HELENA'S POINT OF VIEW“Secretary Helena, come to my office. Now.” A cold voice echoed in the speaker. Wala pa man ay naroon na ang pagbabanta at awtoridad sa kanyang tono.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Helena, lagot ka na naman kay Sir!” natatakot na sambit ni Paula, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka na lang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Jewel. “Kunti na lang talaga, bibinggo ka na sa kanya.”Napangiwi na lang ako sa kanila at saka tumayo para saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. “Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw.”"Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Paula habang naiiling.“Secretary Helena.” Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.
Last Updated : 2025-02-25 Read more