"From now on, susuotin mo ito para sa akin," wika ni Eldreed habang nakangiti nang may lambing—malayo sa dati niyang malamig at mayabang na ugali.Napakurap si Shayne, hindi sanay sa ganitong lambing mula sa kanya. Gayunpaman, kusa siyang tumango, tanda ng kanyang pagsang-ayon.Binitiwan ni Eldreed ang kamay niya, kinuha ang maleta, at naglakad palabas. Sinundan siya ni Shayne hanggang sa pinto. Ngayon lang yata siya aalis para sa isang business trip mula nang sila'y ikasal, kaya’t may kung anong lungkot siyang nadama.Kung dati pa ito nang kakasama pa lang nila, tiyak na gusto niyang umalis na ito agad—at kung maaari, huwag munang bumalik ng ilang linggo. Pero ngayon, parang unti-unting nagbabago ang pananaw niya rito."Bantayan mong mabuti ang sarili mo. Pwede mong anyayahan si Andeline para may kasama ka," sabi ni Eldreed bago sumakay ng sasakyan.Ngumiti si Shayne at tumango. "Sige, ikaw rin, huwag mong kalimutang kumain sa oras."Bahagyang ngumiti si Eldreed, hindi sumagot, pero
Huling Na-update : 2025-03-14 Magbasa pa