3rd Person's Point Of View Amoy din ni Amari ang medyo hindi masakit sa ilong na pabangong panlalake na mukhang galing kay Hudson iyon. Medyo nakaka-addict rin amoyin ang pabango na iyon.Huminto si Hudson, maging si James ay huminto rin sa paglalakad kaya tumigil rin siya. Nilingon siya nito at sininyasan si James, kaya nawala ito sa kanyang tabi. Nang pagbalik nito, may dala na itong maraming papel na nilapag ni James. "James has told me that today is your start day. So you see that?!" Napabaling ang tingin niya kay Hudson, na ngayon ay may tinuro sa isang mesa na puno ng paperwork. "Pag-aralan mo 'yan, review it all, and send me a report and the important documents that I should have signed." "At gusto kong ayusin mo ang schedule ko ngayon," dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata ni Amari, napatingin siya rito sa gulat. "As in now?" "Oo, bilang aking secretary, isa iyon sa mga trabaho mo, ang ayusin ang schedule ko," simpleng tugon nito. Napatingin siya kay James nang ibigay nito
Last Updated : 2025-03-12 Read more