Natapos na ang kasal at ang program. Umalis na sila sakay ng bridal car at napagkasunduan nilang dalawa na para mas makatotohanan kunwari ay maghahoneymoon silang dalawa. Pero, ang totoo walang ganong magaganap. Aalis lang sila para makapag enjoy na dalawa at makalimot sa mga sakit na kanilang nararamdaman ngayon. Pag dating nila sa Isla. Inalalayan siya ni Calix at sasakay sila ng yatch. Isa lang ito sa pagmamay-ari ng pamilya ni Calix. "Sweety, come here." asar ni Calix. Sinamaan naman siya ng tingin ni Clarissa na mag-isang umakyat sa itaas at hindi pinansin si Calix. Naglibot siya at nakita niya ang mga cabin area. "Hmmm! Saan ako matutulog?" masungit na tanong ni Clarissa. "Hmmm! Dyan, teka matutulog ka na agad? Ayaw mo bang mag celebrate muna tayo. Siguro naman uminom ka ng alak, tama ba?" tanong nito. "Oo, naman. Hmmmp! Marami ka bang alak dyan?" tanong ni Clarissa. "Oo naman. Wait ihahanda ko lang." saad ni Calix. "Ok." tipid na sagot ni Clarissa. Habang nag
Terakhir Diperbarui : 2025-03-06 Baca selengkapnya