LILURA ÁSVALDR ODESSA ISANG LINGGO MATAPOS ang mission ni Ashen Veil, kumuha naman ako ng bagong trabaho. Pagpasok ko sa loob napansin ko na hindi napapakali ang panganay sa Lambrix. Hindi ko ito pinansin at pumasok ako sa opisina ni Kohen, nilingon ko pa si Ashen hindi naman ako nakikita nito dahil tinted ang salamin. “Anong problema niya?” Tanong ko kay Kohen at umupo ako sa harapan nito. “Palagay daw niya na buhay pa ang target niya..” sagot nito na kina taas ng isang kilay ko. “Yun lang.. problema ‘yan..” sagot ko. “Asan na ang trabaho ko?” Tanong ko dito, nilatag ko ang kamay ko. Agad nitong tinulak ang isang papel. “Pumunta ka sa isang auction, hindi ko maasahan si Lilith na gawin may sariling desisyon ang isang ‘yun..” wika nito na kina iling ko. Tumango na lang ako at nag salita. “Ako na nito, mauna na ako kailangan ko pa aralin ito..” sagot ko at tumalikod na ako. “Oo nga pala wag mo kalimutan, bukas kailangan nandito ka sabay sabay tayo pupunta sa Underground
Terakhir Diperbarui : 2025-03-10 Baca selengkapnya