Semua Bab The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG): Bab 21 - Bab 30

39 Bab

CHAPTER 21: THE TEA

Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan palayo sa mall. Ramdam pa rin ni Vivienne ang kaba sa kanyang dibdib, pero hindi na kasing bigat kanina. Huminga siya ng malalim, sinusubukang ayusin ang sarili."Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Wala akong sasabihin kahit kanino. Kahit kay Sir Dominic," biglang sabi ng driver habang nakatingin sa daan.Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala, pero may isang bahagi sa kanya na gustong magtiwala. Mukha naman itong mabait na tao. Matanda na ito, may mapuputing buhok sa gilid at may mga linya ng edad sa kanyang mukha, pero magaan ang dating nito."Salamat po," mahina niyang sagot.Ngumiti ang matanda sa rearview mirror. "Alam niyo po, hindi ko po alam ang pinagdadaanan niyo, pero gusto ko lang makatulong kahit papaano. Sandali lang po, may ibibigay ako sa inyo." Inabot nito ang isang maliit na termos mula sa harapan at iniabot sa kanya."Ano po ito?" tanong niya, bahagyang nagdududa."Tsaa po. Gawa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-22
Baca selengkapnya

CHAPTER 22: YOU NEED HELP, DOM?

Pagdating ni Vivienne sa harapan ng bahay, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at kinuha ang kanyang mga pinamili. Ngumiti siya sa driver bago tuluyang bumaba."Salamat po ulit, Manong. Sa kwento, sa tsaa, sa lahat," aniya habang inaayos ang mga dala.Ngumiti ang matanda. "Walang anuman, Ma’am. Mag-ingat po kayo, ha?"Tumango siya at naglakad papasok. Hindi pa man siya nakakatapak sa loob ng bahay ay naamoy na niya ang isang matapang na halimuyak mula sa kusina. Napakunot ang noo niya.Amoy sunog ba ‘yon?Nagmamadali siyang pumasok at agad na bumungad sa kanya ang isang magulong kusina—mga sangkap na nagkalat sa countertop, harina sa mesa, isang bukas na kahon ng pasta, at higit sa lahat, si Dominic na nakatayo sa harap ng stove, hawak ang cellphone habang halatang litong-lito sa binabasa niya.Napatawa siya. "Diyos ko, anong klaseng trahedya ang nagyari dito?"Napalingon si Dominic sa kanya, halatang gulat ngunit agad na bumalik ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. "Hin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-22
Baca selengkapnya

CHAPTER 23: A KISS FOR MOCKING ME

Napakurap si Vivienne sa tanong ni Dominic. Hindi niya inaasahan na siya pa ang tatanungin nito, lalo na sa malamig nitong tono. Gusto niyang umiwas, gusto niyang palipasin na lang ang pag-uusap na ito, pero hindi niya magawa."Oo naman," sagot niya, pilit ang ngiti habang iniiwas ang tingin. "Wala namang dahilan para hindi ako maging okay."Tiningnan lang siya ni Dominic, halatang hindi kumbinsido. Alam niyang hindi ito madaling lokohin, kaya nagmadali siyang humanap ng ibang paksa."Speaking of okay, naalala ko lang," bigla niyang sinabi habang umupo sa harap ng mesa. "Si Jace, yung bayarin niya sa ospital... may nagbayad na, di ba?"Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Dominic. Hindi halata, pero sa ilang linggo nilang magkasama, alam ni Vivienne kung paano basahin ang maliliit na pagbabagong ito. Saglit siyang hindi sumagot bago umiling."Hindi ko alam kung sino," malamig niyang sagot.Napangiwi si Vivienne. Alam niyang nagsisinungaling ito. "Talaga? Kasi sabi ng hospital, fully pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

CHAPTER 24: ALL PAID

Napatulak si Vivienne kay Dominic at napaatras nang bahagya, nakakunot ang noo habang hawak ang sarili niyang labi. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito."Maniac!" sigaw niya, puno ng panlalait sa boses. "Ano ba'ng pumasok sa isip mo?!"Sa halip na mahiya o umatras, isang malamig na tingin ang ibinigay sa kanya ni Dominic. May bahagyang bahid ng kaseryosohan sa boses nito nang magsalita."Huwag mong kalimutan, Vivienne," aniya, walang bahid ng emosyon. "Mag-asawa tayo. Wala akong dahilan para lumayo sa'yo."Napasinghap si Vivienne. Para bang tumigil saglit ang kanyang paghinga sa sagot nito. Alam niyang may kasal silang dalawa, pero palagi niyang nilalabanan ang katotohanang iyon. Hindi niya gusto ang sitwasyon nila. Hindi siya sanay na tinatrato siyang parang pag-aari ng isang lalaki—lalo na ng isang kagaya ni Dominic.Sa halip na sagutin ito, padabog siyang tumalikod at naglakad papunta sa kanyang kwarto. Pero bago pa siya makapasok, hindi niya napigilan ang sarili at lumingon mul
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

CHAPTER 25: BLUSHING

Nakaupo si Vivienne sa gilid ng kanyang kama, malalim ang iniisip. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Wala na silang utang, wala na siyang kailangang problemahin tungkol sa Omega, ngunit sa kapalit nito…Isang anak.Napalunok siya habang mahigpit na niyakap ang kanyang sarili. Para siyang na-trap sa isang sitwasyon na hindi niya ginusto. Para siyang ibon sa hawla, walang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa gusto ng may-ari nito. Hindi niya alam kung paano haharapin si Dominic matapos nitong gawin ito para sa kanya.Sa isang banda, gusto niyang magpasalamat. Sa kabilang banda, hindi niya matanggap ang ideya na may ganitong kasunduan sila.Napapikit siya at napahawak sa noo. "Paano ko siya kakausapin? Paano ko ipapaliwanag na hindi pa ako handa saka hindi ko rin alam ang gagawin?" mahina niyang bulong sa sarili.Napalalim ang iniisip niya hanggang sa biglang bumalik sa kanyang alaala ang tagpo kanina sa mall—ang biglaang pagkikita nila ng kanyang tiyahin. Isang mapait na ngi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

CHAPTER 26: 3AM CHAOS

Madaling araw na, ngunit gising pa rin si Vivienne. Hawak niya ang kanyang telepono habang walang tigil na nag-scroll sa social media. Panay ang panonood niya ng mga video—mula sa nakakatuwa, nakaka-inspire, hanggang sa mga walang saysay pero hindi niya mapigilang panoorin. Minsan napapahagalpak pa siya ng tawa, minsan naman ay natutulala lang.Napalingon siya sa orasan—3:00 AM na.Napabuntong-hininga siya at isinara ang kanyang telepono, pilit pinipilit ang sariling matulog. Ngunit bago pa siya makapikit, biglang umalingawngaw ang pag-aalboroto ng kanyang tiyan.Napahawak siya sa kanyang tiyan, umaasang mawawala ang gutom, pero mas lalo lang itong umingay. Napangiwi siya. "Gutom na gutom na ako..."Agad niyang naisip na lumabas at pumunta sa kusina, pero bigla siyang natigilan.Nandiyan pa kaya si Dominic? Paano kung nasa labas siya o kaya naman ay lumabas din ng kwarto niya nang sabay kami? Paano kung bigla ko na lang itong makita ulit na walang pang-itaas?Napapikit siya nang marii
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

CHAPTER 27: FRIED CHICKEN AND KDRAMA

Nakahiga si Vivienne sa kanyang kama, nakatitig sa kisame habang sinusubukang kalmahin ang sarili. Napapahawak pa rin siya sa kanyang pisngi, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa kusina kanina.“Ano ba talaga ‘tong nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?” mahina niyang bulong sa sarili habang pilit pinapakalma ang puso niyang mabilis ang pagtibok.Napahinga siya nang malalim at tinapunan ng tingin ang orasan. Alas-tres y medya na ng madaling araw.Kailangan na niyang matulog.Isinubsob niya ang mukha sa unan at pinilit ipikit ang kanyang mga mata, pero hindi niya magawa. Ilang minuto siyang nakatihaya nang biglang may narinig siyang tunog mula sa labas ng kanyang kwarto.Bumukas ang front door.Napabangon siya at pinakinggan ang bawat tunog. Maya-maya ay narinig niya ang kaluskos ng mga plastic bags at kasabay nito ang malakas na amoy ng fried chicken.Napalunok siya nang bahagya.“Ano ‘yon…?” bulong niya sa sarili.Gutom na gutom na siya. Hindi niya na halos matandaan kung k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

CHAPTER 28: PASSIONATE NIGHT

Nakaupo si Vivienne sa sofa, hawak ang natitirang piraso ng fried chicken habang tuloy-tuloy sa panonood ng drama sa TV. Ngunit habang tumatagal, unti-unti siyang naiinis. Sa bawat eksenang pinapanood niya, may nasasabi siyang reklamo."Ano ba 'yan? Parang wala namang chemistry!" irap niya, sabay kagat sa fried chicken."Hala! Bakit ganyan ang acting? Parang pinilit lang! Nakakainis!"Mula sa kabilang bahagi ng sofa, tahimik na nakaupo si Dominic. Halata sa mukha niya ang inis habang pinapakinggan ang walang tigil na pagreklamo ni Vivienne."Bakit parang ang OA? Diyos ko naman, paano ito nag-trend? Hindi ko gets!" patuloy ni Vivienne habang umiiling.Napabuntong-hininga si Dominic. "Kung puro reklamo ka lang, bakit ka pa nanonood?"Tiningnan siya ni Vivienne nang masama. "Ewan ko. Pero ang labo kasi! Nakakabwisit!"Napatayo bigla si Dominic at dumiretso sa kanyang kwarto nang walang kahit anong salita.Napansin iyon ni Vivienne at napangiti siya nang maluwag. Sa wakas! Wala na siya ri
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

CHAPTER 29: WHY ARE YOU QUIET?

Habang nakatitig si Vivienne kay Dominic, pakiramdam niya ay lumulubog siya sa isang dagat ng init at kaba. Hindi niya alam kung dahil lang ito sa alak o sa paraan ng pagtitig ni Dominic sa kanya—parang sinusuri siya, hinuhubaran ng mata, hinahamon.“Ang tahimik mo,” bulong ni Dominic, ang tinig nito ay mababa, halos pabulong, ngunit may bahid ng panunukso.Napalunok siya at napapikit sandali, pilit pinapalma ang sariling damdamin. Hindi niya dapat hinahayaan ang sarili niyang mahulog sa ganitong sitwasyon.Pero bakit parang ang hirap lumayo? Bakit parang inaakit siya ng presensya ni Dominic?“Hindi ko lang alam kung dapat ba kitang seryosohin o iwan ka rito at magkulong sa kwarto,” matabang niyang sagot, pilit na nilalabanan ang pag-iinit ng kanyang pisngi.Ngunit hindi natinag si Dominic. Sa halip, bahagya siyang yumuko palapit sa kanya, ang mukha nito ay ilang pulgada lang ang layo sa kanya. Ramdam ni Vivienne ang init ng hininga nito sa kanyang balat.“Anong gusto mong gawin ko, V
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

CHAPTER 30: DOMINATING VIVIENNE (R18)

Ang mainit na titig ni Dominic ay parang apoy na lumalamon sa kanya. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapag-isip nang maayos. Ang kanyang buong katawan ay tila nag-aalab sa bawat haplos ng lalaking nasa ibabaw niya."Ang tapang mo kanina, pero ngayon, para kang isang maliit na pusa," bulong ni Dominic, ang tinig nito ay mababa at puno ng panunukso.Napasinghap si Vivienne nang maramdaman ang init ng palad nito sa kanyang balikat. Sinubukan niyang umiwas, pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit siya nanginginig. Dahil ba sa takot? O dahil sa matinding pangunguna ni Dominic sa sitwasyon?“Hindi ako pusa,” sagot niya, pilit na nagpapanatili ng kumpiyansa sa kanyang boses.Ngunit sa halip na umatras, mas lalo pang lumapit si Dominic. "Hindi? Pero bakit para kang naghihintay na hagurin kita?"“Ang yabang mo,” inis niyang sagot, pilit na nilalabanan ang epekto ng presensya nito sa kanya.Ngumiti si Dominic at hinawakan ang kanyang baba, pinilit siyang tumi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status