All Chapters of Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle: Chapter 291 - Chapter 300

474 Chapters

Kabanata 291

Bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagdadagdag lamang ng bigat sa aking dibdib. Gusto ko siyang suyuin, yakapin, at sabihin sa kanyang naiintindihan ko siya. Pero hindi ko puwedeng gawin iyon. Dahil kung ipipilit namin ang aming sarili sa isang bagay na imposible, kaming dalawa rin ang masasaktan sa huli."Vince, kailangan nating harapin ang realidad. Ito na ako ngayon. Asawa ko ang tiyuhin mo, at magkaka-anak ka na din. Maging masaya ka na lang din sa buhay mo sa piling ni Joana."Mabilis akong lumingon at nagsimulang maglakad palayo. Mas mabuting tapusin na ito ngayon bago pa lumalim ang usapan namin. Pero bago pa ako makalayo, hinarang niya ako, tumayo siya sa harapan ko na para bang handang labanan ang kahit sinong hahadlang sa kanya."langga..."Napapikit ako sa tawag niyang iyon. Noon pa man, siya lang ang tanging nakakatawag sa akin ng ganoon. Noong mga panahong hindi pa komplikado ang lahat. Noong hindi pa kami nasa ganitong sitwasyon.Alam kong hindi siya susuko.Na
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 292

HECTOR POVSaglit akong natigilan sa tanong ni Anne. Sa loob ng isang kisapmata, dumaan sa isip ko ang maraming posibilidad, dapat ko bang sabihin sa kanya ang totoo?Kung aaminin ko na matagal ko na siyang gusto, para ko na ring inamin na sinadya kong samantalahin ang pagkakataon noong gabing pareho kaming na-drug…Hindi ko maaaring ipagsapalaran iyon. Ayokong makita siyang lumayo sa akin.Kaya't pinilit kong ngumiti at pilit na pinapanatiling maging mahinahon. "Bakit mo naman biglang naitanong yan?" tanong ko sa kanya nang malumanay."Wala… wala lang, na-curious lang ako." Napansin kong saglit na naging hindi natural ang kanyang ekspresyon bago siya muling nagsalita, "Naiintriga lang ako kung paano mo napapakalma ang mga tao nang ganito kadali. Saka siyempre sa edad mo parang imposibleng hindi ka nagmahal ng ibang babae nung kabataan mo?"Tinitigan ko siya at hinayaan ang banayad na ngiti na manatili sa aking mukha. "Ikaw lang ang gusot kong suyuin nang ganito, Mrs. Anne Valderama."
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 293

Lumapit siya sa akin at puno ng determinasyon sa kanyang mga mata. "Madam, kung talagang gusto mong tulungan si Melody at ang iba pang kababaihan, kailangan mong sumali sa asosasyong ito at maging vice chairman.""Sa mundong ito, ang may pinakamalakas na posisyon lamang ang may boses—tulad ng Hector. Kung nais mong protektahan ang mga naaapi, kailangan mong umangat. Kapag nasa itaas ka, doon ka lang magkakaroon ng tunay na kapangyarihan!"Matapos ang isang saglit na katahimikan muli pang nagsalitang muli si Maika "Madam, ayaw mo bang parehas kayong umangat ni Boss ng posisyon para mas maging makapangyarihan kayong dalawa laban sa mga taong nang-aapi? Alam ko naman madam na ayaw mo ng mga ganitong bagay at gusot mo lang maging isang ordinayong tao pero madam mas madami kang matutulungan kung magiging vice chairman ka!”Sa sandaling iyon, may ideya na ako sa aking puso pero ayokong magdesisyon ng padalos dalos "Maika, pag-iisipan ko ang sinabi mo. Salamat sa payo mo."Hindi naman nagpum
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 294

Napansin kong tinitingnan ako ni Ate Anne na may halong pagdududa saka siya lumapit sa akin."Ano nga yung gusto mong sabihin sa akin kanina?" tanong niya.Hinila ko siya saglit sa isang tabi saka ako nagsalita "Wala. Pinakalma na ako ni Kuya Vince. Hindi ko dapat gamitin ang nangyari sa sunog noon para idiin ka sa isang bagay."Napansin kong nanginig ang kanyang pilikmata. Parang may dumaan na bahagyang pagkabigo sa kanyang mga mata.Hindi ko alam kung ano ang eksaktong ikinabigo niya.Pero pakiramdam ko, alam niyang hindi lang iyon ang gusto kong sabihin.Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. "Ate Anne, aalis na ako. Pero bago ako umalis, gusto kitang tanungin ng isang bagay. Sigurado ka bang gusto mo si Uncle Hector?"Bahagyang gumalaw ang kanyang labi, pero hindi ko siya hinayaang sumagot."Huwag kang magmadali sa pagsagot," sabi ko agad. "Pag-isipan mong mabuti. Natutuwa ka lang ba sa kanya dahil sa pinapakita niya sayo ngayon o totoong gusto mo siya?"Tiningnan ko siyang m
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 295

Nanlaki ang mata ni Mommy at tila nagulat sa nagawa niya. Nakita kong nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinititigan ang duguan kong pisngi. "Anak, ayos ka lang ba? Hindi ko sinasadya!"Huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti kahit ramdam ko pa ang rin hapdi. "Mommy wala siyang kasalanan dito."Dahan-dahan akong tumayo nang maayos at pilit na nilalabanan ang sakit. "Mommy, umalis ka na. Kailangan ko pang kausapin si Anne."Paglingon ko kay Anne, nakita kong nag-aalangan siya. "Sasama ako sa’yo. Dahil may hihingin akong pabor sayo."Napansin kong napabuntong-hininga siya, para bang sumakit ang ulo niya bigla.Noon, sabik siyang makausap ako nang harapan.Pero ngayon, parang ito na ang pinakaayaw niyang mangyari ang marinig ang mga salitang "may gusto akong sabihin sa'yo."Nagbago na talaga ang relasyon namin. Hindi na tama na palagi kaming magkasama.Alam ko ring naiinis siya sa katigasan ng ulo ko. Kahit anong sabihin niya, hindi ko basta-basta binabago ang desisyon ko.T
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 296

Habang pinagmamasdan ni Jennie ang papalayong anak, bigla siyang napakunot-noo at tumingin kay Elaine, "Ano bang sinasabi mo kanina tungkol kay Joana?""Ha? Tita, ibig sabihin hindi mo pa alam ang tungkol dito?" gulat na sagot ni Elaine. Agad niyang dinala si Jennie sa isang coffee shop sa airport at ikinuwento ang buong pangyayari nang detalyado at may halong emosyon."Ano!?" Malakas na pinukpok ni Jennie ang mesa, halatang nagngingitngit siya sa galit. "Ang babaeng iyon, si Joana, nakapasok na pala sa lumang bahay!""Oo, nagbigay ako ng pera sa ilang tauhan para malaman ang totoo. Ang sabi nila, ideya raw ni Hector, tapos pumayag naman si Donya Estrelita."Dumilim ang mga mata ni Elaine, nag-iisip ng paraan. Kung magagamit niya si Jennie upang mapaalis si Joana at ang batang nasa sinapupunan nito, magiging perpekto ang lahat!Higpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Jennie, ramdam ang matinding galit. "Hector, napakasama mo! Gusto mong sirain ang buhay ng anak ko! Paanong pakakasalan ng
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 297

Si Mr. Kirby. Ang mga tao na may kakayahang pumasok at lumabas sa teahouse na ito ay mga mayayaman o mararangal lamang.At ang manager ay may reputasyon din sa kanilang circle, at maraming tao ang kailangang magpakumbaba sa tuwing makikita siya. Tumayo si Rolando, pinalaki niya ang kaniyang dibdib at iniabot ang kamay niya kay Mr. Kirby. Si Mr. Kirby ay yumuko sa tabi ni Anne at ngumiti "Narinig ko po na ang asawa ni Sir Hector ay bumisita ngayon, kaya espesyal kong ipinadala sa inyo ang aking pribadong koleksyon ng tsaa.Mayroong Narcissus na nagkakahalaga ng isang daang libo, at mayroon ding mahirap hanapin na matandang tsaa mula sa Southern Dynasty. Mrs. Anne, alin po ang gusto n'yo?"Naglaho ang kulay sa mukha ni Rolando at nainis siyang binawi ang inabot na kamay.Ngumiti si Anne at tiningnan ang manager "Wag na, mukhang may mga tsaa yata akong nakatago dito. Puwede bang magpadala na lang kayo ng ilan?""Oo, oo, pupuntahan ko na." Ang manager ay ngumiti at naglakad palayo, lihi
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 298

Sa mga sandaling iyon, tumayo ang manager nang may galang, na may propesyonal na ngiti sa labi "Ikinagagalak kong maging saksi para sa inyo."Lihim na ngumiti si Anne, pero ang expression niya ay seryoso at saka nagsalita "Pa, naaalala mo pa ba na gumastos ka ng limang milyon noong nakaraang taon para ipadala si Elaine sa isang celebrity class, na ang sabi nila ay magagarantiyahan nitong makapag-asawa siya sa isang mayamang pamilya?"Nahihiya si Rolando nang banggitin ito sa harap ng iba.Kahit na ang lahat ng mga socialite sa mayamang circle ay nagnanais na makapag-asawa sa kapareho o mas mataas na antas ng mayamang pamilya.Ngunit ang pagdalo sa ganitong klase ng training ay medyo nakakahiya.Ngumiti ng mapait si Rolando "Bakit mo biglang binanggit ang bagay na ito? Kasal ka naman na, hindi mo na kailangan pang pumunta sa ganitong klase ng... training class...""Pa, mahal na mahal ako ni Hector. Maganda ang aming relasyon. Hindi ko na kailangan pang dumaan sa ganitong klaseng traini
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more

Kabanata 299

ANNE POV Pagkatapos nilang tignan ang application form ay sinabi lang nila na disqualified ako at hindi maaring sumali sa halalan. Malamig kong tinitigan ang babaeng nasa harapan ko na puno ng kumpiyansa at may paninindigan. “Miss baka gusto mong i-explain sa akin ito ng maayos?!” mariin kong sabi. “Ipinasa ko naman ang application form ko ng maayos at sumunod sa tamang proseso bago pa man ang deadline at sa tingin ko naman ay wala akong nilabag na patakaran. Ngayon sabihin niyo sa akin ang dahilan bakit hindi ako pwedeng sumali sa halalan? Una, sinabi ninyong sumasali lang ako para sumabay sa eleksyon. Ngayon naman, bigla na lang ninyo akong dini-disqualify. Pwede ko bang itanong , kaya ba ganito ang ginagawa niyo sa mga gustong sumali dahil napili na ninyo nang palihim ang magiging vice president?" Napangisi nang may pangungutya ang staff at saka sarkatiskong sumagot sa akin "ee ano naman kung gano'n nga ang dahilan namin? Ang tanga mo naman! Talaga bang iniisip mong may
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more

Kabanata 300

Naging matigas ang ekspresyon ni Joana, ngunit pilit niyang iniabot ang kahon at isang makapal na bungkos ng papel. "Ate Anne, maniwala ka man o hindi, taos-puso kong binibigay ito sayo. Ang kahong ito ay may lamang isang ovulation tester na makakatulong sa'yo..." Hindi ko mapigilang tumaas ang kilay ko at agad kong pinutol siya ng may matigas na boses. "Anong ibig mong sabihin? Gusto mong ipagyabang sakin na kaya ka nandito dahil buntis ka?” "Hindi!" Napalakas ang boses niya sa pagmamadaling magpaliwanag. "Ate Anne, gusto talaga kitang tulungan!" Nagpatuloy pa siyang muli na may bahagyang pagmamakaawa sa kanyang tinig. "Ang ovulation tester na ito ay proven and tested , reccommended din siya ng mga doctor dahil accurate ito. Mas accurate pa ito kaysa sa mga karaniwang test strips at kayang magbasa gamit lang ang laway." Itinaas niya ang makapal na papel. "tapos itong librong ito ay naglalaman ng pinaka-eksaktong impormasyon tungkol sa paggamot ng polycystic ovary syndrome.
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
PREV
1
...
2829303132
...
48
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status