HELENA'S POINT OF VIEW
It's David…
Mabilis ang tibok ng puso nang makita siya. Hindi man kami ganon kalapit sa isa't-isa ay alam kong makikilala niya ako.
“Mommy, bakit ba tayo nagmamadali?” tanong ng anak kong si Sofia. Lilingon pa sana siya sa likuran niya, pero pinihit ko ang ulo niya para sa daan tumingin.
“K-Kailangan na natin umuwi… Naghihintay na sa atin ang Daddy mo,” nanginginig kong sagot.
“Helena!” malakas na sigaw ni David, pero pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya.
“Ma’am, kilala niyo ba ang lalaking yun?” curious na tanong ni Jane, ang yaya ni Sofia.
“Alam niya ang pangalan mo, Mommy! Kaya siguro ibibigay niya sa akin ang playground kasi magkakilala kayo!” tuwang-tuwa na komento ni Sofia. “But why is he calling you Helena and not Marie?”
Helena Marie Fontana. Kilala ako bilang Helena, pero gusto kong kalimutan ang lahat ng nasa nakaraan ko kaya Marie na ang ginagamit kong pangalan.
Dumating na ang driver na tinawagan ko. Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan namin at itinulak ko roon sa loob si Sofia.
Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita kong tumatakbo si David para habulin kami. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil parang may naghahabulan na mga kabayo roon.
It's been four years. Hindi ko alam na ganito pa rin pala ang epekto niya sa akin.
Nang palayasin ako ng Mama niya sa apartment ay hindi ko na siya kinontak pa. Ayaw ko na rin nagkagulo o mag-away sila ng Mama niya dahil sa akin kaya ako na lamang ang lumayo.
Lumipat ako sa mas maliit na apartment at naghanap ng bagong trabaho. Pero nang akala ko makakapagsimula na ulit, doon ko naman nalaman na buntis pala ako.
Nahimatay ako sa gitna ng kalsada at si Jarren ang nakakita sa akin at nagdala sa akin sa hospital.
Jarren's a nice guy. Inalagaan niya ako at inako si Sofia na para bang anak niya talaga. And marrying Jarren will be the best decision na gagawin ko. Kung ano man ang gumugulo sa isip at puso ko dahil nakita ko ngayon si David ay dapat alisin ko iyon. Ayaw ko masaktan si Jarren.
Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Jarren. Hinalikan niya ako sa labi at kinarga naman si Sofia.
“Nag-enjoy ka ba sa paglalaro?” tanong ni Jarren kay Sofia.
Sunod-sunod naman na tumango si Sofia. “Yes, Daddy! Pero gusto na agad umuwi ni Mommy!”
Natawa naman si Jarren at pinisil ang ilong ni Sofia. “Siguro ay miss na ni Mommy si Daddy kaya gusto na niya umuwi?”
Ipinakuha ko si Sofia kay Jane para paliguan at pakainin.
Nang makaalis naman ang dalawa ay niyakap ako ni Jarren mula sa likod. “What's wrong?”
Umiling ako. “Pagod lang siguro… at excited sa engagement party bukas.”
Hinila niya ako paharap sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi. “Kung hindi ka komportable na makaharap ang Papa ko at ang pamilya niya ay pwede naman natin sabihin na huwag na lang ituloy ang party.”
Hinawakan ko rin ang kamay niya. “No, I won't do that. Matagal mong inasam na matanggap ka ng Papa mo. At kung ang engagement party natin ang maglalapit sa inyong dalawa, sino ba naman ako para pigilan yun?”
Inilapat niya ang labi niya sa akin at hinalikan ako. Gumanti naman ako sa halik niya at ipinikit ang mga mata.
“I love you. I love you so much, Marie…” bulong niya sa tainga ko.
“I-I… love you,” tugon ko sa kanya habang rumerehistro ang image ni David sa isipan ko. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng naitulong at ginawa mo para sa amin ni Sofia.”
Inilagay niya ang hintuturo sa labi at ko at umiling para pigilan ako sa pagsasalita. “Hindi mo kailangan magpasalamat, Helena. Hindi mo yun utang na loob sa akin. Ibinigay ko yun ng kusa dahil mahal kita at si Sofia.”
Maaga kaming nagpahinga dahil gigising kami ng maaga bukas. Pero alas dos pa lang ay nagising na ako dahil sa isang panaginip.
I dreamed about David and I. Yung mga panahon na masaya pa kami.
Nagbuntong-hininga ako at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Unang pagkikita pa lang namin ni David ay ganito na agad ang epekto sa akin.
Iwinaksi ko sa isipan ko ang lalaking iyon at nagluto na lang ng almusal para kay Jarren at Sofia. Pareho naman silang tuwang-tuwa nang makita ang mga iniluto ko.
Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa venue ng engagement party. Gaganapin iyon sa isang sikat at kilalang beach.
“Ma'am, sa tingin ko ay mas bagay kung mahaba ang buhok mo. Gusto mo bang lagyan kita ng extension?” tanong ng hair stylist at sinipat ang buhok ko.
Tiningnan ko siya mula sa malaking salamin at nakangiting umiling. “Ayaw ko ng mahaba ang buhok. Make it simple, but elegant.”
My long hair reminds me of David. Isa ang buhok ko sa pinakagusto niyang parte ng katawan ko. Kaya nang lumayo ako ay pinutol ko ang buhok ko bilang paalala sa sarili ko na hindi kami karapatdapat sa isa't-isa at kalimutan ko na siya.
“Mommy, you're so pretty!” tumatalon sa tuwa na komento ni Sofia matapos akong ayusan.
“Ikaw rin. Mukha kang prinsesa,” komplimento ko sa kanya.
Matapos ang picture taking ay sinabihan kami ng event manager na naroon na sa labas ang lahat ng bisita at magsisimula na kami.
“Good evening, everyone! Welcome to this special night as we celebrate the engagement of Marie and Jarren!" Pagsisimula ng emcee kasabay ng pagtugtog ng isang love song.
“Love has brought them together, and tonight, we gather to witness the beginning of their forever. Let’s give a big round of applause to our lovely couple!"
Lumabas kami ni Jarren, at napunta naman sa amin ang spotlight habang bumababa kami ng hagdan. Nakangiti ang mga tao at nagpapalakpakan. Pero nawala ang ngiti ko nang mapadako ang mga mata ko sa pinakamalaking table sa unahan.
Humigpit ang kapit ko kay Jarren nang makita ang gulat na gulat na reaksyon ni David at ng Mama niya.
Anong ginagawa nila rito? Kaano-ano nila si Jarren?
Ang mga tao na narito ay tanging mga kaibigan at pamilya lang ni Jarren. Wala na akong mga magulang kaya wala naman sila rito. Wala rin akong kaibigan dahil lahat sila nasa malayong lugar.
Bago pa kami makarating sa stage ay naglakad na ang Mama ni David at humarang sa amin.
“You're marrying this cheap and trash woman, Jarren?” nag-iinsulto na tanong ni Madam Felicia at itinuro ako.
Napalunok ako at umatras, pero hinawakan ni Jarren ang braso ko at inakbayan pa. “Ma’am Felicia, this is my engagement party. And you're talking to my fiancee.”
Sarkastikong natawa si Madam Felicia. “Kilala mo ba talaga itong babae na papakasalan mo?”
“What's going on, Felicia?” Lumapit na rin sa amin ang Papa ni David, seryoso ang tingin nito sa aming dalawa ni Jarren.
“Itong anak mo, Arnaldo, mukhang hindi man lang kinilatis mabuti ang babaeng papakasalan niya—”
“Ma, huwag ka gumawa ng eskandalo rito. Nakakahiya.” David stepped up at sinubukang alisin ang Mama niya sa harapan namin.
Anak... ni Don Arnaldo si Jarren? Ito ang ama na tinutukoy ni Jarren sa akin? Kung ganon ay… magkapatid sila Jarren at David?
“Ang babaeng ito ang dapat mahiya, hindi ako, David!” Itinulak ako ni Madam Felicia, mabuti na lamang at naagapan ako ni Jarren kaya naiwasan kong matumba.
“Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang galit mo sa fiancee ko Madam Felicia,” halata na sa tono ni Jarren na galit na, pero nagpipigil lang dahil nirerespeto nito ang kaharap. “Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo sa mismong engagement party naming dalawa ay hindi na sana ako pumayag na kayo ang magasikaso nito.”
“Dapat ay magpasalamat ka pa sa akin, Jarren!” ismid ni Madam Felicia, nandidiri na tiningnan ako. “Habang hindi pa huli ang lahat ay lumayo ka na sa kanya dahil baka mabiktima ka rin niya katulad ni David.”
“Natatandaan ko, she was David's secretary. Bukod doon ay ano pa ang naging ugnayan nilang dalawa?” Kumunot ang noo ni Don Arnaldo, mas lalo lamang naguluhan. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa aming dalawa ni David.
Umangat naman ako ng tingin kay Jarren at nakita ako ang biglang panlalamig ng kanyang mga mata. Alam niya ang tungkol sa nakaraan ko. Sinabi ko sa kanya kung paano nabuo si Sofia, pero hindi niya alam na si David iyon.
“Manggagamit ang babaeng ito! She was David's fuck—”
“Tama na!” malakas na sigaw ni Jarren sa mukha ni Madam Felicia, pinigilan ang pagkalat ng nakaraan ko. “Kung ano man ang ginawa niya, o kung sino man siya sa nakaraan niya ay labas na kayo roon! Ako ang ikakasal sa kanya at hindi kayo, kaya wala kayong karapatan na husgahan ang pagkatao niya!”
“At talagang nalason na niya ang isip mo, Jarren!” sigaw naman pabalik ni Madam Felicia.
“We’re leaving.” Iyon na lang ang naging tangging sagot ni Jarren at hinila na ako paalis.
“Jarren, we need to talk,” striktong tawag ni Don Arnaldo para pigilan kami, pero hindi nagpatinag si Jarren at tuloy lang sa paghila sa akin.
Mabilis namang sumunod sa amin si Jane habang tinatakpan ang tainga ni Sofia para hindi marinig ang mga sigawan at sagutan namin kanina.
“David’s Sofia's father? At hindi mo man lang sinabi sa akin?” mahinang sabi niya, sapat lang para kaming dalawa ang makarinig.
“H-Hindi ko… Hindi ko alam na kapatid mo siya,” guilty kong sabi. Kung alam ko lang na kapatid niya si David, kahit half-brother pa iyon ay hindi ako papayag na magkaroon ng koneksyon sa kanya.
“Daddy, are we leaving? Galit ba sila sa atin?” malungkot na tanong ni Sofia habang papasok sa loob ng sasakyan.
“Misunderstanding lang yun, baby. Huwag mo na masyado isipin.” Sa gitna ng emosyon ay nakuha pa rin ni Jarren na maging kalmado kay Sofia para lang wag ito mag-alala.
Susunod na sana kay Sofia papasok sa loob ng saksayan nang may humawak sa braso ko. Napatingin ako roon at nakita si David.
“D-David…” tawag ko sa kanya.
Mabilis akong hinila ni Jarren, pero malakas ang kapit sa akin ni David sa akin kaya hindi naalis ang kapit ni David sa akin.
Naghilahan silang dalawa sa akin na para bang nasa isang tag of war. Nang makita nila na nasasaktan na ako ay doon pa lang sila huminto.
“Let her go, David!” banta ni Jarren sa kapatid.
“No, you let her go, Jarren!" pagmamatigas naman ni David.
HELENA'S POINT OF VIEW“Secretary Helena, come to my office. Now.” A cold voice echoed in the speaker. Wala pa man ay naroon na ang pagbabanta at awtoridad sa kanyang tono.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Helena, lagot ka na naman kay Sir!” natatakot na sambit ni Paula, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka na lang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Jewel. “Kunti na lang talaga, bibinggo ka na sa kanya.”Napangiwi na lang ako sa kanila at saka tumayo para saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. “Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw.”"Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Paula habang naiiling.“Secretary Helena.” Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.
DAVID’S POINT OF VIEW “Totoo bang tinanggal na ni Sir si Helena sa trabaho?”“Oo! Ipinakuha ni Helena sa janitor ang mga gamit niya rito dahil wala na raw siyang trabaho!”Iyon ang bulungan ng makarating ako sa floor ng opisina ko. Nang makita nila ako ay nagmadalin ang bawat isa na bumalik sa kani-kanilang mga desk.Padabog kong isinarado ang pintuan ng opisina ko at niluwagan ang suot kong necktie.Nagresign si Helena ng hindi man lang sinabi sa akin? Hindi ko naman siya inalis sa trabaho, bakit niya iyon gagawin?I dialed her number, pero hindi na iyon nagri-ring pa.“Fuck!” inis akong napamura at itinapon ang cellphone sa sofa.Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at magkasunod na pumasok si Mama at si Rosella… ang fiance ko.“Ma, what are you doing here?” Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti sa akin si Rosella, pero tango lang ang isinagot ko.Our marriage is a purse business. Nagkasundo lang ang pamilya ko at ang pamilya niya na ipakasal kami sa isa't
HELENA'S POINT OF VIEW It's David…Mabilis ang tibok ng puso nang makita siya. Hindi man kami ganon kalapit sa isa't-isa ay alam kong makikilala niya ako.“Mommy, bakit ba tayo nagmamadali?” tanong ng anak kong si Sofia. Lilingon pa sana siya sa likuran niya, pero pinihit ko ang ulo niya para sa daan tumingin.“K-Kailangan na natin umuwi… Naghihintay na sa atin ang Daddy mo,” nanginginig kong sagot.“Helena!” malakas na sigaw ni David, pero pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya.“Ma’am, kilala niyo ba ang lalaking yun?” curious na tanong ni Jane, ang yaya ni Sofia.“Alam niya ang pangalan mo, Mommy! Kaya siguro ibibigay niya sa akin ang playground kasi magkakilala kayo!” tuwang-tuwa na komento ni Sofia. “But why is he calling you Helena and not Marie?”Helena Marie Fontana. Kilala ako bilang Helena, pero gusto kong kalimutan ang lahat ng nasa nakaraan ko kaya Marie na ang ginagamit kong pangalan.Dumating na ang driver na tinawagan ko. Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan
DAVID’S POINT OF VIEW “Totoo bang tinanggal na ni Sir si Helena sa trabaho?”“Oo! Ipinakuha ni Helena sa janitor ang mga gamit niya rito dahil wala na raw siyang trabaho!”Iyon ang bulungan ng makarating ako sa floor ng opisina ko. Nang makita nila ako ay nagmadalin ang bawat isa na bumalik sa kani-kanilang mga desk.Padabog kong isinarado ang pintuan ng opisina ko at niluwagan ang suot kong necktie.Nagresign si Helena ng hindi man lang sinabi sa akin? Hindi ko naman siya inalis sa trabaho, bakit niya iyon gagawin?I dialed her number, pero hindi na iyon nagri-ring pa.“Fuck!” inis akong napamura at itinapon ang cellphone sa sofa.Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at magkasunod na pumasok si Mama at si Rosella… ang fiance ko.“Ma, what are you doing here?” Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti sa akin si Rosella, pero tango lang ang isinagot ko.Our marriage is a purse business. Nagkasundo lang ang pamilya ko at ang pamilya niya na ipakasal kami sa isa't
HELENA'S POINT OF VIEW“Secretary Helena, come to my office. Now.” A cold voice echoed in the speaker. Wala pa man ay naroon na ang pagbabanta at awtoridad sa kanyang tono.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Helena, lagot ka na naman kay Sir!” natatakot na sambit ni Paula, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka na lang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Jewel. “Kunti na lang talaga, bibinggo ka na sa kanya.”Napangiwi na lang ako sa kanila at saka tumayo para saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. “Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw.”"Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Paula habang naiiling.“Secretary Helena.” Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.