Ayaw ni Evan na magkaroon ng maling pagkaunawa si Lindsey Greece na siyang pinakakilalang malapit na babae kay Kevin. Bukod pa doon, hindi niya rin gusto ang magdulot ng kahit anong abala sa lalaki. Mabilis siyang tumuro sa pinto at nagwika rito, "Salamat, pero magpapalit na lang ako ng damit sa sasakyan.” "No, I won't take the risk of someone peeking over you. Sa kwarto ka magpalit." Tumingin sa kanya si Kevin, tila isa siyang batang makulit na kailangan pang pagsabihan. Inulit niya ang kanyang sinabi. "Isa pa, malakas ang air conditioning dito, kung lalabas ka ng basa ang damit, paano kung magkasakit ka? Ashton wouldn't surely like it." Kahit pa para suklian ang utang na loob o dahil sa ibang dahilan, kitang-kita ang pag-aalala niya para kay Evan. Dahil dito, nawala ang lungkot sa puso ni Evan. Tahimik siyang tumango at naglakad papunta sa kwarto dala ang polo. Ilang sandali lang, lumabas na siyang nakabihis. Matangkad at payat si Kevin, kaya maluwag at mahaba ang polo
Last Updated : 2025-01-18 Read more