Si Raven ay tinitigan lang si Cailyn, hindi agad nagsalita, pero kita sa mukha niya ang lalim ng iniisip. "Si Austin at ako, wala kaming kahit anong business ties, kaya nung sinaktan niya ako, madali akong nakaalis, walang kapit, walang pahirapan. Pero paano kung ikaw ang nasa lugar niya?" seryosong tanong ni Cailyn. Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Raven. Tama siya. Masyadong malalim ang koneksyon nilang dalawa, hindi lang bilang magkaibigan kundi bilang business partners. Kung may isa sa kanila na magbago ng isip, masisira ang lahat—hindi lang ang relasyon nila kundi pati ang lahat ng itinayo nila nang magkasama. "Raven, hindi ko kayang mawala ka bilang kaibigan, lalo na bilang partner," diretsong sabi ni Cailyn habang nakatingin sa kanya nang seryoso. "Ikaw, si Uncle Mario, at pati ang buong Tan family, kayo ang totoong pamilya ko." "Ang daming babae sa mundo, Raven. Kapag tinanggap mo lang ang posibilidad na magbukas ng puso mo para sa iba, sigurado akong maraming magma
Last Updated : 2025-03-16 Read more