Nami Ashantelle Santiago’s POVAng aga-aga, pero heto ako sa kusina. Kagaya ng nakasanayan, nagluluto ng almusal para sa asawa kong si Luigi—ang lalaking hindi yata naimbento ang salitang “salamat” sa bokabularyo niya. For three years, consistent ako sa routine na ‘to. Ang sabi kasi nila, “The way to a man’s heart is through his stomach.” Eh si Luigi yata, walang puso, kaya hindi tumatalab. Pinirito ko ang bacon, nag-scramble ng eggs, at ginisa ang fried rice. Para akong nasa sariling cooking show, kulang na lang ay background music. Nilagay ko lahat sa plato, tapos inayos ang table. Nilagyan ko rin ng fresh orange juice para magmukhang sosyal. Kahit mukha akong nerd, Luigi can’t say I’m a useless wife. Maalaga kaya ako.“Kailangan perfect ‘to, Nami. Third anniversary niyo ngayon. Kailangan kahit papaano, matuwa ang asawa mo!” sabi ko sa sarili habang inaayos ang platito. Pero after ilang segundo, natawa na lang ako. “Third anniversary, pero parang ako lang naman ang excited at masa
Huling Na-update : 2024-11-27 Magbasa pa