All Chapters of The Pilot’s Secret Wife: Second Chances in the Sky: Chapter 31 - Chapter 40

55 Chapters

CHAPTER 31: 8 HOURS A DAY DEAL

“Lila...” tawag ni Ethan sa pangalan niya ng tahimik ngunit taos-puso. Parang may bigat sa boses niya, na para bang matagal na niyang pinigilan ang lahat ng nararamdaman.“Gusto ko sanang makipag-usap,” nagsimula si Lila, ang boses niya ay halos pabulong.Tumabi si Ethan sa pinto at pinapasok siya. “Sige. Gusto kong marinig ang sasabihin mo.”Napansin niya ang katahimikan sa loob ng apartment. May kakaibang pakiramdam ng emptiness, katulad ng nararamdaman niyang pagkakalungkot sa loob. Naglakad siya papasok at huminto sa sala, bago niya tinignan si Ethan na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa kanya, ang kanyang postura ay matigas ngunit naghihintay.“Pinag-isipan ko ang lahat ng pinagdaanan natin. At, Ethan...” napahinto si Lila, kinakalap ang lakas ng loob. “Handa akong subukan ulit. Pero may ilang bagay tayong kailangan ayusin.”Nagulat si Ethan, at ang mga mata niya ay lumaki. “Ibig mong sabihin... susubukan pa natin ulit?”Tumango si Lila. “Oo, pero may mga hangganan. Kailanga
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

CHAPTER 32: ALWAYS BE UR LITTLE GIRL, MOMMY

Huminga ng malalim si Lila habang tinitingnan si Ethan na nakaupo pa rin sa sofa, ang mga mata nito ay malambot ngunit puno ng halong pag-asa at kalituhan. Ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay tila mas mabigat kaysa kailanman, ngunit alam niyang kailangan niyang manatili sa kanyang composure."Kailangan mong magpahinga, Ethan," sabi niya, ang boses niya ay malambot ngunit matatag. "Pupunta ako sa trabaho mamaya. Babalik ako pagkatapos ng ilang oras, okay?"Tumingin si Ethan sa kanya, ang ekspresyon ay seryoso ngunit mahinahon. Dahan-dahang tumango siya. "Naiintindihan ko. Magpapahinga ako. Nangako ako."Nakatayo si Lila sa harap niya ng ilang sandali, ang mga mata niya ay tinatansya siya, parang gusto niyang tiyakin ang sarili. Nag-set siya ng mga hangganan, at ngayon, kailangan niyang sundin ang mga iyon—kahit na mahirap."Salamat sa pagiging nandiyan," bulong ni Ethan habang tumayo siya at niyakap siya ng mabilis, ngunit puno ng kahulugan. "Malaking bagay sa akin ito."Niyaka
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

CHAPTER 33: MOTHER-DAUGHTER NIGHT

Habang naglilinis ng pinagkainan, si Lila ay nakaramdam ng kaunting pagod. Ang buong araw ay puno ng emosyon—mula sa pag-uusap kay Ethan hanggang sa simpleng bonding nila ni Mia.Ang mga simpleng bagay, tulad ng paglalaro ng dolls o paggawa ng pasta ay nagbigay sa kanya ng kaunting ginhawa mula sa mga kumplikadong sitwasyon. Ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang mga tanong tungkol kay Ethan.Paano nila malalampasan ang lahat ng ito? At paano niya magagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang ina at bilang fake partner?Habang siya'y naglalakad sa kusina upang iligpit ang mga pinagkainan, narinig niyang tinatawag siya ni Mia mula sa sala. "Mommy! Come here!"Pumasok siya sa sala at nakita si Mia, nakaupo sa sahig at hawak ang isang malaking mangkok ng popcorn. "Mommy, popcorn! Let's eat!" Ngumiti si Lila at lumapit kay Mia. "Ano, gusto mo pang mag-popcorn?" tanong niya na may biro sa tinig."Opo! Lagi!" sagot ni Mia na may kagalakan sa mga mata.Nagtulong silang magtapon
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

CHAPTER 34: I LOVE YOU, DAD

Maagang nagising si Lila kinabukasan. Habang nakahiga pa sa kama, narinig niyang bumukas ang pinto ng kwarto ni Mia. Hindi nagtagal, bumungad ang munting boses ng kanyang anak."Mommy!" Masayang sigaw ni Mia habang lumalapit ito sa kama niya. "Ikaw po maghahatid sa akin sa school, di ba?"Napangiti si Lila at hinila si Mia sa tabi niya. "Oo naman, anak. Ako ang maghahatid sa'yo," sagot niya habang hinahaplos ang buhok nito."Yehey! Mas masaya 'pag si Mommy kasama ko!""At alam mo ba?" dagdag ni Lila. "Next time, magbabakasyon tayo sa nature park. Hindi na tayo agad uuwi. Magtatagal tayo roon para mas ma-enjoy natin."Lalong lumiwanag ang mga mata ni Mia. "Talaga po? Totoo 'yan, Mommy?"Tumango si Lila. "Pangako ko 'yan, anak."Napayakap si Mia sa kanya. "Thank you, Mommy! Ang saya-saya ko po!"Matapos ang kanilang maikling pag-uusap, sabay silang bumangon at naghanda para sa araw. Tinulungan ni Lila si Mia sa pagbibihis at paghahanda ng kanyang gamit. Pagkatapos ng agahan, isinakay ni
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

CHAPTER 35: LUNCH WITH CORNY JOKES

Pagkalipas ng ilang oras matapos umalis ng kanyang ama, nanatili si Lila sa kanyang opisina, abala sa pagtapos ng mga natitirang gawain. Subalit, nang malapit na siyang mag-clock out para sa lunch break, bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Daniel, may dalang dalawang lunch box sa kanyang mga kamay."Hey, Lila," bati niya habang papalapit. "Sakto, magla-lunch ka na, di ba? Naalala kong hindi ka madalas kumain ng maayos kapag busy ka kaya naisip kong dalhan ka ng pagkain."Napangiti si Lila sa kabutihang-loob ni Daniel. "Salamat, Daniel. Tama ka, kanina ko pa nakakalimutan na mag-lunch. Sige, sabay na tayong kumain."Inilapag ni Daniel ang mga lunch box sa mesa at binuksan ang isa. "Niluto ‘to ni Mom. Sabi niya, nagustuhan daw niya noong dumalaw tayo noong isang gabi. Ang saya nila, lalo na si Dad, kasi matagal na rin silang hindi nakakapag-entertain ng bisita lalo na ikaw yung nakita nila."Habang kumakain, tumango si Lila. "Masaya nga sila noong pumunta tayo. Ang bait ng parents
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

CHAPTER 36: I'LL UPDATE YOU

Matapos nilang magtanghalian, kinuha ni Daniel ang isang lata ng cola mula sa dala niyang paper bag at iniabot ito kay Lila."O, pahinga ka muna at mag-enjoy kahit sandali," aniya habang inaabot ito sa kanya.Kinuha iyon ni Lila, bahagyang nakakunot ang noo. "Bakit parang ang bait mo ngayon?"Napangiti si Daniel at saka bumuntong-hininga. "Kasi aalis na ako. May flight ako in an hour. Tatawagan kita mamaya pagkalapag ko."Nagulat si Lila sa sinabi nito. "Hah? Bakit mo naman ako kailangang i-update?"Napataas ang isang kilay ni Daniel habang nakatingin sa kanya. "Lila, mag-jowa na tayo, kahit na sikreto lang. So, syempre, importante ‘yon. Dapat nag-uusap tayo."Napipi si Lila, hindi alam kung paano sasagot. Sa halip, tinitigan lang niya ito habang pinoproseso ang sinabi ng lalaki. Maya-maya pa, lumapit si Daniel at marahang hinalikan siya sa noo. "Ingat ka palagi, ha? Sige, aalis na ako."Napatulala si Lila habang nakatingin kay Daniel na kumakaway habang lumalabas ng opisina. Hindi si
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

CHAPTER 37: CONSISTENT

Nang matapos si Ethan sa pagluluto, inayos niya ang hapag-kainan at inilagay ang mga niluto niya sa mesa. May chicken soup, stir-fried vegetables, at isang malaking plato ng rice."Halika na, Lila. Kumain na tayo, huwag ka mahiya kumain, my love," tawag niya habang inaayos ang upuan para sa kanya.Lumapit si Lila ngunit agad na nagtaas ng kamay bilang pagtutol. "Ethan, pasensya na, pero hindi ako pwedeng kumain ng marami. Kakain pa kami ni Papa mamaya. Ayoko namang mabusog na bago pa kami mag-dinner."Ngumiti si Ethan, pero kita sa mata niyang hindi siya sang-ayon. "Kahit konti lang? Alam kong abala ka sa trabaho at minsan nakakalimutan mong kumain. Ayoko namang magutom ka."Napabuntong-hininga si Lila at napaupo. "Sige, konti lang talaga, ha?"Ngunit sa pagdaan ng ilang minuto, napansin niyang tila hindi "konti" ang binigay sa kanya ni Ethan. Nilagyan nito ang kanyang plato ng maraming pagkain, halos hindi na niya alam kung paano uubusin ang lahat."Ethan," protesta niya, "sabi ko ko
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

CHAPTER 38: DINNER NIGHT

"Lila, sandali lang," mabilis na lumapit si Ethan sa kanya, hawak ang isang paper bag.Napahinto siya at bahagyang tumalikod. "Ano na naman, Ethan?"Huminga nang malalim si Ethan at iniabot ang paper bag. "Dinala ko ‘yung lunchboxes para sa’yo. Alam kong hindi mo agad kakainin, pero gusto ko lang siguraduhin na may pagkain ka kahit paano."Napatingin si Lila sa bag na hawak nito. Alam niyang hindi niya ito gagalawin, pero hindi niya kayang sabihin iyon nang direkta kay Ethan. Hindi niya rin alam kung paano niya tatanggihan nang hindi nasasaktan ang damdamin nito.Kaya imbes na magsalita, tinanggap niya na lang ito at tumango. "Salamat.""Lila... mag-ingat ka, ha?" may bahagyang pag-aalalang sabi ni Ethan.Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya bago siya tuluyang lumakad papunta sa sasakyan. Hindi siya lumingon kahit narinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Ethan sa likod niya.Habang nagmamaneho pauwi, pilit niyang iniisip ang ibang bagay para mabawasan ang bigat sa dibdib.
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

CHAPTER 39: GEO'S LOVE STORY

"I'l be retiring soon at ibibigay ko kay Lila ang kumpanya," mahinang saad ni Geo at halos nakanganga sina Lila sa sinabi nito.Napatulala si Lila sa kanyang ama, hindi makapaniwala sa mga salitang kanyang narinig. Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa kanyang isipan, ngunit hindi niya magawang lunukin nang buo ang kahulugan ng mga iyon. "Magreretiro ka? Ibibigay mo sa akin ang kumpanya?" Ang tinig niya ay puno ng pagkabigla, at lalong humigpit ang hawak niya sa basong may tubig.Bahagyang natawa si Geo, ang kanyang ama. "Hindi agad-agad, anak. Pero oo, sa loob ng ilang taon, gusto kong maging handa ka upang pamahalaan ito."Mabilis na inilapag ni Lila ang baso sa mesa, mas madiin kaysa sa nararapat. "Papa, ni hindi ko nga gusto maging presidente ng kompanyang hawak ko ngayon. Paano pa ‘yang buong airline mo? Ibang antas na ng stress ‘yan!"Malamig ngunit mapanatag ang titig ni Geo sa kanya. "Naiintindihan ko ‘yan, Lila. Pero ito ang pamana ng ating pamilya. Mula sa wala, itinayo ko ang
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more

CHAPTER 40: SILLY STICKY NOTES

Lila nakahiga sa kanyang kama, nakatitig sa kisame. Madilim ang paligid, ngunit parang mas madilim ang kanyang isipan. Hindi siya makatulog. Hindi niya magawang magpahinga kahit na ramdam niyang pagod na pagod na siya.Ang bigat ng mga responsibilidad na kailangan niyang pasanin—ang kumpanya, si Mia, at ang pagiging pekeng asawa ni Ethan.Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang umiyak. Ngunit wala siyang lakas para ilabas ang kanyang nararamdaman.Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, feeling ko mali ako ng landas na tinahak. Bakit ba kasi ako yung pinili ni Lord para sa ganitong pagsubok?Lumipas ang buong magdamag nang hindi siya nakakatulog. Nang sumilip ang unang sinag ng araw sa kanyang bintana, napabuntong-hininga na lang siya. Wala siyang pagpipilian kundi bumangon.Maya-maya pa, bumukas ang kanyang pinto at sumilip ang kanyang tiyahin. "Lila, iha-hatid ko muna si Mia sa school. Sigurado ka bang okay ka lang?"Napilitang ngumiti si Lila. "Oo, Tita. Salamat sa pag-aalaga kay M
last updateLast Updated : 2025-03-22
Read more
PREV
123456
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status