Tumayo ako nang walang pagaalinlangan ngayong ayaw ko nang magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon kay Yana, pero agad siyang lumuhod sa aking harapan.“Yvonne, nagmamakaawa ako sa iyo, huwag mo siyang sirain.”Paano naging pagsira sa kaniya ang patas naming kompetisyon sa negosyo?Nakakita na ako ng mga walanghiyang tao noon pero hindi pa ako nakakakita ng katulad niya. Agad akong yumuko para tingnan siya pababa.“Yana, kung hindi mo siya kayang makita na mabigo sa buhay, bakit hindi mo gamitin ang pera ng pamilya mo para suportahan siya? Maaaring hindi kasing yaman namin ang pamilya Bridgeton, pero sapat na ang pera ninyo para makuha ang project, hindi ba?”Dito na ako naglakad palayo, ayaw ko nang magaksaya pa ng oras sa isang mangmang.Sa sumunod na mga araw, ginawa kong abala ang aking sarili sa project kaya hindi ko na sila nagawa pang paglaanan ng atensyon. At noong maging aware ako sa paligid, napagtanto ko na matagal ko na palang hindi nakikita si Andrew.Walang pagaal
Read more