Beranda / Romance / His Fake Wife / Kabanata 28: Sick

Share

Kabanata 28: Sick

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-18 13:48:43

Aurora's Point of View

SNOW is peacefully sleeping on my shoulder and I'm hugging her tight. Hindi na nakabukas ang air conditioning sa loob ng van pero malamig pa rin dahil sa malakas na buhos ng ulan.

"Alted, may jacket ka ba?"

Nasa unahan siyang upuan katabi si Winter na nakatulog din. Si Sonya naman ay nasa tabi ni Snow sa pinakagilid, panay ang tingin niya sa akin at ganoon din kay Snow.

"Wait." Naalarmang sagot ni Alted nang lingunin niya kami.

Hindi ko na siya pinansin at binalingan ulit si Snow na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit. Kanina ay nilalamig siya dahil nakabukas ang aircon pero ngayon pinag-aawisan dahil mainit ang kaniyang noo. Marahan kong idinampi ang palad ko sa kaniyang noo at nang maramdaman ang init ay kinabig ko siya papalapit upang mayakap ng husto.

Kaninang nasa yate kami maayos pa naman ang panahon pero palapit nang palapit sa dock bumuhos naman ang malakas na ulan.

Nabasa tuloy si Snow nang lumipat kami sa van para magbyahe pauwi sa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • His Fake Wife   Kabanata 28.2: Sick

    Aurora's Point of ViewNahiga ako sa tabi niya habang marahan na hinahaplos ang gilid ng kaniyang noo. Sobrang bigat ng nararamdaman ko, kung pwede lang makuha ang lagnat niya at ilipat na lang sa akin ay papayag agad ako. Huwag lang siya.Bumukas ang pinto at sinulyapan ko kung sino ang pumasok. Si Nay Consing.Mukhang kukunin na ang mga ginamit ko sa pagpunas kay Snow. Nasa baba na rin si Sonya at pinagluluto si Snow ng chicken soup."Nasa baba na ang doktor, Candice. Kausap na ni Señorito si Dr. Cortezo, aakyat na sila." Mahina niyang saad pero sapat para marinig ko.Alam kong malakas pa rin hanggang ngayon ang buhos ng ulan sa labas pero nagawa pa rin makapunta ng doktor dito, pero mabuti na rin yon. Ang mahalaga matingnan si Snow.Nasa hamba pa lang ng pintuan si Nay Consing nang bumukas iyon. Akala ko ang doktor na pero laking gulat ko nang pumasok ang namumutlang si Winter. Nakapagbihis na rin siya ng ternong pajama."Mommy," inaantok at nanghihina niyang tawag. "I'm not feeli

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-18
  • His Fake Wife   Kabanata 28.3: Sick

    Aurora's Point of View Nag-iwas ako ng tingin para sulyapan si Snow na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Mukhang nakatulog dahil na rin sa epekto ng gamot. "You should change, ako na muna ang bahala sa kanila." Tiningnan ko ang suot at doon lang napagtanto na hindi pa pala ako nakakapagbihis. Nagkatinginan ulit kami at kahit walang salita ang namumutawi sa labi namin, nagkakaintindihan na agad kami. Unti-unti akong tumayo at nang makitang hindi naman nagising si Snow ay nakahinga ako nang maluwag. "Bibilisan ko lang." Tumango siya habang si Winter naman ay unti-unting lumapit sa kinahihigaan ni Snow at tumabi sa kakambal. She really loves Snow. Mabilis ang bawat galaw ko. Hindi na ako naligo, tanging halfbath na lamang ang nagawa ko at nang makapagbihis agad na bumalik sa kwarto nila Snow. Nadatnan ko si Alted na mahinang tinatapik ang braso ni Winter habang kumakanta ng lullaby. Nasa gilid siya ng kama habang nakaupo sa upuan na galing sa study table ng mga bata. Nag-angat

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-18
  • His Fake Wife   Kabanata 29: Scared

    Aurora's Point of ViewTIME flew fast, mabilis na tila ba hinahabol ako ng oras sa bawat minutong lumilipas. Maayos ang lahat ngunit nakakatakot, ang lahat ay nakaayon sa gusto ko... maayos na buhay kasama sila. Pero hindi lagi na sa akin ang swerte, hindi laging ako ang kakampihan ng tadhana. Hindi ko alam kung kailan babawiin sa akin ang lahat, hindi ko alam kung paano ako pagbabayarin sa lahat ng utang ko.Sa tuwing naiisip ko na lahat ng bagay may katapusan, lahat ng kasiyahan nababahiran ng kalungkutan at lahat ng payapa ay nasisira, mas lalo akong natatakot.Para akong nauubusan ng panahon, habang patuloy akong napapamahal sa mga bata at kay Alted mas lalo lang akong natatakot. It was like my greatest nightmare, hindi ako nakakatulog sa gabi na hindi iyon ang naiisip, gigising din ako sa umaga na iyon ang unang papasok sa isip. Nakakatakot.Nitong Hunyo ay bumalik ang skwela. Mas maaga nang umaalis sila Snow at Winter dahil alas sais ang simula ng klase ng mga grade one. Uuwi n

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • His Fake Wife   Kabanata 29.2: Scared

    Aurora's Point of View"Engagement ring po?" Si Sonya iyon na ngayon na lang ulit nagsalita at sinilip din ang kamay ko.Alam ko ang pinagkaiba ng wedding ring at ng engagement ring. Naalala ko iyong singsing na suot ni Cassiopeia noon, mas malaki lang ang dyamante ng kaniyang singsing kumpara ng sa akin, pero pareho pa rin silang engagement ring. Pero ‘di ba ikinasal na si Alted at Candice?Hindi kaya napansin niyang hindi ko suot ang wedding ring nila? Paano ko iyon maisusuot gayong hindi naman ako si Candice?Ngayon na binigyan niya ako ng singsing, pagkatapos kong maging masaya ay unti-unti naman akong nababalisa dahil sa kaba. Paano kung plano pala ni Alted na pakasalan ulit si Candice at dito na sa Pilipinas? Ibigsabihin lang no'n hindi para sa akin ang singsing na ito, para kay Candice ito. Pero paano kung magpakasal sila? Ako ba ang haharap sa altar dahil ako si Candice sa paningin niya ngayon?Kung kanina ang saya ay napalitan ng kaba, ngayon naman tanging sakit at pait lama

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • His Fake Wife   Kabanata 29.3: Scared

    Aurora's Point of View "What's wrong, Baby?" Humakbang ako palapit para sana aluin siya pero mas lalong tumindi ang takot sa mga mata niya at napaatras. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita ang ginawa niya. Namumula na naman ang mga mata niya at nang magsitulo ang mga luha galing doon ay parang piniga ang puso ko. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya at pagkamuhi ang pinakamalinaw sa lahat. Kinabahan ako dahil doon, laging masaya ang mga mata ni Snow at ngayon na tinitingnan ko iyon, para akong ibinalik sa unang araw na nakita ko ang mga mata nila ni Winter. Puno ng galit, pagkamuhi at takot. "Snow—" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko tumakbo na siya palayo sa akin at nagmamadaling umakyat sa hagdan. "Snow!" Sigaw ni Winter sa kapatid. "Anong nangyari, Winter?" Nanlulumo kong tanong at binalingan si Winter na ngayon ay naiwan sa akin. Tiningnan niya rin ako at umiling. Sa mga mata niya ay nakikita kong nalilito rin siya. "I don't know, Mommy." N

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • His Fake Wife   Kabanata 30: You Broke Your Promise

    Aurora's Point of View MAYA'T maya ako kung bumalik sa kwarto nila Snow at Winter. Nakalock pa rin iyon at tahimik na sila sa loob. Ayaw pa rin nilang lumabas at magsabi kung ano ang problema. Hindi pa rin ako mapakali sa mga nangyayari. Sobrang sakit na marinig ang pag-iyak nila, hindi ko alam ang dahilan kaya mas nasasaktan ako. Bumaba ako para lang hanapin si Manang Osmet, natagpuan ko siya na kausap si Bert. "Sigurado ka bang walang umaway kay Snow? Umiiyak 'yong bata pagkauwi, Bert." Medyo pagalit na saad ni Manang Osmet. Umiling si Bert. "Manang nasa labas na sila ng gate nang dumating ako. Tahimik lang si Snow nang nakarating ako pero nang papunta na kami sa mansyon ay saka na siya nagsimulang umiyak. Hindi naman sila nag-away ni Winter. Hindi ko rin po alam, Manang Osmet ang dahilan. Sinubukan kong magtanong pero hindi naman sumasagot ang Señorita." Tumango si Manang Osmet ngunit bumuga ng malalim na hininga. Kagaya ko rin sila, nag-aalala sa nangyari kay Snow. T

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • His Fake Wife   Kabanata 30.2: You Broke Your Promise

    Aurora's Point of View Kapag magluluto ng lunch at dinner, narito rin si Nay Consing at ang isa pang katulong tumutulong sa amin pero kapag ganitong mga oras kami lang ni Sonya. Lagi siyang narito at tila may iniiwasan sa labas. "W-wala rin naman po magbabago, 'tyaka mababaw lang po ang problema na 'to." Sinubukan niyang ngumiti ngunit pilit na pilit. "Mababaw? E bakit bakit iniiyakan mo?" Natigilan siya, pagkaraan, gumuhit na naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Huminga siya ng malalim at mapait na ngumiti. "Siguro ako naman po itong may kasalanan," simula niya. "Hinindian ko noon si Bert nang manligaw sa akin, nagpapasalamat pa nga po ako na isinama niyo 'ko sa bakasyon niyo dahil malalayo ako sa kaniya pansamantala. Ayaw ko po kasi sana na lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaso nitong pagbalik natin... mas nasaktan pa yata ako." Peke siyang natawa habang pinupunasan ang mga luhang nagsitulo na naman.

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • His Fake Wife   Kabanata 30.3: You Broke Your Promise

    Aurora's Point of View "What's wrong, Wife?" Aniya sa masuyong boses pero nababahiran ng pagtataka. Gusto kong magsumbong, gusto kong sabihin ang mga nangyari pero tila umurong ang dila ko. Dumating si Winter kaya sa kaniya napunta ang atensyon naming dalawa. Maliliit ang hakbang niya palapit. "Where's Snow?" Si Alted nang mapansin na wala si Snow. Pero hindi na kailangan sagutin dahil parating na rin si Snow na ngayon ay nakatungo at kagaya ni Winter ay maliliit ang hakbang. From that, I can clearly see it. Malaki nga ang problema. Dahil kung ayos lang ang lahat o kahit nagtatampo siya sa akin, tatakbo siya palapit kay Alted at babatiin ito bago maupo sa kaniyang upuan. Ibang-iba ngayon, ni isang ngiti ay wala. Nakatungo lamang sila nang maupo at isang beses lang sinulyapan si Alted bago tumingin sa pinggan. Hinintay kong tingnan niya rin ako o kahit sulyapan man lang pero wala pa rin. I want to call her name pero nang makita kong pati si Winter ay nakatingin lang sa pin

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20

Bab terbaru

  • His Fake Wife   Kabanata 48.2: We Want You Home

    Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai

  • His Fake Wife   Kabanata 48: We Want You Home

    Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga

  • His Fake Wife   Kabanata 47.3: Unexpected

    Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na

  • His Fake Wife   Kabanata 47.2: Unexpected

    Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na

  • His Fake Wife   Kabanata 47: Unexpected

    Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki

  • His Fake Wife   Kabanata 46.3: Information

    Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga

  • His Fake Wife   Kabanata 46.2: Information

    Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u

  • His Fake Wife   Kabanata 46: Information

    Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy

  • His Fake Wife   Kabanata 45.2: Try A Date

    Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status