Nakaupo lang kaming dalawa sa kama, pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Ayoko rin umpisahan dahil nakaramdam ako ng hiya at pagkailang mula sa kaniya. At ang dahilan niyon—ang pagyakap niya sa'kin kanina.I supposed to ignore it dahil parang wala lang naman sa'kin 'yon. Pero kasi nagtataka ako kung bakit niya 'ko niyakap lalo na't hindi pa naman kami gano'n ka close para yakapin ako. Hindi naman big deal sa'kin, sa katunayan nga gumaan ang pakiramdam ko dahil do'n.Hindi na kaya siya naiilang sa'kin? Sabagay, nagkatabi na kami matulog kagabi—huh?! Erase... erase, bawal na isipin 'yon. That was a mistake—kasalanan ko kaya nangyari 'yon."Umm, okay ka na ba?" tanong niya dahilan para mabasag ang katahimikan na bumabalot sa paligid.Kaagad ko naman siyang nilingon, at naabutan ko siyang nakatingin sa'kin. Tumango na lamang ako bilang sagot, at maliit na ngumiti sa kaniya."Are you sure?" paninigurado niya, pero ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya."O-Oo naman, okay na
Terakhir Diperbarui : 2025-04-05 Baca selengkapnya