Xiana’s POVAng hangin ng gabi ay malamig, pero hindi nito napawi ang init na naiwan sa balat ko mula sa titig ni Gunter kanina. Sinubukan kong ipagpag ang pakiramdam, pero kahit anong gawin ko, patuloy itong gumagapang sa isip ko.Nagmamadali kaming lumabas ng underground club, palihim na binabantayan ang paligid. Alam naming hindi ligtas ang lugar na ‘to, lalo na’t may mga matang laging nagmamasid.Gunter walked beside me, his usual intimidating presence looming over me. “We need to leave—fast,” bulong niya habang maingat na lumilingon sa paligid.Bago pa ako makasagot, isang malakas na tunog ng baril ang bumasag sa katahimikan.BANG!Napayuko kami pareho, agad na sumilong sa isang nakaparadang sasakyan.“Shit,” bulong ko habang pinipilit silipin kung saan nanggaling ang putok.Gunter pulled me closer, his grip firm on my wrist. “Stay close to me,” utos niya, ang boses niya ay mas mababa at mas matigas kaysa kanina.Dinig na dinig ko ang tunog ng mga yabag sa malapit. Ilang segundo
Last Updated : 2025-03-11 Read more