Aurora's Point of ViewTIME flew fast, mabilis na tila ba hinahabol ako ng oras sa bawat minutong lumilipas. Maayos ang lahat ngunit nakakatakot, ang lahat ay nakaayon sa gusto ko... maayos na buhay kasama sila. Pero hindi lagi na sa akin ang swerte, hindi laging ako ang kakampihan ng tadhana. Hindi ko alam kung kailan babawiin sa akin ang lahat, hindi ko alam kung paano ako pagbabayarin sa lahat ng utang ko.Sa tuwing naiisip ko na lahat ng bagay may katapusan, lahat ng kasiyahan nababahiran ng kalungkutan at lahat ng payapa ay nasisira, mas lalo akong natatakot.Para akong nauubusan ng panahon, habang patuloy akong napapamahal sa mga bata at kay Alted mas lalo lang akong natatakot. It was like my greatest nightmare, hindi ako nakakatulog sa gabi na hindi iyon ang naiisip, gigising din ako sa umaga na iyon ang unang papasok sa isip. Nakakatakot.Nitong Hunyo ay bumalik ang skwela. Mas maaga nang umaalis sila Snow at Winter dahil alas sais ang simula ng klase ng mga grade one. Uuwi n
Last Updated : 2025-02-19 Read more