Nagising na lang ako nang may maramdaman akong tapik sa balikat ko. Napamulagat ako at napatingin sa guard na nakatayo sa tabi ko. "Ay, Ms. Yannie, anong oras na po. Kailangan niyo na hong umuwi," sabi niya. Kaagad kong kinuha ang shoulder bag ko at tumayo. Kahit antok na antok pa ako, nagawa kong makalabas ng building. Plano ko nang maghintay ng taxi, pero nagulat ako nang biglang may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Pamilyar ‘to. Bumaba ang bintana, at bumungad ang mukha ng boss ko. "Ihahatid na kita," suhestiyon niya. Ito na naman siya, sa kunwaring mabait! "Okay lang, boss. Maghahanap na lang ako ng taxi," tanggi ko. "Paano kung may mangyari sa’yo at mapatay ka diyan sa daan?" Napanganga ako. WOW! Patay agad?! "Baka masisi pa ang kumpanya ko at malugi." Napairap ako. Okay na sana, akala ko pa naman worried siya. Pero siyempre, ang iniisip lang pala niya ay ang kumpanya niya at ang pangalan niyang akala ng iba ay anghel! Napabuntong-hininga na lang ako. Wala akong
Huling Na-update : 2025-03-05 Magbasa pa