HELLO MGA MUMSH! SA MGA HINDI PA NAKABASA SA KWENTO NG LOLO AT LOLA NI ACE NA SINA DRAKE AT ELIANA, POSTED NA PO DITO SA GN. HANAPIN N'YO LAMB PO ANG "A KISS FROM A MAFIA LORD"... LIBRE KABAG SA KWENTO NILA MGA MUMSH. HAHAHA!
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin mawala sa isip n'ya ang nangyari noong iniwan s'ya ni Luke sa rancho para puntahan ang isang babae. Hindi na s'ya nagtanong pa dahil nakikita n'ya sa mukha ni Luke na parang ayaw nitong pag-usapan ang tungkol dito. At bilang respeto ay pinili n'ya na lang na manahimik ngunit hindi ibig sabihin na balewalain n'ya ang bagay na iyon. Kaya naman, maaga pa lang ay lumabas na s'ya ng bahay. Paggising n'ya ay wala na si Luke sa kwarto nila at hindi n'ya alam kung saan ito nagpunta. Bumaba s'ya sa baba para hanapin ito ngunit wala si Luke sa bahay. Kaya nagpasya s'yang pumunta sa likod ng bahay kung nasaan ang rancho. Malalaman n'ya na umalis si Luke kung wala ang kabayo nito na si Thunder. Binaybay n'ya ang daan patungo sa likod at agad n'ya naman na narating ang kwadra. Agad na tinungo n'ya ang kabayo ni Luke at nakumpirma ang kan'yang hinala na wala sa bahay ang lalaki ng makita na wala si Thunder doon. "Saan s
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Mabigata ang kan'yang loob habang nagngingitngit ang kan'yang kalooban ng dahil sa mga nalaman ng makarating s'ya sa headquarters ng SIA. "Kuya Herbert, kapag may pumunta sa rancho ni daddylo na kahit na sino mula sa rancho ng mga Muller at magtatanong kung nagawi ako doon, sabihin mo hindi at huwag mong ipaalam kung saan mo ako ihatid, pwede ba?" habilin n'ya sa taohan ng abuelo."Masusunod senyorita. Huwag ho kayong mag-alala at walang makakaalam na dito kita inihatid," mabilis na sagot ng lalaki."Maraming salamat kuya! Pwede na kayong umalis. Ayos na ako rito, mag-ingat kayo kuya Herbert," pasasalamat n'ya rito at nagpaalam na, ganon din ito na agad na umalis pagkatapos.Nagbuga s'ya ng hangin bago tumalikod para pumasok sa loob ng HQ. Gamit ang kan'yang mata ay itinapat n'ya ito sa scanner sa harapan at ng ma recognize ng system ang mga mata n'ya ay agad na bumukas ang maliit na gate sa gilid.Wala naman s'yang dala na sasakyan kung kaya ay sa maliit na
BLYTH JULIANNA (ACE)... She stayed at the HQ for three days bago s'ya nagpasyang umuwi. Nanatili muna s'ya doon dahil gusto n'yang magpalamig. Nasa HQ s'ya pero wala naman s'yang ginagawa kundi ang mag gym, mag ensayo at kung ano-ano pa para makalimutan n'ya ang kan'yang problema at ang sakit na nararamdaman dulot ng ginawa ni Luke. Katulad na lang ng araw na iyon na maaga pa lang ay nasa firing range na s'ya at nag-eensayo sa paggamit ng baril. Ibinuhos n'ya lahat sa pagpapaputok ang lahat ng natira pang sama ng loob sa katawan dahil pagkatapos nito ay gusto n'yang bagong Ace na naman ulit s'ya. Uuwi na s'ya ng Pilipinas at mag focus na lang muna sa kan'yang kompanya. Ayaw n'ya na ng sakit ng ulo at dagdag na sama pa ng loob. Isang magazine na lang ang natira kaya inubos n'ya na lang ito. At pagkalipas ng ilang putok ay naubos ang laman ng kan'yang magazine. Wala pa ring palya ang kan'yang pulso. Wala ding tapon sa mga bala na ginamit n'ya. Inalis n'ya ang kan'yang suot na ear
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nagbuga s'ya ng hangin at sinipat ang kan'yang mga gamit. Pagkatapos nilang mag-usap ng ninang Pickles n'ya ay umalis din agad ito at s'ya naman ay nag-ayos ng kan'yang mga gamit para pumunta sa Nigeria. Nang masiguro na maayos na ang kan'yang lahat ng mga dadalhin ay binitbit n'ya na ang kan'yang duffle bag at lumabas ng silid."You're leaving?" pagbukas n'ya ng pinto ay ang boss nila na naka-base sa Arizona ang bumungad sa kan'ya."Yes boss!" tipid na sagot n'ya rito."Mission?""Yeah! As usual!" sagot n'ya at sinundan ng mahinang tawa."Mission is already a part of our life as an agent/assassin. Just be careful, agent Flash!" sabi nito at tinapik s'ya sa balikat."Thank you sir!" pasasalamat n'ya rito. Tumango lang ito bilang tugon at nginitian s'ya. Yumuko naman sila bilang paalam at umalis na ng HQ Arizona.Deritso s'ya sa helipad kung saan ay sasakay s'ya ng helicopter na maghahatid sa kan'ya sa private airport na pag-aari ng SIA.Pagdating n'ya sa hel
BLYTH JULIANNA (ACE)...Naglalakad s'ya sa kahabaan ng daan sa sentro ng isang syudad sa Nigeria. Ngumunguya s'ya ng chewing gum habang naglalakad.She is wearing a tattered skinny jeans, white v-neck t-shirt na pinatungan n'ya ng itim na leather jacket. Boots ang suot n'ya sa paa at may suot s'ya na itim na sombrero habang nakalugay ang kan'yang may natural na kulot na buhok.Nagsuot din s'ya ng aviator na itim para hindi masyadong makita ang kan'yang mukha.Maraming tao sa lugar dahil ito ang pinaka sentro ng lahat. Puno din ng iba't-ibang paninda ang paligid na s'yang dinadayo pa ng mga turista na nagagawi dito sa Nigeria.May isang coffee shop s'ya na nakita sa di kalayuan kaya ipinasya n'yang puntahan ito. Open ang naturang coffee shop at lahat ng mga nagkakape ay nakaharap sa daan kung saan ay makikita ang mga nagtitinda at ang mga tao na paroon at parito.Nag order s'ya ng kape Nigeria, na kilala at sikat sa mga turista. Naupo s'ya sa isang sulok kung saan ay hindi masyadong ma
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Damn it, Ace! Bakit sa dinami-dami ng tao ay ako pa? Bakit?" si Zuri na palakad-lakad at parang hindi mapakali ang hitsura. Naintindihan n'ya ang babae dahil matagal na panahon na itong nananahimik ngunit ngayon ay bigla n'ya na lang binulabog para sa isang misyon. "I'm sorry, Zuri. Hindi ko din gusto na gambalain ka. Wala akong magagawa dahil iyan ang utos ni superior sa akin kaya ako narito. Zuri, maaatim ba ng konsensya mo na makikita na marami ang mamamatay? Alam ko na hindi mo kaya Zuri kaya pwede ba? Sumama ka na sa akin at sisimulan na natin ang trabaho," pangungumbinsi n'ya sa dalaga. Nagbuga ito ng hangin bago s'ya hinarap at mariin na tinitigan. Hindi naman s'ya nag-iwas ng tingin at sinalubong ang tingin ng babae hanggang sa napailing na lamang ito. "This would be the last, Ace. Pagkatapos ng misyong ito ay ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito, maliwanag ba?" matigas na sabi nito at binantaan pa s'ya. Tumayo s'ya at sumaludo sa babae bilan
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Ilang minuto s'yang nakatayo sa harapan ng larawan ni Zuri at ng anak nito at hindi maalis sa mukha ng bata ang kan'yang mga mata. Hindi s'ya pwedeng magkamali sa kan'yang hinala at kung paano nangyari iyon ay hindi n'ya alam. Hindi naman impossible ngunit parang ayaw tanggapin ng kan'yang isip ang katotohanan. "Ace, let's eat," napapiksi s'ya sa gulat ng biglang marinig ang boses ni Zuri mula sa kusina. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang kan'yang sarili. Tinapunan n'ya ulit ng tingin ang mukha ng bata bago nagpasyang sundan ang kaibigan sa kusina. Matapos ang mariin na tingin sa mukha ng batang lalaki ay tinungo n'ya ang kusina at naabutan si Zuri na naghahain ng mga pagkain. Isinandig n'ya ang kan'yang katawan sa hamba ng pinto at pinag-krus ang kan'yang mga braso sa dibdib habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ng babae. "Come here!" aya nito sa kan'ya ng mapansin s'ya nito sa pintoan. "Are you married?" hindi napigilan na tanong n'ya rito. Gan
BLYTHE JULIANNA (ACE)... The next morning ay maaga pa lang ay naghahanda na silang dalawa ni Zuri. She has her things and Zuri still has her assassin's things as well, kaya walang naging problema sa kan'ya. "Iyon bang halos anim na taon ka ng wala sa serbisyo pero kumpleto ka pa rin sa gamit at kumikinang pa lahat," natatawang sabi n'ya ng makita ang mga gamit ni Zuri. Natawa din ito at binato s'ya ng itim na bonnet. "Hindi ganon kadali kalimutan ang nakagawian mo, Ace. Kahit wala na ako sa serbisyo ngunit may mga pagkakataon pa rin na nagliligpit ako ng mga demonyo lalo na sa lugar na ito. There's a lot of assholes here at maraming mga kababaihan ang naaabuso at alam mo naman na hindi ang tipo ko ang manunuod na lamang at mananahimik sa gilid," sagot nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya. "I know! Kaya nga nakakatakot ang isang katulad mo, agent Nitro," pakikisakay n'ya na pareho nilang ikinatawa. "Anyway, saan tayo pupunta?" maya-maya ay tanong nito sa kan'ya. "We take the SIA plane
BLYTHE JULIANNA…Pangatlong linggo niya na sa bahay ni Luke at wala naman siyang naging problema. Malaki din ang ipinagbago ni Leon sa loob ng tatlong linggo na siya ang nag-aalaga dito. Nagkaroon na ng laman ang pisngi ng kaniyang anak at madalas na rin itong ngumingiti. Ayon sa mga kasama ni Luke sa bahay ay ibang-iba na si Leon ngayon kaysa noong hindi pa siya kasama nito.Tunay nga ang kasabihan na iba talaga kapag ang ina ang kasama ng anak. Naisip niya na sana kung noon pa sila magkasama ni Leon ay baka hindi na aabot sa ganito ang sitwasyon ng kaniyang anak.Sa loob ng tatlong linggo ay wala siyang narinig mula kay Luke. Hindi ito nagparamdam sa kaniya at kahit tawag ay wala siyang natanggap mula sa lalaki. May kaunting pag-alala siya na nararamdaman ngunit ng maalala kung paano ito naka survive kay kamatayan noon ay nawawala ang pag-alala niya rito.Kilala niya si Luke at alam niya na hindi ito ordinaryong tao lamang. Matalino ito at higit sa lahat ay kayang-kaya nitong magpa
BLYTHE JULIANNA…Napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Inipon niya ang natirang lakas at habang may katinuan pa siya at itinulak si Luke. At dahil hindi iyon inaasahan ng binate ay wala na itong nagawa ng itulak niya ito palayo.“May misyon ako noong nakaraang araw. Iyon ang araw na dinala niyo si Leon sa hospital. At dahil tumawag si Lea at alam ko na tungkol kay Leon ang itinawag nito ay hindi na ako nag-isip pa na mapahamak. Sinagot ko ang tawag at tamang-tama naman na may kalaban kaya natamaan ako sa tiyan,” mahabang salaysay ng lalaki sa kaniya.Nakaramdam siya ng pang-uusig ng konsensya ng marinig ang sinabi nito. Siya ang nag-utos kay Lea na tawagan ito kaya siya ang dahilan kung bakit ito nabaril.“Misyon? Hindi ba at head ka na? Bakit nasa misyon ka pa?” nakataas ang kilay na tanong niya rito para pagtakpan ang guilt na nararamdaman. Nagbuga ito ng hangin at napatingin sa kawalan.“Ganon talaga ang buhay, Ace. Hindi porke’t mataas n
BLYTHE JULIANNA…“Damn! That’s enough, Julianna!” parang nahihirapan ang boses na utos sa kaniya ni Luke. Dali-dali niyang tinapos habang nanginginig ang mga kamay na tinakpan ng malinis at bagong gasa ang sugat ng lalaki.Hindi niya kasi naiwasan na masanggi ng kaniyang kamay ang bukol sa gitna ng mga hita ni Luke na agad na ikinamura ng huli. Dahil na rin siguro sa halo-halong nararamdaman ay hindi niya na namalayan kung saan sumanggi ang kaniyang kamay at nataon pa talaga na sa bukol ng lalaki.“I’m sorry!” nahihiya na paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi ito sumagot ngunit nakita niya ang paglambot ng mukha ng lalaki ng tumingin sa kaniya. Pagkatapos malinis ang sugat ni Luke ay pumasok siya sa banyo at nag-lock ng pinto. Isinandig niya ang kaniyang likod sa malamig na tiles at napatingala sa kisame.“Fvck! Ano bai tong ginagawa ko? Hindi dapat ako nagpapakita ng karupokan ko sa lalaking ito dahil walang kasingsama ng ugali nito,” lihim na kastigo niya sa kaniyang sarili habang n
BLYTE JULIANNA…“Demonyo ka! Walang puso!” nangangalaiti sa galit na mura niya sa binata.“Yes, I am Ace!”Nanggigil siya sa sagot ng lalaki sa kaniya at mas lalo pang nag-init ang kaniyang ulo na hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na tawirin ang pagitan nilang dalawa at walang pag-alinlangan na sinuntok sa tiyan si Luke.“Fvck!” malutong na mura nito ng maramdaman ang sakit mula sa kaniyang kamao.“You deserve it asshole!” gigil na sabi niya sa lalaki na hawak-hawak pa rin ang tiyan na nasaktan. Tinalikuran niya din ito pagkatapos at bumalik sa kama ng kanilang anak. Hindi niya na nakita pa ang matalim na tingin sa kaniya ni Luke at kahit siguro makita niya ito ay wala pa rin naman siyang pakialam.“Damn it!” narinig niyang muli ang pagmumura nito kaya nilingon niya na ang lalaki at ganon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita na may dugo sa damit nito sa bandang tinamaan ng kaniyang kamao.Hindi na siya nag-isip pa ng kung ano-ano. Tinawid niyang muli ang pagitan
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng sagutan nilang dalawa ni Luke ay inihatid siya nito sa rancho ng kaniyang abuelo. Wala na siyang lakas para makipag-away dito kaya nagpatianod na lamang siya ng ihatid siya ng lalaki.Nanghihina siya sa kondisyon nito para makuha ang anak ngunit hindi siya susuko ng ganon-ganon na lang. Para kay Leon ay gagawin niya ang lahat para makasama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na siya. Kung paano nangyari iyon ay kailangan niyang alamin, kaya naman pagdating niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaniyang ina para alamin ang lahat.“Ace, anak?” bungad ng ina sa kaniya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.“Nay!”“Yes anak, it’s me. Kamusta ka na diyan? Bakit ka napatawag, anak?”“Paano ako nagkaroon ng anak nay? Ano ang mga nangyari ng wala akong malay sa hospital? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Bakit walang may nagsabi sa akin na nagka-anak na pala ako? Bakit niyo inili
BLYTHE JULIANNA…“Because Leon is yours, Julianna. Leon is our son!”Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang drum ng malamig na tubig sa kaniyang narinig. Ilang segundo siyang hindi nakahuma at natulos lamang sa kaniyang kinauupoan.Pati yata ang kaniyang utak ay namanhid ng mga oras na iyon. Alam niya sa kaniyang sarili na may kakaibang nararamdaman na siya kay Leon ngunit ang kumpirmahin ni Luke mismo ang kaniyang hinala ay kakaiba ang dating sa kaniya.Mas masahol pa ito sa tunog ng bomb ana sumabog. Nararamdaman niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan at kahit anong lunok niya ng laway ay wala siyang malunok ng mga oras na iyon.“Julianna? Are you okay? I’m sorry kung sa ganitong pagkakataon ko sinabi sayo ang lahat,” narinig niyang sabi ni Luke sa kaniya. Doon niya lang din napansin na tumigil pala ang sasakyan na sinasakyan nila at ng ilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ay napagtanto niya na nasa masukal na bahagi sila ng daan.“Baby?” tawag ulit sa kaniya ni Luke. At d
BLYTHE JULIANNA…“Sweetheart? Are you inside? Naririnig ko ang boses mo diyan sa loob. Who are you talking, Luke?” pareho silang natigilan ng lalaki ng marinig ang boses ng babae nito na nasa labas ng silid na kinaroroonan nila.“Damn it!” malutong na mura ni Luke at naihilamos ang palad sa mukha. Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib at taas ang kilay na tinapunan ng tingin si Luke.“Mukhang problemado ka sa fiancée mo Muller!” puno ng pang-uuyam na sabi niya sa lalaki.“You don’t know what you are talking, Julianna!” matigas na sagot ng lalaki sa kaniya.“Really? Well…, hindi iyan ang nakikita ko sayo Muller,” dagdag niya pa ngunit agad ding natigilan ng inilang hakbang lamang ni Luke ang pagitan nilang dalawa. Nakorner siya ng lalaki at hindi agad nakahuma ng ikulong siya ni Luke gamit ang dalawang braso nito. Halos magdikit na din ang kanilang mga mukha ni Luke dahil sa sobrang lapit nito.Naaamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki na kung hindi niya napigilan ang k
BLYTHE JULIANNA…“No! she didn’t kidnap my son, Inid. Nagpaalam siya sa akin ng kunin niya si Leon sa bahay, nagulat siya at napaawang ang kaniyang lab isa sinabi ni Luke. Ipinagtanggol siya nito mula sa babae at aaminin niya na hindi niya inaasahan ang bagay na iyon na gagawin ng lalaki sa kaniya.Nagsalubong ang kilay ng babae ng marinig ang sinabi ni Luke. Kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa lalaki. Lihim na tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya alam kung ano ang trio ni Luke sa buhay ng sabihin iyon sa babae.“What? Ipinaglatiwala mo sa kaniya ang anak natin? Bakit, Luke? Sino ba siya? Huh?” bulalas ng babae sa lalaki. Lihim siyang nagulat ng marinig ang sinabi nito na anak nito si Leon. Parang may kung anon a bumara sa kaniyang lalamunan ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay parang may matalim na bagay na tumarak sa kaniyang puso sa narinig.No! Ayaw niyang tanggapin na ang babae ang in ani Leon. Hindi niya matanggap! Lihim niyang naikuyom ang k
BLYTHE JULIANNA…Napag-alaman niya na may karamdaman si Leon at iyon ay ang mahina ang puso nito. May mga pagkakataon daw talaga na dumarating sa bata na bigla na lamang ito nangingisay at nagkulay-ube ang labi.Ayon din sa tumingin dito na doctor ay kailangan ng heart transplant ni Leon ngunit dahil sae dad nito ay ayaw pa ng ama dahil isang malaking risk para sa bata. Masyado pang mahina ang katawan ni Leon para sa transplant at baka hindi kakayanin ng katawan ng bata.Inilipat ito sa isang pribadong silid at siya mismo ang nagbabantay kay Leon. Naaawa siya sa sinapit at mga pinagdadadaan nito. Masyado pa itong bata para makaranas ng ganitong sakit.Umalis muna si Lea at Susan para umuwi. Inutosa niya ang dalawa na kumuha ng mga gamitb nila para may magamit siya habang nagbabantay kay Leon. Naupo siya sa tabi ng kama nito at buong ingat na ginanap ang maliit na kamay ng bata.“You are very strong, honey. Alam ko na lumalaban ka sa buhay and because of that ay napahanga mo ako. Hmmmm