"Good morning, babe."Mula sa pagtitipa sa keyboard ng kanyang laptop ay umangat ang mukha ni Diantha at tumuon ang kanyang mga mata sa pintuan ng kanyang opisina.Awtomatikong sumilay ang isang masayang ngiti sa kanyang mga labi nang mapagsino ang kanyang bisita.It is Ashton, her boyfriend.May dala-dala itong isang bouquet ng mamahaling mga bulaklak.Lumakad ito patungo sa kanya habang nakangiti. Nang sa wakas ay makalapit na ito sa kanyang kinauupuan ay ibinigay nito sa kanya ang dala nitong bouquet saka hinalikan nito ang kanyang noo.Hindi napigilan ni Diantha ang sariling kiligin sa ginawa ng kasintahan.Maglilimang-taon na din ang kanilang relasyon ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang nobyo. Pakiramdam tuloy niya ay bagong magkasintahan lamang sila dahil sa mga ginagawa nito sa kanya."Akala ko ba may meeting ka ngayon? Hindi ba at iyon ang dahilan kaya hindi mo ako naihatid?" Tanong niya kay Ashton na nakapwesto na sa kanyang likuran at nakayakap ang mga braso nito sa ka
Last Updated : 2025-02-23 Read more