Ramdam ko yung pag mamadali mo Lura hahah! Andito na pala yung mga Lambrix at POV pa ng panganay! Miss Briannah! Character mo!! Hehe
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kahit expected ko na ang pag punta ni Sir Val dito sa bahay, hindi ko parin maiwasan hindi kabahan. Napa lingon ako ng may kumatok kaya tumayo na ako, “Sandali..” sagot ko at nag lakad na ako patungo sa pinto at binuksan ko ang pinto. Pag bukas ko, “Hi.. can i come in?” Bungad nito. “Bakit ka pa pumunta dito pauwi narin naman ako..” tanong ko dito at nilawakan ko ang bukas ng pinto saka ako nag lakad na palayo. “Alam ko pero mas gusto ko na ako na susundo sayo..” sagot nito naramdam ko na naka pasok na ito hanggang hilahin ako nito at biglang yakapin. “Huy!” Agad kong tinulak dito pero lalo lang humigpit ang yakap nito. Naka subsob ang mukha ko sa dibdib nito kaya tinagilid ko ang ulo at nahihirapan na ako huminga. “Sorry sa ginawa ni Summer.. that photo noong panahon na kami pa, matagal na ‘yun alam ko naman na pareho tayong nag aadjust. And hindi ko gagawin yun sayo..” mahinahon na paliwanag nito. Napa higit ako ng hininga ng yumakap pa ito ng ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Gusto ko hanapin mo ang taong ito, at ang babaeng ito kung sino ang mga ito..” utos ko sa Private investigator ko na siyang inuutusan ko. Ang unang inutusan ko ang talagang kikitain ko sa Russia hindi tungkol sa business ang dahilan bakit ako aalis ng bansa. May mahalaga na ipapakita sakin ang taong inutusan ko. “Masusunod po Sir bago kayo makabalik ng Pilipinas ay kumpleto na ito.” Sagot nito kaya tumango ako. Tumango ako at nag paalam na rin ito. “Naghihinala ka pa rin ba sa asawa mo?” Tanong ni Nevan. “Paano ako hindi naghihinala, nakita ko ito sa bahay nila..” sagot ko at pinakita ko sa kanya ang nakuha kong litrato. Kinuha ng kaibigan ko ang cellphone ko at pinagmasdan maigi. “This girl, is look like Lilura pare! Mas lalo kapag inimagine mo na kulay dark brown ang mata niya o black..” wika nito. Nag salubong ang kilay ko. “Totoo ba? Hindi ko nakikita, patingin ulit!” Sagot ko at agad niyo binalik sa akin. Pina-titigan ko ang litrato at
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Mag iingat ka dito ha? Huwag ka na muna sumama kay Uncle sa mga kampanya niya patapos na rin naman..” bilin sa akin ni Sir Val. Tumango naman ako at nilingon ko ang oras. “Umalis ka na malapit na oras ng flight mo baka ma late ka pa..” utos ko dito. “Hindi talaga ako sasama kasi nakaka hiya wala ka doon..” sagot ko dito na kina tawa nito. “Sige na mag ingat ka parin.. alis na ako tatawag ako kapag andun na ako..” paalam nito at humalik ito sa gilid ng labi ko na hinayaan ko na lang. “Ingat kayo at ikaw din!” Kumaway ako at nakita kong pumasok na ito sa kanyang sasakyan. Ihahatid sila ni Orville sa airport at babalik naman dito si Orville after niyang maihatid. Kasama ni Sir Val si Mang Gaston at ang secretary nitong babae at lalaki. Alas otso ng umaga ang flight niya at 6am ito kailangan lumabas para pag dating doon sa airport ay diretso na sila. Nang maka layo sila ay pumasok na rin ako sa loob upang mag handa ng agahan. Pinag luto ko naman
LILURA ÁSVALDR ODESSA Napansin ko habang tinuturuan si Ashen Veil ni Boss Lance. Naka distansya si Boss Lance, hindi ko alam bakit pero sa nakikita ko ngayon ni balat ni Boss Lance hindi lumalapat sa balat ni Ashen. “Napansin mo ba, hindi dumidikit si Boss Lance..” bulong ni Mordred. Nilingon ko ito saglit. “Napansin mo din pala.. siguro dahil babae ang tinuturuan niya at marunong sila dumistansya kapag babae ang nasa harap nila..” paliwanag kong sagot dito na kina tango nito.. “Mabigat masyado ang isang ito, baka hindi ko kayanin ito pero pwede ko ba subukan?” Magalang itong mag tanong siguro ilang ito kay Boss Lance. Kahit matapang ang panganay ng mga Lambrix kailangan pa rin nila maging maingat dahil ang kaharap nito at isa din kilalang mamatay tao. At kanang kamay pa ng amo namin. “Yeah sure..” maikli na sagot ni Boss Lance. Napa tingala ako ng makita ko na nag kulay pula ang buong paligid. “Ano meron?” Tanong ko bigla at napa deretso ako ng tayo. “Pahiram ako ng
LILURA ÁSVALDR ODESSA HINDI AKO UMUWI SA MANSION ngunit tumawag ako para ipaalam kung bakit. Nag message naman ako kay Sir Val para ipag paalam din dito bakit ako hindi na muna makaka uwi. Lahat kami pinatawag ni Boss Lance, nahuli lang ako dahil hindi naman ako kasama sa tuturuan. Nakita ko ang magiging location ng magaganap na bentahan o palitan ng kung ano, ito ang mission ni Ashen Veil. Naka suot ako ng sun glasses kasama ang mask ko, naka tayo ako sa gilid ng bangin sa gitna nito ang napaka habang daanan ng tubig. Sa bandang kaliwa ko ay ang nag sisilbing falls o talon na tinatawag ng mga Filipino. Pinag masdan ko ang paligid napansin ko ang lakas ng hangin sa gawing kanan. Kung sniper ka, paano mo malulusutan ang ganitong klaseng hangin. Sigurado ako na mas mahangin, “Huy.. may problema ba?” Tanong ni Kohen. “Naisip ko lang kung dito pu-pwesto si Ashen kaya ba niya patamaan ang target niya?” Mahina kong tanong. “Bakit?” Tanong ulit nito. “Malakas ang impact ng h
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Mabuti at umuwi kana, kumusta okay na ba ang lugar ninyo?” Tanong ni Donya Aurelia. Bumuntong hininga ako at humalik ako sa pisngi ng inlaws ko. “Hindi pa po, umuwi lang po talaga ako kailangan ko din po bumalik. Nag lagay na rin po ng security sa buong barangay..” kwento ko at umupo ako. “Mabuti at kasama mo si Orville, sige unahin mo muna ‘yan basta mag sasabi ka parin kay Val mag aalala ‘yun..” paalala nito. Ngumiti ako. “Opo..” sagot ko dito. “Mag pahinga kana kuna bago ka umalis ulit..” naka ngiting paalala sa akin ni Donya Aurelia. Tumango ako at nag paalam ako na aakyat muna sa taas. Hindi pa tumatawag si Sir Val sakin, pero mas okay na ‘yun kasi minsan parang nakaka ilang sa side ko kausap ang isang yun ang hirap kasi gumalaw kailangan maingat ka. RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ito na ba ang sinasabi mong bahay na pinag trabahuan ng asawa ko?” Tanong ko sa taong inutusan. “Yes sir, pero sinabi na wala naman daw pong pamilya dyan na na
LILURA ÁSVALDR ODESSA ISANG LINGGO MATAPOS ang mission ni Ashen Veil, kumuha naman ako ng bagong trabaho. Pagpasok ko sa loob napansin ko na hindi napapakali ang panganay sa Lambrix. Hindi ko ito pinansin at pumasok ako sa opisina ni Kohen, nilingon ko pa si Ashen hindi naman ako nakikita nito dahil tinted ang salamin. “Anong problema niya?” Tanong ko kay Kohen at umupo ako sa harapan nito. “Palagay daw niya na buhay pa ang target niya..” sagot nito na kina taas ng isang kilay ko. “Yun lang.. problema ‘yan..” sagot ko. “Asan na ang trabaho ko?” Tanong ko dito, nilatag ko ang kamay ko. Agad nitong tinulak ang isang papel. “Pumunta ka sa isang auction, hindi ko maasahan si Lilith na gawin may sariling desisyon ang isang ‘yun..” wika nito na kina iling ko. Tumango na lang ako at nag salita. “Ako na nito, mauna na ako kailangan ko pa aralin ito..” sagot ko at tumalikod na ako. “Oo nga pala wag mo kalimutan, bukas kailangan nandito ka sabay sabay tayo pupunta sa Underground
LILURA ÁSVALDR ODESSA “Sino yung lalaking tinutukoy mo, na pinag susuntok ka na lang bigla?” Tanong ni Kohen ginagamot nito ang mga pasa ko at pumutok kong labi. “Ako daw ang dahilan ng ewan ko.. hindi ko naman kilala ‘yun saka kailan ba ako nag trabaho ng hindi malinis?” Tanong ko dito. “Mag handa kana pupunta na tayo sa DCN..” utos nito matapos nito akong gamutin. Tumayo na ito at hindi na ako kumibo nagawa ko pang paulit ulit nguma-nga para maunat ang panga ko. Inayos ko ang gamit ko at naka lugay pa ang buhok ko dahil inalis ko ang mask ko din kanina at ang suot ko. Naramdaman ko na may papasok kaya agad kong sinuot ang mask ko. “Kumusta ang mission, Ásvaldr?” Tanong ni Mordred. “Hindi ka ba nag kamali o nabigo sa misyon mo, Ásvaldr?” Tanong ni Ashen Veil. Tumingala ako at nilagay ko ang contact lenses ko, “Sa pag kakatanda ko, wala pa..” sagot ko dito. Saka ako humarap sa kanilang lahat. Kinuha ko ang jacket ko na sinampay ko lang ibabaw ng motor ni Kohen, sinuot
THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO ONE WEEK NA ANG LUMIPAS ngunit kahit anong gawin ko. Hindi ko makita ang asawa ko, ito na rin ang libing ni Uncle at Summer. Pinag sabay sila, until now hindi namin alam sino ang pumatay kay Summer. At unti-unti na namin naiintindihan ang lahat ng nanyari, kumalas na para tilang apoy ang baho ni Uncle at ng ka partido nito lahat ng kanilang ginawa. Hindi ako ma-panghihinaan ng loob alam ko nasa paligid lang ang asawa ko, hahanapin ko siya kahit gaano pa katagal. Kahit gusto ko ikanta ang asawa ko sa mga nakita ko ng gabi ng event hindi ko ito nagawa. Gusto ko siyang protektahan kahit sa ganitong bagay lang, alam ko wala akong nagawa para tulungan siya ng kasama ko pa si Lilura kaya ito na lang ang magagawa ko. Tama si Flame sa mga sinabi niya sa hospital, kailangan ko mamili kung ang asawa ko ba o ang malalaman ko. Ayoko makulong ang asawa ko.. “Anak umuwi na tayo..” nagising ako sa pag iisip ng mag salita si mommy. “Mauna na po kayo..” sagot ko a
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO “Ano sabi mo? Wala na ang ina ng asawa ko sa hospital?” Tanong ko kay Theo. “Opo sir, wala na po kanina pa pong madaling araw inilabas ang ina ni Ma’am Lilura..” sagot ng tao ko. “Anak ano ba nangyayari?” Tanong ni mommy. Hindi ko alam kung dapat ko na ba sabihin sa kanya ang natuklasan ko sa asawa ko. “Theo, huwag kang titigil gawin mo ang lahat ng paraan para mahanap ang asawa ko!” Utos ko dito sa kabilang linya. Kahit alam ko na imposible dahil protektado ito ng mga mafia. Kailangan ko subukan hanapin pa rin ito, isa pa hindi ito lalayo dahil malubha ang lagay ni Mama Nathalie kaya imposible na mailayo niya ito ng husto. “Anak?! Ano ba nangyayari?!” Tanong ni Mommy muli. “Ito lang po muna ang sasabihin ko gusto ko pa ma-kumpirma ang lahat bago ko sabihin sainyo ang alam ko.” Maka hulugan kong wika. Nag katinginan ang ama ko hahang si Via naman ay nanatiling nakatayo at tila walang pakialam. Alam ko na may alam siya, tauhan siya ni Flame,
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Habang buhat ko ang asawang babae ni Mr. Forbes bigla na lang may malakas na tunog mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko ang mukha ng pinaka kinatatakutan na ng mga kriminal. Bakit siya nandito? “Siya si Flame Lavistre!” Sigaw ng isa sa mga bisita. Tama siya si Flame nakatayo lang ito at naka tingin sa aming lahat. Naka pamulsa lang ito at tila diyos na nakatingin sa amin. “Ikaw ba ang lumason sa mga tao dito?!” Tanong ni Dad agad kong binaba si Tita at agad kong sinundan si Dad. “Huwag kayong lalapit ako na..” wika ko kay mommy at nag lakad na ako para sundan si Dad. Sa isang iglap ang kasiyahan namin ay nagbago dahil sa mga pagkalason ng mga constituents ni Uncle. “Inutos ko, yeah ako..” pag amin nito. Napa atras kami ni Dad ng biglang nag labasan ang mga tauhan nito at agad humarang sa daan. Mas nagulat ako dahil ang mga waiter kanina ay tauhan din nito. May dalawang tao ang tumabi kay Flame sa itaas. Napansin ko ang suot na sing-s