Tous les chapitres de : Chapitre 31 - Chapitre 40

45

Chapter 30 YOU'LL REGRET THIS

Michelle's Point of View Habang nag-se-serve ay naramdaman ko ang hakbang papalapit sa akin. Mabilis akong humarap at nakangiting muling binati si Robert. "Maupo ka," ika kong ini-offer sa kanya ang kalilinis lamang na mesa.Mabait si Robert. Iyon ang una kong napansin nang kausapin niya ako without any formalities. Naging panatag ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako. He even offered me help pero tinanggihan ko. Baka kasi magkaroon pa ng problema kung malaman ni Lucas. "Gusto mo ba ng kape?" tanong kong muli siyang nginitian. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lamang siya sumagot o ngumiti lamang gaya ng dati. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Parang may gustong ipahiwatig ang mga titig niya sa akin.Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang may kumalabit sa aking tagiliran. Isa sa masugid naming kustomer iyon."Bakit po Manong Benito?" tanong ko.Nakita kong may tinitingnan ang mga ito pero hindi ko iyon pinansin. "Do you have brewed coffee?
last updateDernière mise à jour : 2025-04-05
Read More

Chapter 31 PROPERTY

Michelle's Point of ViewHanggang sa dumating ang Lunes ay hindi ako pinatahimik ng agam-agam sa sistema ko tungkol sa banta ni Lucas. I know he is capable of doing it. Kaya nga halos hindi ko makatulugan ang banta niyang iyon."Maxine, bakit parang nalugi kang Bombay diyan? Kung makasalumbaba ka diyan parang namatayan ka ng isang kuko!" hirit ni Lorraine sa akin. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin."Gutom ka ba? Gusto mong kumain?"Napatingin ako sa kanya nang mabanggit niya ang pagkain. Nagugutom na nga ako. Madali akong gutumin ngayon dahil sa sunod-sunod na trabahong ginagawa ko."Lunch time na ba?"tanong kong napatingin sa orasan na nasa dingding. Lunch time na nga. "Tara sa canteen," yaya sa akin ni Lorraine pero umiling ako. "Dito ako kakain. May baon ako," sabi ko. Ilang linggo na rin akong hindi sumasabay sa kanila dahil wala akong pera pambili sa canteen. Kung meron man ay iniipon ko iyon para makakuha ng sariling titirhan. Nahihiya na ako kay Manang Bebang
last updateDernière mise à jour : 2025-04-05
Read More

Chapter 32 DEMOLITION

LUCAS POINT OF VIEW I saw how she gets shocked. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Tinalikuran ko naman siya pagkatapos masatisfy sa naging reaction niya."You're bluffing!" asik niya dahilan upang mapatigil ako sa paghakbang.Muli akong humarap sa kanya. Nakangisi. Making fun of her. "Do you want to watch how I will end that business, Michelle?" ika kong puno ng kompiyansa. Alam niyang kaya kong gawin iyon isang pitik lang ng mga daliri ko. Naglakad ako papunta sa aking lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko. Pumindot at may tinawagan. "You can start the demolition right away..." utos ko sa tinawagan kong nakaantabay sa desisyon ko.Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Lucas?" Hindi niya mapigilang bulalas. Unti-unti kong nabubuwag ang katapangan na ipinapakita niya.."You know why, Michelle. Hindi mo na dapat tanungin pa iyan..." Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa aking mesa. Muli akong naupo habang hini
last updateDernière mise à jour : 2025-04-06
Read More

Chapter 33 HE DESERVE MY SHÌT

MICHELLE'S POINT OF VIEW Napasapo ako sa aking ulo nang magising. Impit na napaungol dahil sa sakit na nanggagaling sa gilid ng aking ulo. Parang binibiyak iyon at pinupukpok ng martilyo. "Naku, Michelle, huwag ka munang bumangon."Narinig ko ang boses ni Manang Bebang kaya kahit na hirap na hirap ay bumaling ako sa kanya. "Saan ako, Manang?""Nasa hospital ka ngayon Michelle. Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Manang Bebang. Parang maiiyak na rin ang boses niya. Parang kanina pa nagpipigil."Ano pong nangyari?" Inapuhap ko ang aking ulo. Napakunot noo ako nang makapa ang makapal na benda na nakapalibot doon. Bakit nga ba ako naroon? Ang huling naalala ko ay sumugod ako sa mga tauhan ni Lucas dahil ginigiba na nila ang karinderya."Aksidenteng nahulugan ka ng kahoy, Michelle. Kasalanan ko ito. Hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan ng karinderya..." mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting umiling. "Wala kang kasalanan
last updateDernière mise à jour : 2025-04-07
Read More

Chapter 34 SURPRISED

LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
last updateDernière mise à jour : 2025-04-08
Read More

Chapter 35

MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
last updateDernière mise à jour : 2025-04-09
Read More

Kabanata 36 NO PRIVACY

MICHELLE'S POINT OF VIEWDahil sa aksidente at muling pagkakabuka ng sugat ko sa ulo ay hindi ako pinayagang pumasok muna sa trabaho ng doctor. At dahil amo ko si Lucas sa kompanya at sa mansiyon, imbes na asawa, ay madali lamang na napagdesisyunan iyon. Pero siyempre, hindi madali iyon sa akin. Dahil kahit na pumayag siya ay alam kong hindi iyon bukal sa kanyang kalooban. He wants me to suffer at hindi umaayon iyon sa mga nangyayari ngayon.Dinala nga ni Nanay Susan ang mga damit na hindi na ginagamit ng kapatid ni Lucas kinaumagahan. Kumpleto na iyon. Maging underwear ay meron na rin at mga bago. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil branded pa."Huwag kang mag-alala. Walang magagawa si Lucas dahil ako mismo ang nagpaalam kay Sonia na ipamigay na lang ang mga naiwang damit niya dito," sabi ni Nanay Susan nang inaayos niya sa closet ang ilang mga damit. Kaya naman pala. Akala ko ay kusang loob na ibinigay iyon ni Lucas dahil sabi ni Nanay ay ipinakuha iyon ni Lucas. Mukhang napilit
last updateDernière mise à jour : 2025-04-11
Read More

Chapter 37 MRS. BELLEZA

LUCAS POINT OF VIEWI was about to go when Nanay Susan saw me. Pababa na siya sa hagdan at parating naman ako. Sa tingin pa lamang niya ay alam kong may gusto na siyang sabihin kaya naman tumigil ako. "Lucas, hindi ko alam kung anong ugnayan mo kay Michelle, pero sana ay maging mabait ka sa kanya. Hindi ka naman ganyan sa iba ah! Bakit ba pakiramdam ko ay ang init-init ng ulo mo sa kanya. Kilala kita, Lucas. Mabait ka at maunawain..."I raised my hand to stop her from talking. Marami na siyang sinabi. I want her to listen to me as well."Nay, you don't know her personally. She's here to pay for what she did..." I told her. Napailing lamang siya. "Alam ko kung paano kumilatis ng tao, Lucas..." pamimilit niya sa kanyang opinyon."Then you're wrong this time, Nanay," sabi kong napabalik. Imbes na magpatuloy paalis naglakad ako patungo sa kuwarto ni Michelle. Sa pag-aakalang naroon lang siya sa loob ay binuksan ko ang pinto without knocking again. I didn't see her right away. Paalis na
last updateDernière mise à jour : 2025-04-12
Read More

CHAPTER 38 Decietful and Liar

Michelle's Point of View"Nay, ako na po ang gagawa nito," ako ang nagkusang gawin ang vegetable salad dahil talagang bored na ako na walang ginagawa. Ulo ko lang ang may sugat at hindi ang mga kamay ko. Hindi ako baldado para hindi makatulong sa kanila. Halos maghapon kong sinubukang tumulong pero lagi nila akong sinasaway. Sabagay, kahit malaki ang mansiyon ay napanatiling malinis iyon kahit silang dalawa lamang ni Lea.Tumingin sa akin si Nanay. "Oh siya, sige at napapagod na akong sawayin ka. Gawin mo iyan, paborito ni Lucas...c Wala naman yatang ibig sabihin si Nanay Susan pero bakit sinabi niyang paborito iyon ni Lucas eh hindi ko naman tinatanong. Si nanay talaga. Hinimay ko ang ilalagay kong lobster para doon. Naka-ready na at na-cut na ang gulay na gagamitin ko kaya madali lang. Ang tanging gagawin ko na lamang ay paghalu-haluin ang mga iyon at lagyan ng dressing. Wala pang sampong minuto ay gawa na. Nang matapos kong gawin iyon ay inilagay ko muna iyon sa ref para fresh
last updateDernière mise à jour : 2025-04-13
Read More

Chapter 39 Thank You

Michelle's Point of ViewNagsinungaling ako kay Nanay Susan na hindi ko alam kung bakit ganoon sa akin si Lucas sa kadahilanang hindi niya puwedeng malaman ang lahat at ang totoong ugnayan namin ni Lucas sa isa't isa. Sa mga mata nila ay isa lang akong babaeng dinala niya doon at tinulungan. Pero, tinulungan nga ba? Kasi, lumalabas ngayon sa mga mata nila na naroon ako para parusahan ni Lucas. Naroon ako sa masiyon para maging alipin dito. And yet walang konkretong dahilan kung bakit.Nakalipas ang isang linggo na iwas ako kay Lucas. Hanggang maaari ay ayaw kong makita niya ako. Lalo pa at nadadamay na sila nanay Susan sa aming dalawa.Buti na lamang at mabilis gumaling ang sugat ko. Dahil na rin siguro sa gamot na binigay ng doctor. At dahil may buhok akong nakatakip doon ay hindi na rin halata. Imbes na ipusod ko na gaya ng dati ay hinayaan ko na lang na nakalugay amg buhok ko para takpan iyon.Ang atakeng pananakit ng ulo ko ay huli na rim noong isang linggo. Dahil na rin siguro s
last updateDernière mise à jour : 2025-04-14
Read More
Dernier
12345
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status