Tatlong linggo na ang lumipas simula nang mangyari ang trahedya, ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin si Dari sa comatose na estado.Alalang-alala na ang kaniyang tiyahin—kapatid ng yumao niyang ina. Paminsan-minsan, dinadalaw siya ng kaniyang kakambal na si Riri. Kunwari’y may malasakit ito, ngunit ang totoo, naghahanap lamang ng tiyempo upang maisakatuparan ang kaniyang lihim na plano."Bullshit! Kailan ko pa siya mapapatay?" naiiritang bulong ni Riri sa sarili."Ri, magigising pa kaya ang kakambal mo?" naluluhang tanong ng tiyahin nilang si Lucia habang mahigpit na hawak ang kamay ni Dari."Sana matuluyan na siya!" mariing bulong ni Riri sa sarili. Pilit niyang iniwasan ang tingin ng tiyahin at nagpakita ng mahinang ngiti."Dari is strong. I know na makakasurvive rin siya!""Halika, Ri. Samahan mo ako magdasal," aya sa kaniya ng tiyahin."Susunod po ako, Tita," sagot ni Riri, ngunit sa isip niya, may ibang plano siya. Isasagawa na niya ang kaniyang lihim na layunin—ang i-unplu
Huling Na-update : 2025-02-28 Magbasa pa