Semua Bab Mafia Series 2: The Mafia's Assasin Wife: Bab 21 - Bab 30

33 Bab

Kabanata 21: Simple Date

Xiana’s POVAng buhay ko nitong mga nakaraang linggo ay parang isang aksyon pelikula—puno ng barilan, habulan, at mga lihim na masyadong delikado para basta na lang ipagsawalang-bahala. Kaya nang sabihin ni Gunter na magpahinga muna kami kahit saglit, hindi ko na tinanggihan.“Are you serious about this?” tanong ko habang nakatingin sa kanya, nakapamulsa at mukhang walang balak umatras.“Do I look like I’m joking?” sagot niya, bahagyang nakataas ang kilay.“Actually… lagi kang mukhang galit,” biro ko, sinadyang asarin siya.Umiling siya at tiningnan ako nang matalim, pero hindi ko pinalagpas ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Kahit na halatang pilit niyang pigilan, nakita ko ang ngiti niya—at sa totoo lang, gusto kong makita ‘yon ulit.Nasa isang maliit kaming park, malayo sa gulo, sa panganib, at sa mundo kung saan lagi kaming may hinahabol o hinahabol ng kung sino. Simpleng lugar lang, may ilang benches, puno, at streetlights na nagbibigay ng mahinang liwanag. Pero para
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

Kabanata 22: Mr. & Mrs.

Xiana’s POVIlang araw na rin ang lumipas at nakatakas si Marcos. Kaya heto kami ngayon sa simbahan—oo, sa simbahan—dahil ikakasal na kami ni Gunter. Kinakabahan ako kahit fixed marriage lang ito. Pero mahal ko naman siya… ewan ko lang kung mahal niya ako.Habang naglalakad ako sa aisle, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kakaunti lang naman ang bisita namin—pamilya at malalapit na kaibigan lang. Isang pribadong seremonya. Sayang nga lang at maagang namatay ang mga magulang ni Gunter.Sana nakita nila ang anak nilang ikinasal… kahit na hindi niya ako mahal.Habang papalapit ako kay Gunter, hindi ko maiwasang titigan siya. Ang suot niyang itim na suit ay perpektong bumagay sa kanyang matipunong katawan, at kahit hindi siya ngumiti, hindi ko maitatangging napakagwapo niya. Pero ang totoo, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon.Nang makarating ako sa harapan, tinanggap niya ang kamay ko mula kay Dad. Ang init ng palad niya, ngunit hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

Kabanata 23: Landian

Xiana’s POV“That was hell… ugh! I’m so tired,” I said, then slammed my face onto my bed. That was a hell of a wedding—umataki pa talaga ang gago na iyon. My wedding was ruined dahil doon. That asshole… titirisin ko siya pag nakita ko siya.Nandito na kami ngayon sa bahay namin ni Gunter, but we will be sleeping in different rooms. Napag-usapan na rin namin iyon. Sayang, gusto ko pa naman makita ang hot body niya.Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko naman itong sinagot. I did not check kung sino ang caller, kaya bigla na lang akong napatayo nang marinig ko ang boses sa kabilang linya.“Xiana, let’s eat… hello, andyan ka ba, puchi?” sabi niya sa akin. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng "puchi," and that’s no other than Gunter—my husband.“Y-yeah, just gonna change my damit,” nauutal kong sagot.“Sige, bilisan mo,” sagot niya bago binaba ang tawag.Napakurap-kurap pa ako habang nakatitig sa phone ko. That was unexpected. Alam kong kasal na kami, pero it still feels w
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-28
Baca selengkapnya

Kabanata 24: Manyak

Xiana’s POV“Because you’re mine, puchi.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon habang nakatulala pa rin ako sa pinto. Hindi ko alam kung paano ako makakatulog matapos ang sinabi ni Gunter. Damn it, bakit parang may something sa tono niya? Parang may double meaning!Napailing na lang ako at bumalik sa kama, pilit na ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong magpahinga. Kailangan kong kalimutan ang inis… at kilig? Putik, hindi! Hindi ako kinikilig!Nagising ako kinabukasan nang may maramdaman akong mabigat sa ibabaw ko. Para bang may kung anong mainit na bagay na nakadagan sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at—“Ano ‘tong impyerno?!” Napasigaw ako nang makita kong nakadagan sa akin si Gunter! Ang braso niya ay nakayakap sa baywang ko, at ang isang paa niya ay nakapatong sa hita ko. Mas malala, ang mukha niya ay nakasubsob sa leeg ko!“Gunter, ano ginagawa mo sa kama ko?!” sigaw ko habang pilit siyang tinutulak.Unti-unting bumukas ang mga ma
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-31
Baca selengkapnya

Kabanata 25: Found Him

Xiana’s POVNagising ako dahil sa tunog na nanggaling sa cellphone ko. Tiningnan ko ang oras—alas dos pa lang ng madaling araw. Sino na naman kaya ang nambubulabog sa tulog ko? Nakakainis. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello,” namamaos kong sagot habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.“Xia, we found him… Alam na namin kung nasaan ang hideout ni Lazaro,” sabi ng nasa kabilang linya. Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Pagtingin ko sa caller, si Milisa pala. Thank God she’s okay! Akala ko may nangyari na sa kanya.“Oh my God, Milisa! Thank God you’re fine,” masaya kong sabi sa kanya. Nawala agad ang antok ko dahil sa nalaman kong balita.Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Gunter. Sakto namang hindi naka-lock. Pagtingin ko, natutulog pa siya. Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Hahaplusin ko na sana ito nang bigla ko siyang marinig magsalita.“Done staring, honey?” sabi niya. Pakiramdam ko, may smirk siya ngayon. Minsan talaga, nakakainis si Gunter kahit na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Kabanata 26: War!

Xiana’s POVAng tawa ni Lazaro ay pumailanlang sa buong warehouse, isang tunog na puno ng kasiyahan, parang walang alinlangan na sa wakas, natagpuan kami.Hindi ko siya pinansin. Alam ko na ang mga laro niya, at hindi ako bibitaw.“Bakit hindi pa kayo umalis, Xiana? Gunter?” tanong ni Lazaro, tila walang pakialam na napapaligiran kami ng mga tauhan niya. Ang mga mata niya, parang nagniningning sa excitement. “Alam ko naman na hindi mo kayang makipaglaro sa aking mga paboritong laro.”Tinutok ko ang baril ko sa ulo ng isa sa mga lalaking nasa kanan ni Lazaro.“Magandang gabi, Lazaro. Hindi kami aalis, hindi kami babalik ng walang natapos,” matigas kong sagot.Pinagsama ko ang lakas ng loob at ang galit na nararamdaman ko. Hindi na ako takot sa kanya—hindi na.“Palagay ko, hindi mo na rin kayang magtago pa,” dagdag ko, at nakita ko ang mga mata ni Lazaro na naging seryoso.Hindi na siya ngumingiti, at biglang naging tense ang buong silid. Sa isang iglap, ang mga lalaki ni Lazaro ay nag-
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-04
Baca selengkapnya

Kabanata 27: totttttttttt (SPG)

Xiana’s POVI’m in my office now, reading some of my cases na ite-trial next month. It’s been 3 weeks since the encounter we had with Lazaro. At sa ginawa rin ng Panginoon, bigla na lang naging cold sa akin si Gunter.I don’t know why he’s like that to me now. Ang gulo niya—ang sweet niya pa lang last week, tapos ngayon ganyan. May kumatok naman sa pinto ko kaya pinapasok ko na lang ito.“Girl, let’s go to Crip’s Bar. Help me… I have something to say to you,” sabi ni Milisa sa akin habang naiiyak. Ano kaya ang nangyari sa isang ito? Hindi ko na rin siya nakausap simula nung away laban kay Lazaro.“Sure. Sasakay ka ba sa akin or are you going to bring your baby?” tanong ko pa sa kanya habang nililigpit ko ang mga gamit ko para makalabas na.“I’ll come with you. Huhuhu, coding ako ngayon. Malas. Ang malas ng buhay ko ngayon,” sabi niya pa habang hawak ang ulo niya. Bigla namang may pumasok sa office ko kaya napatingin ako agad.“O, Marten. What are you doing here?” tanong ko pa sa kanya.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Kabanata 28: Last Night

Xiana’s POVMasakit ang katawan ko pagmulat ng mata ko. Sobrang sakit, pero mas masakit yung pakiramdam sa dibdib ko. I’m not sure if it’s from last night’s intensity… or from the way he left again, na parang walang nangyari.Umupo ako sa kama at saka lang napagtanto na wala na siya. Wala na naman si Gunter sa tabi ko. Katulad kagabi, iniwan niya akong mag-isa.Napakagat ako sa labi habang hawak ang kumot sa dibdib ko. Kahit wala akong suot, mas giniginaw ako sa pakiramdam ng pagiging walang halaga.Last night... He touched me like he needed me. He kissed me like he owned me. But he walked away… like I meant nothing.Tumayo ako at pinulot ang mga damit ko mula sa sahig. Naglakad ako papunta sa banyo at humarap sa salamin. Namumula ang balat ko, may mga marka ng kanyang labi at kamay… mga paalala ng gabi na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi.Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ako sigurado, pero kinabahan ako bigla. What if…?Napapikit ako at pilit tinaboy ang mga iniisip.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Kabanata 29: Pregnant

Xiana’s POVLimang linggo na ang lumipas mula nung sinabi ni Gunter na mahal niya ako. Ang mga araw na iyon ay puno ng kalituhan at halong emosyon, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, nakahanap kami ng paraan na magkausap at magkaayos. Ang nararamdaman ko para sa kanya ay hindi nagbago. Mas lalong lumalim pa nga. At kahit na may mga pagdududa pa rin akong naiwan, alam ko na hindi ko na kayang magpatuloy nang walang kasiguruhan.Pero ngayong araw, may bagong bagay akong natutunan. Isang bagay na magpapabago sa lahat.Nasa loob ako ng banyo, nagbabalak na magtulungan na naman sa mga papeles ng aking kaso, nang bigla kong napansin na may kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. I felt it. Isang pakiramdam na matagal ko nang hinihintay. I paused, standing in front of the mirror as I looked at myself.Something’s different.Habang nakatitig ako sa aking repleksyon, natutok ko ang pansin sa mga maliliit na pagbabago sa aking katawan. Ang mga sintomas na matagal ko nang iniiwasan—nausea, pagod, a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya

Kabanata 30: Hurt

Xiana's POVGinugol ko ang natitirang araw na iyon sa kalituhan ng emosyon, pero alam ko na isang bagay lang ang sigurado—hindi na ako babalik sa kanya. Ang sakit ay masyado nang malalim, at ang pagtataksil ay hindi ko kayang balewalain. Kailangan kong mag-focus sa sarili ko, sa aking hinaharap, at sa maliit na buhay na umaasa sa akin.Naupo ako sa aking apartment, nakatingin sa pregnancy test na parang ito ang magbibigay sa akin ng kaliwanagan. Pero sa halip, ito na lang ang nagpaalala sa akin ng desisyong kailangan kong gawin. Isa na akong ina. Kailangan kong isipin ang aking anak, at hindi ko iyon magagawa kung patuloy akong nakatali sa isang taong kayang saktan ako ng ganito kalalim.Ang katahimikan ng aking apartment ay umaabot sa aking mga tainga. Pakiramdam ko'y mag-isa na lang ako. Pero sa kaloob-looban ko, alam ko na ito ang tamang desisyon. Ito lang ang tanging desisyon.Tiningnan ko muli ang aking cellphone, nagdadalawang-isip kung may tatawagan ba ako. Pero ang tanging tao
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-06
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status