DAVID’S POINT OF VIEW
“Totoo bang tinanggal na ni Sir si Helena sa trabaho?”
“Oo! Ipinakuha ni Helena sa janitor ang mga gamit niya rito dahil wala na raw siyang trabaho!”
Iyon ang bulungan ng makarating ako sa floor ng opisina ko. Nang makita nila ako ay nagmadalin ang bawat isa na bumalik sa kani-kanilang mga desk.
Padabog kong isinarado ang pintuan ng opisina ko at niluwagan ang suot kong necktie.
Nagresign si Helena ng hindi man lang sinabi sa akin? Hindi ko naman siya inalis sa trabaho, bakit niya iyon gagawin?
I dialed her number, pero hindi na iyon nagri-ring pa.
“Fuck!” inis akong napamura at itinapon ang cellphone sa sofa.
Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at magkasunod na pumasok si Mama at si Rosella… ang fiance ko.
“Ma, what are you doing here?” Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti sa akin si Rosella, pero tango lang ang isinagot ko.
Our marriage is a purse business. Nagkasundo lang ang pamilya ko at ang pamilya niya na ipakasal kami sa isa't-isa para mas lalo pang lumakas ang negosyo.
Bata pa lang ako ay alam ko na magpapakasal ako sa taong hindi ko gusto at hindi nilalaman ng puso ko. Ganon tumakbo ang mundo namin. Pero ngayong narito na ako sa sitwasyon na ito ay masasabi ko na napakahirap pala.
“Rosella and I will hire your new secretary,” masayang wika ni Mama “Kami ang pipili ng gusto namin.”
Bigla akong sumeryoso. “My new secretary?”
Tumango si Mama. “Inalis ko na sa trabaho ang cheap na babae na yun, David. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Helena na may namamagitan sa inyong dalawa ng secretary mo ay hindi ko pa malalaman.”
Bumaling ako kay Rosella at masama siyang tinitigan, pero nag-iwas siya ng tingin sa akin.
Sinabi niya kay Mama ang tungkol sa amin ni Helena? Siya lang ang may alam ng bagay na iyon!
“Ma, bakit mo ginawa yun?” may bahid ng inis ang tanong ko. “She's the most capable secretary I ever had!”
“I'm just trying to protect your image, David,” defensive na sagot ni Mama, ayaw magpatalo. “Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nila hindi mo lang basta secretary ang babaeng yun?”
“Kahit na! Sana ay kinausap mo muna ako tungkol sa kanya!” Tumaas ang boses ko at bahagya namang napatalon sa gulat si Mama at Rosella. “She's my secretary! Ako ang magdedesisyon kung tatanggalin ko siya o hindi!”
“Hibang ka na talaga sa babaeng yun!” hesterikal na singhal ni Mama. “Kaya tama lang ang ginawa ko na alisin siya sa trabaho, bawiin ang mga ibinigay mo sa kanya, at palayain siya sa apartment na binili mo!”
Natigilan ako sa gulat at dahan-dahang kumunot ang noo. “Pinalayas mo siya?!”
Mabilis akong tumakbo palabas ng opisina at hindi na hinintay ang sasabihin ni Mama. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang ground floor.
Kaya ba hindi sumasagot si Helena dahil wala na siya sa apartment at umalis na roon?
“David!”
Tumigil ako nang marinig ang boses ni Rosella. Humabol siya sa akin.
“D-David, tungkol kay Helena… I didn't mean to tell—”
Sinakal ko siya at isinandal sa bintana ng sasakyan ko. “Binalaan na kita! Talagang itinuloy mo pa?!”
“Ginawa ko yun dahil alam kong hindi mo siya kayang alisin nang tuluyan sa buhay mo! Yes, you stopped what's going on between the two of you, but you're planning to keep her as your secretary!”
Diniinan ko ang pagkakahawak sa leeg niya hanggang sa hirap na siyang makahinga. “At labas ka na roon. May I remind you na sa ating dalawa, ikaw ang may gusto na maikasal tayo.”
Marahas ko siyang binitawan, at napahawak naman siya sa leeg niya habang naghahabol ng hininga. “Wala na siya! Umalis na siya! She left you!”
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at hindi na siya muling binalingan. Nag-drive ako papunta sa apartment na binili ko para kay Helena, pero wala na akong naabutan doon. Wala na ang mga damit niya.
Galit na galit akong napasabunot sa buhok ko. Kinuha ko ang pinakamalapit na flower vase at malakas na ibinato iyon sa sahig at pinagsisipa ang mga upuan.
Muli akong nagbakasakali na tawagan ang number ni Helena, pero ganon pa rin. Patay pa rin ang cellphone niya.
Lumipas ang isang linggo na wala akong balita sa kanya. Hanggang sa dumaan ang isang buwan, isang taon, dalawang taon, tatlong taon, at apat na taon.
Apat na taon na ang lumipas. Natuloy ang kasal ko kay Rosella ayon sa gusto ng pamilya namin. Mas lalo pang naging successful ang business, and I'm thriving at the top.
Pero parang may kulang pa rin. Hindi pa rin ako kontento sa kung anong meron ako ngayon.
“Tumatanda na ako, Rosella, ilang beses na rin namin sinasabi sa inyo ni David na bigyan niyo na kami ng apo,” sabi ng Mommy ni Rosella habang nasa hapag kainan kami at nag-aalmusal.
“Ma… sinusubukan naman namin. Pero siguro hindi pa talaga oras para biyayaan kami,” mabilis na saklolong sagot ni Rosella at sinulyapan ako.
Ang totoo niyan ay minsan lang kami magtabi sa kama. At sa loob ng ilang taon namin bilang mag-asawa, dalawang beses pa lang may nangyari sa amin, at pareho pa akong lasing ng mga araw na yun.
“Paano naman kayo makakabuo niyan, parating nasa trabaho si David. Ni wala kayong oras para magbakasyon,” pasiring na sagot ni Mama at sumimsim ng kape. Iiling-iling pa siyang tumingin sa akin. “Kung hindi ka magkakaroon ng tagapagmana ay masasayang ang mga pinaghirapan mo.”
Pinunasan ko ang bibig ko at tumayo na para pumasok sa trabaho. Tumayo rin si Rosella at sumunod sa akin para ihatid ako sa labas.
“Ako na ba ang bahala sa isusuot mo bukas?” tanong ni Rosella nang nasa labas na kami.
“Anong meron bukas?” Sa dami ng sinabi niya, ng Mommy niya, at ni Mama ay sumakit ang ulo ko at wala man lang ako natandaan doon.
“Your brother’s engagement party.”
Right. Ang magaling kong ama na nakabuntis noon ay tinanggap na ngayon ang anak niya. Gusto pa gawing engrande ni Papa ang engagement party ng anak niya sa ibang babae.
“Ikaw na ang bahala,” tipid kong sagot.
Pumasok na ako sa sasakyan at nagdrive na paalis. Ngayon ang araw ng site visit na gagawin namin para sa itatayong hotel.
Pagdating ko sa lumang palaruan ay nakita ko na naroon na ang architect, engineer, at ang secretary ko at naghihintay sa akin para masimulan na namin ang plano.
“Mr. Pogi!” boses ng maliit na bata.
Lumingon ako at nakita ang bata sa gilid ko. Mataba ang pisngi niya, bilugan ang mga brown na mata, at mayroong tuwid na buhok ngunit hindi pantay ang bangs.
“And… you are?” tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang magulang na kasama niya, pero wala akong nakita na ibang nakatingin sa amin.
“I'm Sofia, not the second, but the first!” masigla niyang wika at inilagay pa ang kamay sa bewang niya.
“Okay, Sofia… What do you need?” Sinubukan ko sabayan ang energy niya. “You're not allowed here, nakikita mo ba ang ginagawa namin. It's dangerous.”
“Totoo bang aalisin mo na ang playground at hindi na kami makakapaglaro rito?” bigla siyang nalungkot at parang maiiyak.
Binitawan ko ang hawak na blueprint at ibinigay iyon sa secretary ko. Lumuhod ako at hinawakan sa balikat ang bata.
“Hey, don't cry,” pigil ko sa kanya. Baka biglang dumating ang magulang niya at all ang sisihin kapag umiyak talaga ang batang ito.
“Pero sisirain mo ang favorite kong playground!” reklamo niya at umiyak na talaga!
Napatingin ang architect at engineer sa akin, inutos sa secretary ko na na ilayo ang bata sa akin, pero pinigilan ko sila.
“It's fine. She's just a kid,” sabi ko.
Kinarga ko ang bata at dinala sa ilalim ng puno.
“Pwede bang iregalo mo na lang sa akin ang playground?” umiiyak niyang tanong, tumataas baba ang balikat.
Mahina akong natawa. Bata pa nga talaga siya. This old playground cost 20 Million. And I'm expecting na mababawi ko ang ginastos ko at kikita pa ng malaki kapag naitayo ko na ang hotel dito.
Pinunas ko ang luha niya. “Pero luma na ang playground na ito. Hindi ba't may bago namang itinayo na playground malapit dito?”
“Pero ito ang gusto ko!” At mas lalo pang lumakas ang iyak niya. “Ayaw ko ng bago!”
Hindi ko na alam ang gagawin para patigilin siya. Nasaan na ba ang mga magulang ng batang ito?
“Stop crying if you really want this playground,” utos ko sa kanya. Pero mukhang ako ang naloko niya dahil ganon lang kabilis sa kanya na ihinto ang pag-iyak.
“Hindi na ako umiiyak. Ibibigay mo na ba sa akin ang playground na ito?” bungisngis niya sa akin.
“Sofia!” May biglang lumapit sa amin at hinila sa akin ang bata. “Sir, pasensya na po. Medyo pilya talaga itong alaga ko.”
Oh, so she's the nanny. “Ayos lang. Pero sa susunod ay bantayan mo siyang mabuti. Baka makalayo siya at maligaw, hinndi mo na ulit makita.”
“Yaya, nag-uusap pa kami!” reklamo niya sa yaya niya at sumimangot.
Iniwan ko na sila roon at bumalik na sa mga kasamahan ko. Pero parang may hangin na bumulong sa akin na muling lingunin ang bata, kaya ginawa ko iyon.
Nakaupo pa rin ang bata sa ilalim ng puno, naroon ang yaya niya, at may isa pang babae na parang pinapagalitan ang bata. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Pero nang ituro ako ng yaya ng bata ay tumingin sa gawi ko ang babaeng iyon.
Kumunot ang noo ng babae, pero ilang sandali lang ay napalitan iyon nang pagkagulat.
Ang kanyang mga mata, ilong, labi, at tindig ay kilalang-kilala ko. Wala pa rin nagbabago kahit ilang taon na ang lumipas, maliban na lang sa maikli niyang buhok na dati ay mahaba.
“H-Helena…?” bulong ko.
Akmang lalapitan ko sila, pero mabilis niyang hinila si Sofia para umalis.
“Helena!” sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila para habulin sila, pero biglang may pumarada na sasakyan sa harapan nila at pumasok sila sa loob.
HELENA'S POINT OF VIEW It's David…Mabilis ang tibok ng puso nang makita siya. Hindi man kami ganon kalapit sa isa't-isa ay alam kong makikilala niya ako.“Mommy, bakit ba tayo nagmamadali?” tanong ng anak kong si Sofia. Lilingon pa sana siya sa likuran niya, pero pinihit ko ang ulo niya para sa daan tumingin.“K-Kailangan na natin umuwi… Naghihintay na sa atin ang Daddy mo,” nanginginig kong sagot.“Helena!” malakas na sigaw ni David, pero pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya.“Ma’am, kilala niyo ba ang lalaking yun?” curious na tanong ni Jane, ang yaya ni Sofia.“Alam niya ang pangalan mo, Mommy! Kaya siguro ibibigay niya sa akin ang playground kasi magkakilala kayo!” tuwang-tuwa na komento ni Sofia. “But why is he calling you Helena and not Marie?”Helena Marie Fontana. Kilala ako bilang Helena, pero gusto kong kalimutan ang lahat ng nasa nakaraan ko kaya Marie na ang ginagamit kong pangalan.Dumating na ang driver na tinawagan ko. Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan
HELENA'S POINT OF VIEW“Secretary Helena, come to my office. Now.” A cold voice echoed in the speaker. Wala pa man ay naroon na ang pagbabanta at awtoridad sa kanyang tono.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Helena, lagot ka na naman kay Sir!” natatakot na sambit ni Paula, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka na lang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Jewel. “Kunti na lang talaga, bibinggo ka na sa kanya.”Napangiwi na lang ako sa kanila at saka tumayo para saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. “Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw.”"Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Paula habang naiiling.“Secretary Helena.” Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.
HELENA'S POINT OF VIEW It's David…Mabilis ang tibok ng puso nang makita siya. Hindi man kami ganon kalapit sa isa't-isa ay alam kong makikilala niya ako.“Mommy, bakit ba tayo nagmamadali?” tanong ng anak kong si Sofia. Lilingon pa sana siya sa likuran niya, pero pinihit ko ang ulo niya para sa daan tumingin.“K-Kailangan na natin umuwi… Naghihintay na sa atin ang Daddy mo,” nanginginig kong sagot.“Helena!” malakas na sigaw ni David, pero pinigilan ko ang sarili ko na tumingin sa kanya.“Ma’am, kilala niyo ba ang lalaking yun?” curious na tanong ni Jane, ang yaya ni Sofia.“Alam niya ang pangalan mo, Mommy! Kaya siguro ibibigay niya sa akin ang playground kasi magkakilala kayo!” tuwang-tuwa na komento ni Sofia. “But why is he calling you Helena and not Marie?”Helena Marie Fontana. Kilala ako bilang Helena, pero gusto kong kalimutan ang lahat ng nasa nakaraan ko kaya Marie na ang ginagamit kong pangalan.Dumating na ang driver na tinawagan ko. Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan
DAVID’S POINT OF VIEW “Totoo bang tinanggal na ni Sir si Helena sa trabaho?”“Oo! Ipinakuha ni Helena sa janitor ang mga gamit niya rito dahil wala na raw siyang trabaho!”Iyon ang bulungan ng makarating ako sa floor ng opisina ko. Nang makita nila ako ay nagmadalin ang bawat isa na bumalik sa kani-kanilang mga desk.Padabog kong isinarado ang pintuan ng opisina ko at niluwagan ang suot kong necktie.Nagresign si Helena ng hindi man lang sinabi sa akin? Hindi ko naman siya inalis sa trabaho, bakit niya iyon gagawin?I dialed her number, pero hindi na iyon nagri-ring pa.“Fuck!” inis akong napamura at itinapon ang cellphone sa sofa.Napatingin ako sa pintuan nang bigla iyong bumukas at magkasunod na pumasok si Mama at si Rosella… ang fiance ko.“Ma, what are you doing here?” Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. Ngumiti sa akin si Rosella, pero tango lang ang isinagot ko.Our marriage is a purse business. Nagkasundo lang ang pamilya ko at ang pamilya niya na ipakasal kami sa isa't
HELENA'S POINT OF VIEW“Secretary Helena, come to my office. Now.” A cold voice echoed in the speaker. Wala pa man ay naroon na ang pagbabanta at awtoridad sa kanyang tono.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Helena, lagot ka na naman kay Sir!” natatakot na sambit ni Paula, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka na lang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Jewel. “Kunti na lang talaga, bibinggo ka na sa kanya.”Napangiwi na lang ako sa kanila at saka tumayo para saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. “Daig pa ang babaeng may buwanang dalaw.”"Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Paula habang naiiling.“Secretary Helena.” Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.