Home / Romance / Billionaire's Bed Warmer / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Billionaire's Bed Warmer: Chapter 81 - Chapter 90

135 Chapters

Kabanata 81

"Craig...""Max, are you alright?" tanong ni Sergio pero parang hindi siya narinig ni Maxine. "Max..."Bigla na lang itong umalis. Lakad -takbong sinalubong nito si Sharon. Sinundan niya agad ang babae."Sha, si Craig?" Nagtaka si Sergio bakit tinatanong ni Maxine ang lalaki. Si Sharon naman ay biglang napahagulhol. Muntikan mapasalampak, buti na lang at agad na nasalo ito ni Maxine. May hawak-hawak din itong jacket. Jacket na agad na nakikilala ni Maxine. Paborito iyong ginagamit ni Craig kahit saan ito magpunta. May sentimental value ito sa lalake. Kaya alam niya, may nangyaring masama. "Max...na...nawawala si Craig," ika nitong sinabayan ng mas malakas na iyak. Mababakas ang gulantang sa mukha ni Maxine. Agad siyang nag-panic. "Anong nawawala? Sha, hindi magandang biro ito. Huwag kang mang-prank..."Marahas na umiling si Sharon. Doon na labis na dinagundong ng malakas na kaba at nilukuban ng matinding takot ang sistema ni Maxine. Hindi pa naman steady ang kalagayan ni Craig. "
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more

Kabanata 82

"Let's head back. Padilim na ang paligid. Let the rescue team take care of it. Where are they anyway?" tanong ni Sergio. Sinipat niya ang sapatos. There's no sign of blood or anything kaya magandang senyales iyon. "Parating na Boss," sumagot si Eleoreph na siyang kasama ng nakakita sa sapatos. Halos nagkumpulan sila roon nang malaman na may nahanap. "Are we all here? If so, let's go. Max..."Lumingon si Sergio sa kanyang likuran. Gumuhit ang gitla sa kanyang noo nang hindi makita ang babae roon. Iginala niya ang kanyang tingin. Panic consumes him as he searches for her. Hindi niya ito makita!"Where's Max?" tanong niya sa mga naroon. Maging ang mga ito ay parang nalitong napatingin-tingin. "She's here a while ago," aniya. Nakuyom ang mga kamao dahil sa biglang takbo ng isip niya. Umalis ba ito para hanapin mag-isa si Craig? Hindi nito sinunod ang utos niyang huwag lumayo.Napatakbo siya para hanapin ito sa paligid."Max!" sigaw niya sa pangalan nito. Umalingawngaw iyon sa buong pali
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more

Kabanata 83

"Max..." anas ni Craig. Tumigil naman ito sa sapat na distansiya mula sa kinaroroonan niya. Nagpahid ito ng mga luha. "Okay ka lang ba?" Nanginginig ang boses nitong tanong. Muling humakbang palapit sa kanya habang pinapanood lamang niya ito. Hindi niya maipaliwanag pero parang napawi ang sakit ng kanyang ulo. Biglang na-relax ang pakiramdam niya knowing that Maxine is there. "Ang bobò mo talaga Mr. Samaniego! Ang laki mo na para hayaan ang sarili mo na mawala o mahulog sa bangin," sabi nito kapagdaka.Tumaas ang kilay niya. Is she for real? Concern ba talaga ito sa kanya? Bakit parang ginagalit siya nito ngayon. Bòbo? Kanina lang ay tinawag din siyang tanga. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi dahil sa lumabas sa bibig nito."Tinatanong kita Mr. Samaniego. Okay ka lang ba?" tanong nitong bumaba para sipatin siya.Bobò. Tangá. It's okay. Tawagin siya nito ng ganoon hanggang magsawa ito. He's happy because she was there for him. Hindi niya mapigilan ang biglang pagha
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more

Kabanata 84

Doon pa lang ay binigyan na sila ng mga paunang lunas sa kani-kanilang mga sugat. Pasimpleng sumusulyap si Craig kay Maxine habang ginagamot ito ng isa pang paremedic. Sa tabi nito ay si Sergio na labis ang pag-aasikaso. "Craig...I was really afraid when we lost you..."Narinig naman niya si Sofia pero na kay Maxine pa rin ang buong atensiyon niya. He looked at how she was hurting when they were cleaning her wounds. "Okay na Mr. Samaniego," sabi naman ng paramedic na nakatoka sa kanya. Nalagyan na nito ng splint ang paa niya. "We will carry you to the bottom. Hindi mo na puwedeng ilakad ang paa mo dahil labis na ang pamamaga nito. We need to take you back and send you to the hospital for a series if test," dagdag nito. Nagsalita pa ang gumagamot sa kanya pero muli siyang napasulyap kay Maxine. Tsaka lamang siya napaiwas nang napalingon din si Max sa gawi niya. Saglit din naman na nagkatinginan sila bago talagang umiwas siya. "How about her?" tanong niya sa gumagamot sa kanya. Muk
last updateLast Updated : 2025-03-13
Read more

Kabanata 85

"Don't look at me like that, Max. Wala akong ibig sabihin sa tanong ko," nakangiting saad ng doktora. "I'm just stating what I see..."Tumayo ito habang hindi naman mapakali si Maxine dahil sa sinabi ng doktora."Tapos na tayo," aniya nito. Inayos na ang gamit. Napatingin si Maxine sa kanyang kamay. She bandages it really like a pro. Marami kasi siyang gasgas dahil sa mga talahib at mga puno nang sinuong niya ang masukal na daan nang marinig ang sigaw ni Craig. Sa pagkukumahog niya ay hindi na niya inalintana masugat man siya."By the way. Do you want to have a drink with me when we get back?""Huh?" Tanging naging reaction ni Maxine. Paano ay alam naman nitong allergy siya sa alak kaya bakit siya inaaya nito. Nakalimutan ba nito iyon?Natawa naman ito nang ma-realize iyon. "Ay oo nga pala. May allergy ka sa alcohol. Pero kahit na hindi ka uminom. Kahit juice lang. Gusto ko lang may makasama talaga at makausap. It's been a while na rin since I go out with a friend."Ngumiti siya. Mu
last updateLast Updated : 2025-03-14
Read more

Kabanata 86

"This what you are looking right?"Nanlaki ang mga mata ni Yvonne nang makita ang nakalahad sa kamay ni Maxine. Pinamulahan siya ng mukha at biglang nakaramdam ng hiya nang ilagay nito iyon sa kanyang kamay. Lalo na noong tumalikod na muli ito sa kama at inalis ang bed sheet na tumatabing doon."Wala ka bang dala?" tanong nito.Gusto niyang matawa nang bumaba ang tingin niya sa sanitary napkin na hawak."Sorry about that. Hindi ko sinasadya," sabi niya nang humarap na itong muli sa kanya.Nakangiti rin si Maxine habang hawak na ang bedsheet na may kaunting bahid ng dugo. "I'll tell the staff na palitan ang bedsheet ng bago. Use my bed. Magtabi na lang kami ni Sharon sa isang kama.""Thank you," nasabi na lamang ni Yvonne. Nahihiya dahil sa pagkakatagos sa bedsheet. Pero lihim din naman siyang nagpasalamat dahil nailigtas pa siya dahil doon."Alis na ako," paalam na muli ni Max sa kanya. Pero bago tuluyang umalis ay muli siyang binalingan nito. "Yvonne, I am trusting you. Tinuturing
last updateLast Updated : 2025-03-15
Read more

Kabanata 87

NIGHTINGALE CLUBMag-isa lamang ni Maxine nang pumasok sa club na ginanapan ng birthday party ng kanyang katrabaho. Late na rin siya dahil nag-decide pa siya kung dadalo o hindi, lalo at hindi naman makakasama sa kanya si Sharon dahil sa naunang commitment nito. Hindi rin nakasama si Yvonne dahil may emergency ito sa kanyang asawa. Siya tuloy ay naatasang dumalo lalo na at nag-uumpisa pa lamamg siyang makasalamuha ang mga empleyadong dati ay iwas at ayaw sa kaniya. Inabot pa siya ng halos oras bago makapagdesisyon na pupunta. Alas nuwebe na yata nang makarating siya sa club.She just wore simple clothes that fit to the occasion. Dahil club iyon ay nagsuot lamang siya ng simpleng black skirt at red crop top na pinatungan niya ng leather jacket. Pagkapasok niya ay nakuha niya agad ang attention ng ibang naroroon na hindi naman niya binigyan ng pansin. Naging abala ang mga mata niya para hanapin ang mga kasamang kasalukuyan na nagsasaya na.Nang ma-spot-an siya ng mga ito ay agad siyang
last updateLast Updated : 2025-03-16
Read more

Kabanata 88

Warning: SPG. Read at your own risk!"Thank you dahil pinagbigyan mo ako, Craig," malambing na saad ni Sofia. Kasalukuyan siyang naghahanda ng makakain nila. Though it was a take out dahil wala na siyang sapat na oras para makapagluto pa. Naghanda siya ng plato para sa kanilang dalawa at inilagay sa mga lalagyan ang pagkain. Hindi naman nagsalita si Craig. Tahimik siyang naupo sa table at hinintay ang babae na maihanda ang lahat."Midnight dinner is served," sabi nitong nakangiti.He digs in. Mamaya na niya ito kakausapin para hindi masira ang kanilang pagkain. Kahit na wala siyang gana ay pinilit pa rin niyang sabayan ito. Just to pleasure her. Huling magagawa niya para dito.Magana at masayang kumain si Sofia. Palakuwento ito ng kung ano-ano. Unusual to him dahil alam naman niyang nase-sense nito ang pagiging cold niya dito. May maganda bang nangyayari kaya masaya ito?"Craig..." Ginagap nito ang kamay niya. "I need to tell you something..."Naputol ang pagsasalita ni Sofia nang
last updateLast Updated : 2025-03-17
Read more

Kabanata 89

Ibinato ni Craig ang telepono ni Sofia pagkatapos niyang malaman ang eksaktong kinaroroonan ni Maxine. "Leave her or else, hindi mo na makikita pa ang araw kinabukasan!" banta niyang muli sa lalaki. Hindi naman alam ni Evan ang gagawin. Pero sa tono pa lang ng lalaking kausap ay para ngang manganganib siya. At ayaw niyang ipagsapalaran ang sarili. May pangarap pa siyang gustong matupad. Ayaw niyang makulong o kaya ay mapatay ng kung sino. Matapang lang siya dahil hindi pa siya nabibisto pero ibang usapan na ngayon. Mukhang malaking tao rin ang kausap niya at ayaw niyang banggain iyon. Tutal ay nakuha naman na niya ang bayad kaya tatakas ba lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni Evan. Ni hindi niya nilingon ang babaeng nakahiga pa rin sa kama. Kinuha lamang niya ang nagkalat na damit at nagkukumahog ng umalis. Ni hindi niya nagawang isara ang pinto dahil sa pagmamadali. Samantala, labis-labis ang kaba sa dibdib ni Sofia. Hindi siya makatingin ng diretso sa lalaki. Pinilit niyang iw
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 90

WARNING:SPG/ READ AT YOUR OWN RISKThe kiss was deepened. Parang hindi makahinga si Craig dahil sa halo-halong emosyon na bumabalot sa sistema niya. Hindi na siya makapagpigil pa ng sarili. He's been longing her for a while at nabigyan siya ng pagkakataon para isakatuparan iyon.Her urges make him more lùstful. Ang pagnanasa na nararamdaman niya ay umigting nang halos ito na kumilos upang mahubad ang damit niya. Wanting more then kissing.Habang naiisip iyon ay umigting ang mga panga niya knowing na baka kung hindi niya nahuli sila Sofia ay baka sa iba nagpaubaya si Maxine. Sa kabila ng pagnanasa ay naroon pa rin ang pagpupuyos ng galit dahil sa kamuntikan nitong pagkakapahamak.Dahil sa isiping iyon ay nagalit siya lalo. Pero ang galit na iyon ay naging paraan para lalong gustuhin niyang muling maangkin si Maxine. Muli niyang pinahiga si Maxine. Sa pagkakataong iyon ay nasa ibabaw na siya. From her lips, bumaba ang mga labi niya sa leeg nito. "Oh...." impit na ungol nito. Napaliyad
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more
PREV
1
...
7891011
...
14
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status