All Chapters of DANGEROUSLY YOURS (EL FRIO QUADRO): Chapter 81 - Chapter 90

134 Chapters

CHAPTER 81

BLYTHE JULIANNA (ACE)... Ilang araw na sila sa rancho at ngayon lang sila ulit nakalabas dahil ilang araw din na umuulan kaya hindi sila makagala ni Luke. Nanatili lang sila sa bahay at naghanap na lang ng pwede nilang gawin para maaliw sila sa pananatili nila sa loob ng bahay. At hindi naman s'ya na bored dahil maraming pwedeng gawin sa bahay ni Luke at hindi nawawalan ng ideya ang kasintahan sa mga gagawin nila. Pero ang mas pinaka bonding nilang dalawa ay sa kusina. Nakatuwaan nila ang manuod ng mga cooking show sa internet at pagkatapos ay sabay silang magluluto. Kaya sa ilang araw na pananatili nila sa loob ng bahay ay nararamdaman n'ya na medyo tumaba s'ya. Paano ba naman kasi at hindi s'ya ginugutom ni Luke at wala pa s'yang exercise dahil mas pinipili n'ya pa ang magpa-cuddle kay Luke sa kwarto kaysa mag-exercise sa labas. Ang kan'yang tanging exercise ay sa kama dahil walang gabi na pinapalampas si Luke at gustong-gusto n'ya naman ang ginagawa nilang dalawa. "Sweethear
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

CHAPTER 82

LUKE FRIEDRICH... Halos panawan s'ya ng ulirat ng makita si Ace na tumilapon mula sa kabayo na sinasakyan nito. "Julianna! Fvck!" puno ng pag-alala na sigaw n'ya at dali-daling pinatigil si Thunder at bumaba. Tinakbo n'ya ang pinagbagsakan ni Ace para daluhan ang kasintahan. "Damn it! Ace! Julianna! Sweetheart! Wake up!" hindi magkandauga na tawag n'ya sa pangalan nito habang mahinang tinatapik ang pisngi ng kasintahan ngunit walang tugon mula rito kaya sinalakay s'ya ng sobrang kaba. Walang pag-alinlangan na kinarga n'ya ang dalaga at itinakbo pabalik kay Storm. Dali-dali n'yang isinakay si Ace sa kabayo at agad ding sumampa habang todo alalay sa katawan nito para hindi mahulog. Nang masigurong maayos na ang pagkakasampa nilang dalawa ay pinatakbo n'ya na si Storm pabalik sa rancho. Tagaktak ng pawis ang kan'yang noo at sobrang lakas ng pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang takot habang lulan sila ni Thunder. Maingat ang pagkakayakap n'ya kay Ace na wala pa ring malay. Hi
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

CHAPTER 83

LUKE FRIEDRICH... "S-Sino ka?" Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan ng marinig ang tanong ni Ace sa kan'ya. Blangko ang reaction sa mukha nito habang nakatingin sa kan'ya at walang bahid ng kahit maliit na pagbibiro. Pakiramdam n'ya ay biglang nanlamig ang kan'yang buong katawan at hindi alam kung ano ang sasabihin sa babae. Ilang segundo din s'yang nakatayo lang habang tulala na nakatingin sa mukha ng kasintahan. Ngunit ang kan'yang pagkagulat ay agad ding nawala ng bigla na lamang tumawa si Ace na parang tuwang-tuwa sa kan'yang hitsura. "Damn it!" frustrated na sabi n'ya sabay hilamos ng palad sa kan'yang mukha. Ngayon n'ya lang din napansin ang malakas na kalabog ng kan'yang dibdib sa hindi malamang dahilan. Kung dahil ba sa kaba o takot na baka totoong hindi s'ya kilala o nakalimutan ng dalaga. "Epic ang mukha mo, babe," tumatawa pa rin na sabi ni Ace sa kan'ya. Tumingala muna s'ya sa kisame para pakalmahin ang kan'yang sarili bago hinarap ang kasintahan na nakapamewa
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

CHAPTER 84

BLYTHE JULIANNA (ACE)... Nagsalubong ang kan'yang kilay ng makita si Luke na biglang nag-iba ang hitsura ng sagutin nito ang tawag. Wala naman s'yang narinig na usapan maliban sa tinanong ito ni Luke kung ano ang kailangan nito. At pagkatapos n'on ay nakita n'ya na nag-iba ang anyo ng mukha ng kasintahan. Napaisip tuloy s'ya kung sino ang kausap nito at kung ano ang sinabi ng nasa kabilang linya na ganon na lang kung mag-iba ang hitsura ng binata. Hanggang ng pinatay na ni Luke ang tawag ay wala s'yang narinig na tugon mula sa lalaki. Nakikinig lamang ito sa kabilang linya na ipinagtaka n'ya. "Are you okay?" tanong n'ya ng maibaba nito ang hawak na cellphone. Nakita n'ya kung paano umigting ang panga nito sa kan'yang tanong na mas lalo n'yang ipinagtaka. "Babe? What's wrong?" pag-uulit n'ya sa tanong n'ya rito. Para namang nataohan ang binata at nagbalik sa sarili nito. "I'm sorry, may kaunting problema lang," sagot nito ngunit ramdam n'ya ang bigat sa boses nito. "Are you sure
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

CHAPTER 85

BLYTHE JULIANNA (ACE)... Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip n'ya ang nangyari noong iniwan s'ya ni Luke sa rancho para puntahan ang isang babae. Hindi na s'ya nagtanong pa dahil nakikita n'ya sa mukha ni Luke na parang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol dito. At bilang respeto ay pinili n'ya na lang na manahimik ngunit hindi ibig sabihin na balewalain n'ya ang bagay na iyon. Kaya naman, maaga pa lang ay lumabas na s'ya ng bahay. Paggising n'ya ay wala na si Luke sa kwarto nila at hindi n'ya alam kung saan ito nagpunta. Bumaba s'ya sa baba para hanapin ito ngunit wala si Luke sa bahay. Kaya nagpasya s'yang pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang rancho. Malalaman n'ya na umalis si Luke kung wala ang kabayo nito na si Thunder. Binaybay n'ya ang daan patungo sa likod at agad n'ya naman na narating ang kwadra. Agad na tinungo n'ya ang kabayo ni Luke at nakumpirma ang kan'yang hinala na wala sa bahay ang lalaki ng makita na wala si Thunder doon. "Saan s
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

CHAPTER 86

BLYTHE JULIANNA (ACE)...Mabigata ang kan'yang loob habang nagngingitngit ang kan'yang kalooban ng dahil sa mga nalaman ng makarating s'ya sa headquarters ng SIA. "Kuya Herbert, kapag may pumunta sa rancho ni daddylo na kahit na sino mula sa rancho ng mga Muller at magtatanong kung nagawi ako doon, sabihin mo hindi at huwag mong ipaalam kung saan mo ako ihatid, pwede ba?" habilin n'ya sa taohan ng abuelo."Masusunod senyorita. Huwag ho kayong mag-alala at walang makakaalam na dito kita inihatid," mabilis na sagot ng lalaki."Maraming salamat kuya! Pwede na kayong umalis. Ayos na ako rito, mag-ingat kayo kuya Herbert," pasasalamat n'ya rito at nagpaalam na, ganon din ito na agad na umalis pagkatapos.Nagbuga s'ya ng hangin bago tumalikod para pumasok sa loob ng HQ. Gamit ang kan'yang mata ay itinapat n'ya ito sa scanner sa harapan at ng ma recognize ng system ang mga mata n'ya ay agad na bumukas ang maliit na gate sa gilid.Wala naman s'yang dala na sasakyan kung kaya ay sa maliit na
last updateLast Updated : 2025-02-24
Read more

CHAPTER 87

BLYTH JULIANNA (ACE)... She stayed at the HQ for three days bago s'ya nagpasyang umuwi. Nanatili muna s'ya doon dahil gusto n'yang magpalamig. Nasa HQ s'ya pero wala naman s'yang ginagawa kundi ang mag gym, mag ensayo at kung ano-ano pa para makalimutan n'ya ang kan'yang problema at ang sakit na nararamdaman dulot ng ginawa ni Luke. Katulad na lang ng araw na iyon na maaga pa lang ay nasa firing range na s'ya at nag-eensayo sa paggamit ng baril. Ibinuhos n'ya lahat sa pagpapaputok ang lahat ng natira pang sama ng loob sa katawan dahil pagkatapos nito ay gusto n'yang bagong Ace na naman ulit s'ya. Uuwi na s'ya ng Pilipinas at mag focus na lang muna sa kan'yang kompanya. Ayaw n'ya na ng sakit ng ulo at dagdag na sama pa ng loob. Isang magazine na lang ang natira kaya inubos n'ya na lang ito. At pagkalipas ng ilang putok ay naubos ang laman ng kan'yang magazine. Wala pa ring palya ang kan'yang pulso. Wala ding tapon sa mga bala na ginamit n'ya. Inalis n'ya ang kan'yang suot na ear
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

CHAPTER 88

BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nagbuga s'ya ng hangin at sinipat ang kan'yang mga gamit. Pagkatapos nilang mag-usap ng ninang Pickles n'ya ay umalis din agad ito at s'ya naman ay nag-ayos ng kan'yang mga gamit para pumunta sa Nigeria. Nang masiguro na maayos na ang kan'yang lahat ng mga dadalhin ay binitbit n'ya na ang kan'yang duffle bag at lumabas ng silid."You're leaving?" pagbukas n'ya ng pinto ay ang boss nila na naka-base sa Arizona ang bumungad sa kan'ya."Yes boss!" tipid na sagot n'ya rito."Mission?""Yeah! As usual!" sagot n'ya at sinundan ng mahinang tawa."Mission is already a part of our life as an agent/assassin. Just be careful, agent Flash!" sabi nito at tinapik s'ya sa balikat."Thank you sir!" pasasalamat n'ya rito. Tumango lang ito bilang tugon at nginitian s'ya. Yumuko naman sila bilang paalam at umalis na ng HQ Arizona.Deritso s'ya sa helipad kung saan ay sasakay s'ya ng helicopter na maghahatid sa kan'ya sa private airport na pag-aari ng SIA.Pagdating n'ya sa hel
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

CHAPTER 89

BLYTH JULIANNA (ACE)...Naglalakad s'ya sa kahabaan ng daan sa sentro ng isang syudad sa Nigeria. Ngumunguya s'ya ng chewing gum habang naglalakad.She is wearing a tattered skinny jeans, white v-neck t-shirt na pinatungan n'ya ng itim na leather jacket. Boots ang suot n'ya sa paa at may suot s'ya na itim na sombrero habang nakalugay ang kan'yang may natural na kulot na buhok.Nagsuot din s'ya ng aviator na itim para hindi masyadong makita ang kan'yang mukha.Maraming tao sa lugar dahil ito ang pinaka sentro ng lahat. Puno din ng iba't-ibang paninda ang paligid na s'yang dinadayo pa ng mga turista na nagagawi dito sa Nigeria.May isang coffee shop s'ya na nakita sa di kalayuan kaya ipinasya n'yang puntahan ito. Open ang naturang coffee shop at lahat ng mga nagkakape ay nakaharap sa daan kung saan ay makikita ang mga nagtitinda at ang mga tao na paroon at parito.Nag order s'ya ng kape Nigeria, na kilala at sikat sa mga turista. Naupo s'ya sa isang sulok kung saan ay hindi masyadong ma
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

CHAPTER 90

BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Damn it, Ace! Bakit sa dinami-dami ng tao ay ako pa? Bakit?" si Zuri na palakad-lakad at parang hindi mapakali ang hitsura. Naintindihan n'ya ang babae dahil matagal na panahon na itong nananahimik ngunit ngayon ay bigla n'ya na lang binulabog para sa isang misyon. "I'm sorry, Zuri. Hindi ko din gusto na gambalain ka. Wala akong magagawa dahil iyan ang utos ni superior sa akin kaya ako narito. Zuri, maaatim ba ng konsensya mo na makikita na marami ang mamamatay? Alam ko na hindi mo kaya Zuri kaya pwede ba? Sumama ka na sa akin at sisimulan na natin ang trabaho," pangungumbinsi n'ya sa dalaga. Nagbuga ito ng hangin bago s'ya hinarap at mariin na tinitigan. Hindi naman s'ya nag-iwas ng tingin at sinalubong ang tingin ng babae hanggang sa napailing na lamang ito. "This would be the last, Ace. Pagkatapos ng misyong ito ay ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito, maliwanag ba?" matigas na sabi nito at binantaan pa s'ya. Tumayo s'ya at sumaludo sa babae bilan
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status