"Craig, take another day off anak. Hindi ka pa nga nakakapagpahinga ng maayos, magtatrabaho ka na!" Boses na umalingawngaw sa kusina. Paano ay pagkababa ni Mrs..Samaniego doon ay nakita na ang anak na kumakain ng breakfast. Pero ang hindi niya nagustuhan ay ang pagmamadali nito sa pagkain. Nakabihis na rin ito at alam niyang sa trabaho ang punta nito. "Two days is enough, Ma. I can't take it anymore. Lalo na ang mga rant ni Lolo sa akin..." reklamo naman ni Craig. Sa loob ng dalawang araw, hindi din naman siya nakapahinga ng maayos dahil sa Lolo niyang ewan niya kung concern ba talaga sa kanya o hindi. "Aba! Tama lang naman na pumasok ka na! Aba'y ikaw ang CEO pero you're slacking!" At nag-umpisa nga ang kanyang lolo. Naiirita na siya sa mga pasaring nito. Kabababa lamang nito mula sa taas ay siya na naman ang nakita. Pinauwi ba siya doon para lamang araw-araw na pangaralan? Tumayo siya. Humigop muna ng kape bago balingan ang matanda. "Good morning, Lo," bati niya ditong ikinais
Last Updated : 2025-02-25 Read more