga labi, gandang-ganda siya sa mama niya. Kaya siguro maraming suki ang mama niya dahil sa taglay nitong ganda, napakaputi kasi nito at ang kinis pa, madalas sabihin ng mga kapit-bahay nila na magkamukha sila at magka-kutis, sobrang puti ni
Last Updated : 2025-03-07 Read more