Share

Chapter 73

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-16 23:27:10
"Ang sinabi ni Evan ay totoo."

Mahigpit na pinagdikit ni Kenneth ang kanyang mga labi, at ang maskara ng pagiging magalang na ginoo ay tuluyang nawala. Tinitigan niya ng madilim ang mga litrato na nagkalat sa mesa.

"Lola, gagawa ako ng paraan para masolusyunan ito. Ayokong makipagdivorce kay Evan."

"Ikaw na ang nagkaanak sa iba, at ngayon ikaw pa ang may ayaw na makipaghiwalay? Hindi ko ganyan pinalaki ang mga apo ko!" Tumataas na ang presyon ng dugo ng matanda habang galit na tumingin kay Maris, na mukhang tuliro at walang masabi.

"Manugang, patawarin mo ako sa pagpapakita ko sa'yo ng ganitong kahiya-hiyang eksena. Hayaan mong ipahatid na kita sa driver pabalik sa inyong bahay."

Walang imik na tumango si Maris at sumama sa katulong palabas. Bago siya lumabas, tumingin siya kay Kenneth nang may komplikadong damdamin.

"Mula pa noon, matigas na ang ulo ni Evan, pero na ganoon, malambot naman ang puso niya. Hindi ko akalaing gagawin mo sa kaniya ang ganito. Mali pala ang pa
Bab Terkunci
Lanjutkan Membaca di GoodNovel
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 74

    Sa harap ng bagong fiancée niya, puno ng banayad na ngiti ang boses ni Kevin habang tinitingnan siya ng may malalim na interes dito. Kahit malakas ang kabog ng puso ni Evan, pilit niyang pinakalma ang sarili. Saglit siyang tumingin kay Kevin bago mahinahong sumagot: "Bernard Paranal. Meron akong file niya mula noong apat na taon na ang nakalipas." Samantala, napuno ng lungkot ang tahanan ng pamilya Villaflor. Si Ginang Villaflor, na palaging hindi maikubli ang kanyang mga alalahanin, ay hindi na nakapaghintay at sinabi agad kay Anthony Villaflor ang kanyang kinatatakutang hinala. "Mahal, sana mali lang ang iniisip ko pero matagal na akong kinakabahan. Hindi na bata si Ella, at ni minsan, hindi ko narinig na nagkwento siya tungkol sa ibang lalaki. Para bang may mali sa mas pagkakahawig nila ni Cheska..." "Pinaglalaruan ka lang ng isip mo," sagot ni Anthony habang iniinom ang isang baso ng alak. Mabigat ang kanyang ekspresyon. "Kung tama ang sinasabi mo, sa tingin mo ba mak

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-16
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 75

    Bago pa niya maisip kung saan napunta ang kanyang piring, biglang dumapo ang manipis at mahahabang daliri ng lalaki sa kanyang mga labi. May bahagyang pwersa ito kaya ang pakiramdam niya ay parang mapanukso ito at nakakakiliti. Parang tambol ang tibok ng puso ni Evan. Alam niyang ang ganitong sitwasyon ay maaaring humantong sa hindi inaasahang kaganapan. Nang makita niya ang mapanganib na titig ng lalaki, hindi niya magawang umiwas dito. "Kevin, teka, hayaan mo akong..." Hindi pa siya tapos magsalita ng bahagyang tumindi ang haplos ng mga daliri ng lalaki sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay malayang binawi nito ang kamay saka naman pinalitan ng dahan-dahang paglapit ng sarili. Napalunok muli si Evan. Blangko ang kanyang isip, at hindi niya alam kung saan itutuon ang mga mata, sa matipuno dibdib na lang ba nito dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito o sa kaakit-akit na lang nitong mukha para hindi siya magmukhang bastos. Litong-lito na siya. Lalo namang lumawak ang ngiti

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-18
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 76

    Ayaw ni Evan na magkaroon ng maling pagkaunawa si Lindsey Greece na siyang pinakakilalang malapit na babae kay Kevin. Bukod pa doon, hindi niya rin gusto ang magdulot ng kahit anong abala sa lalaki. Mabilis siyang tumuro sa pinto at nagwika rito, "Salamat, pero magpapalit na lang ako ng damit sa sasakyan.” "No, I won't take the risk of someone peeking over you. Sa kwarto ka magpalit." Tumingin sa kanya si Kevin, tila isa siyang batang makulit na kailangan pang pagsabihan. Inulit niya ang kanyang sinabi. "Isa pa, malakas ang air conditioning dito, kung lalabas ka ng basa ang damit, paano kung magkasakit ka? Ashton wouldn't surely like it." Kahit pa para suklian ang utang na loob o dahil sa ibang dahilan, kitang-kita ang pag-aalala niya para kay Evan. Dahil dito, nawala ang lungkot sa puso ni Evan. Tahimik siyang tumango at naglakad papunta sa kwarto dala ang polo. Ilang sandali lang, lumabas na siyang nakabihis. Matangkad at payat si Kevin, kaya maluwag at mahaba ang polo

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-18
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 77

    Matapos ang hapunan, halata kay Lindsey ang sama ng loob habang tinutulungan siya ni Kevin na ayusin ang mga papeles para sa ookupahin niyang presidential suite. Hindi kasi nito siya pinayagang matulog sa bahay ng lalaki kahit anong pilit niya dito. Yumuko siya nang bahagya at nagtanong, "Fiancée mo ako, bakit hindi mo ako pinapayagang tumira sa bahay mo?" "Si Ashton ay nasa bahay. Makuliy na bata ang anak ko, tiyak na hindi kumportable para sa’yo ang tumira kasama namin," tugon ni Kevin habang walang bakas ng emosyon sa kaniyang mukha. Ang dahilan niya ay tiyak at walang kapintasan. "Tama ka naman," sagot ni Lindsey, tila gumaan ang pakiramdam matapos matiyak na walang kinalaman kay Evan ang rason ng kabiyak. Namula siya pagkalipas ng ilang segundo dahil may biglang naisip. Mahina siyang bumulong kay Kevin, "Alam kong mas konserbatibo ka. Dahil gusto mong maghintay hanggang matapos ang kasal. Don't worry, babe, gagawin ko ang lahat para makibagay sa'yo." Bahagya lang tuman

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-18
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 78

    Napatigil si Evan, bumagsak ang kanyang puso na parang nahulog sa bangin. Bahagya siyang napakagat-labi sa hiya at sinabing ang nakakahiyang katotohanan. "Isa lang ang ipinadala ni Mr. Jaxon. Kung hindi naman kinakailangan, mas mabuting huwag na lang akong sumama sa party. Pasensiya ka na dahil ito lang talaga ang maisusuot ko." Alam niya sa sarili niyang siya'y galing sa simpleng pinagmulan. Kahit gaano pa kaganda o kamahal ang kanyang suot, hindi siya magiging kasing rangal o kasing disente ni Linda. Ngunit nang sabihin iyon ni Kevin nang ganoon ka-diretso, masakit pa rin para sa kanya. Hindi pa rin mabasa sa mukha ni Kevin kung siya'y galit o masaya. Palihim niyang napagdesisyunan na bawasan ang bonus ni Jaxon ngayong buwan. Kinalaunan, inalis ni Kevin ang kanyang coat at maingat na isinuklob ito sa balikat ni Evan. Parang walang nangyari, sinabi niyang, "Malamig ang hangin sa gabi. Ayokong magkasakit ka sa suot mong iyan." Ang malalaking kamay ni Kevin ay bahagyang dumikit

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-18
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 79

    "Wala ka ngang karapatang maging ginanag sa pamilya Huete. Anong silbi ng mga sinasabi mo?"Nagpakalma si Evan, ngunit napansin niyang ang kanilang pagtatalo ay nakakuha ng atensyon ng ilang tao mula sa malayo. Agad siyang nag-isip na umalis at lumayo na lang sa pinagmumulan ng gulo, ang kaniyang kapatid.Pero matigas si Ella dahil sinusundan pa rin siya nito. Libangan ba nito ang pang-aaway?"Sinabi ko nang hihiwalayan ko si Kenneth, ano pa bang gusto mo? Ireto kita sa pamilya? Wala ka bang utak o kakayahan man lang? Ang lahat ng iba pa ay nakasalalay na sa'yo kaya walang silbi ang pagbunton mo ng galit sa akin."Ngumiti si Ella nang nang-uuyam. "Talaga?"Hindi pa natatapos ang kanyang pagsasalita, bigla niyang itinaas ang kamay at tinangkang sampalin ang mukha ni Evan. "Sinampal mo ako tapos ngayon ay gusto mong makalusot? Walang ganoong siste sa mundo! Lahat na ngayon ay may kapalit!"Nagmukhang baliw si Ella habang umaatake, ngunit siyempre, hindi hahayaan ni Evan na saktan siya

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-19
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 80

    Kahit alam ni Evan na ito ang magiging resulta, hindi niya napigilang makaramdam ng lungkot sa kanyang puso nang makita niya ito mismo ng dalawang mata niya.Pinupukol pa siya ng iba't ibang akusasyon kaya ang sama ng loob niya ay mas lalong bumibigat. Para kay Kenneth, tila mas mahalaga si Ella, na malinaw namang sinasadya siyang saktan."Oo," saglit na huminto ang pag-iyak ni Ella, ngunit nanatili ang luha sa kanyang mga mata habang pilit siyang ngumiti nang malungkot. "Plano ko sanang sabihin ito sa iyong kaarawan para sa maging sorpresa sa'yo, pero hindi ko inakalang..."Sorpresa o pagkabigla?Hindi man lang natuwa si Kenneth. Sa halip, tinitigan niya si Ella nang may pagdududa.Bagamat nawalan na siya ng gana kay Ella, naging magkasintahan sila nang maraming taon. Ayaw niya sanang isipin na ang pagbubuntis nito ay may masamang motibo.Nang makita ni Ella ang pag-aalinlangan sa mukha ni Kenneth, nataranta siya. Hinila niya ang malaking kamay ng lalaki at ipinuwesto ito sa kanyang

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-19
  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 81

    Ang boses ng lalaki ay hindi malakas, at ang tono niya ay tila walang pakialam. Ngunit para kay Ella, ang narinig niya ay parang musika mula sa langit dahil pinaniwalaan siya nito. Napangiti siya ng malaki habang may mga luha sa kanyang mga mata."Kenneth, hindi mo alam kung gaano kahalaga ang sinabi mong ito para sa akin. Sobrang saya ko dahil pinapaniwalaan mo ako."Sa di kalayuan, kalmado lamang na tinanggap ni Kevin ang mga mata ng lahat na nakatingin sa kanya. Hindi rin nakalampas sa kaniyang paningin ang eksena kung saan mukhang kaawa-awa si Ella habang humihingi ng tawad kay Kenneth.Hindi kailanman naging mahalaga para kay Kevin ang mga babae, lalo na ang mga tulad ni Ella na hindi niya kayang sayangin kahit isang segundo ng kanyang oras.Ngunit nang mapansin niya ang dugo sa labi ni Evan na hindi pa natutuyo, ngumiti siya ng peke na may halong pagbabanta at nagsalita ng may awtoridad."Tungkol naman sa babaeng nalaglag ang dinadala ngayon lang, isa na itong pangkaraniwang se

    Terakhir Diperbarui : 2025-01-20

Bab terbaru

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 147

    Biglang bumigat ang pakiramdam ni Evan nang marinig ang sinabi ni Stephanie.Noong nakaraang buwan, ang inhibitor na labis niyang kailangan ay sinimulang gawin at pagbutihin sa ibang bansa bago dalhin sa loob ng bansa.Sinabi sa kanya ni Ate Sophie na ang lahat ng gastusin ay sagot ng kanyang lola. Noong una, naniwala siya at iniisip na kaunting injection lang naman iyon. Kaya kahit gaano pa kamahal, hindi aabot sa daan-daang milyon.Pero ngayong pinag-iisipan niya ito nang mas mabuti, naisip niya, Kung walang buong pondo, anong laboratoryo ang gagastos ng ganito kalaki para sa isang produkto na wala namang tiyak na kita sa merkado?Iniwasan ni Kevin ang gulat na tingin ni Evan at ngumiti."Sister-in-law, that's my money. Kung paano ko ito gustong gastusin ay sarili kong desisyon. I don't think I have the responsibility to tell you my personal wealth, right?"Bahagyang nanghina ang balikat ni Stephanie, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kevin. Pero kahit pa pilit niyang itin

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 146

    Bago pa magawa ni Kenneth ang anumang ikagugulat ng lahat, mabilis na inalalayan ni Evan si Chris, ang kanyang malalabong mata ay puno ng matinding galit habang matalim siyang tumitig kay Kenneth."Kenneth!"Huling beses niyang nakita si Evan na ganito katatag ay sa maliit nilang apartment noon.Noong panahong iyon, ginagawa niya ito upang protektahan si Kenneth, pero ngayon, ibang lalaki na ang kanyang pinagtatanggol.Tinitigan siya ni Kenneth, at ang malamig niyang ngiti ay unti-unting naging malupit.Bago pa man siya magsawa sa larong ito, mayroon nang ibang lalaki si Evan?How could he let this happen?He won't let Evan let go from his grasp. Hinding-hindi mangyayari iyon.Habang iniisip ni Kenneth kung paano niya muling makokontrol si Evan, biglang tumunog ang musika na hudyat ng pagtatapos ng pagtitipon.Dahan-dahang nagsimulang maghiwa-hiwalay ang mga bisita. Ang karamihan ay nanatili sa bulwagan, habang ang ilan ay sumakay ng elevator patungo sa meeting room sa 18th floor.Mul

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 145

    Sa engrandeng mid-year party ng Huete Group, lumabas si Evan na napakaganda at elegante sa kanyang mamahaling damit. Mapayapang kasama niya si Christopher Greece, nakayuko paminsan-minsan habang may mahinhing ngiti sa labi. Panaka-naka rin itong nakikipag-usap sa bawat direktor.Marahil upang mas maging bagay sila ni Evan, nagpalit si Chris ng kasuotan na kapareho ng kulay ng kanyang suot. Sa kanyang gwapong mukha, nagniningning ang isang maliwanag at maaliwalas na ngiti sa lalaki. Kitang-kita kung gaano niya ine-enjoy ang sandali habang magkahawak-braso silang naglalakad.Samantala, hindi maipaliwanag ni Kenneth ang nararamdaman niya. Marahil ay nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Evan. Dahil nang una niyang makita ang kanyang payat at eleganteng pigura, napahinto siya nang hindi namamalayan, hindi man lang narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ng mga nasa paligid."Huwag kang mag-alala, pamangkin kong Kenneth, susuportahan ka namin sa eleksyong ito.""Tama! Si Kenneth ay isa

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 144

    "Kenneth, ‘wag mong sisihin ang sarili mo." Saglit na tumigil si Ella bago muling nagsalita ng malambing at masakit na mga salita. "Kung ako man ang unang nagmahal sa'yo, kung natakot akong mawala ka, o kahit ginamit ko ang kamatayan para magkaroon pa ng puwang diyan sa puso mo, lahat ng iyon ay kasalanan ko."Nagdilim ang tingin ni Kenneth. Alam naman niya noon pa ang mga pangamba ni Ella, pero hindi niya ito binigyang pansin.Ngunit ngayong narinig niyang ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang maiwan, hindi niya maitatangging may bahagyang kirot sa puso niya.At sa pagkakataong ito, ang tunay na dahilan kung bakit tinangka ni Ella ang pagpapakamatay, ay walang iba kundi siya mismo. Habang tahimik na nag-iisip si Kenneth, agad na nagpalit ng paksa si Ella. "Ako na ang magpapaliwanag sa mga magulang ko. Sasabihin kong nadulas lang ako habang nagbabalat ng prutas.""Hindi sapat 'yan." Pilit ngumiti si Kenneth, ngunit maya-maya, seryosong nagtanong, "Ella, sabihin mo sa aki

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 143

    Mabilis na hinawakan ng nurse dalaga at malambing na sinabihan ito. "Gwen, bagong pasyente ito. Dito lang siya na-assign sa kwarto mo, kaya tabi ang kama niyo. Hindi siya ang ate mong si Bernardita Paranal."Pagkarinig sa pangalang iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Evan. Sandaling lumiwanag ang kanyang mga mata ngunit unti-unting nagdilim muli.Minsan nang sinabi ng kanyang tiyuhin na ang huling balita tungkol kay Bernard Paranal ay nasa isang mental hospital siya. Pero sa dami ng taong may ganoong pangalan sa mundo, hindi na siya dapat umasa sa ganito kalabong lead."Hindi, ang natutulog sa kama na ito ay si Ate Bernardita!" Matigas ang ulo ng batang si Gwen. Mahigpit niyang hinila ang kumot ni Evan at tumitig sa kanya gamit ang malalaki niyang mata, tila nagtataka. "Ate, bakit hindi mo ako kinakausap?"Napabuntong-hininga ang nurse, tila wala nang balak makipagtalo pa sa isang pasyenteng wala sa sarili. Pinatong niya ang kamay sa balikat ni Gwen at pasimpleng sinabihan ito. "Si

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 142

    Anuman ang mangyari, kasalanan ni Ella kung bakit siya humantong sa ganitong sitwasyon. Tinanggap lang niya ang bunga ng sarili niyang mga ginawa. Wala itong kinalaman kay Evan.Nanginginig ang kamay ni Kenneth habang pinipirmahan ang dokumento ng patient's waiver para sa kritikal na kondisyon ni Ella. Matapos nitong paalisin ang doktor, agad siyang bumaling kay Evan at matalim siyang tinitigan. Ngunit kahit anong pilit niya, wala siyang makita ni bahagyang pagsisisi o pagkabalisa sa mukha nito.Sa sumunod na segundo, gamit ang matinding lakas, hinatak niya si Evan mula sa sahig at itinapon ito nang malakas sa harap ng pintuan ng operating room. Itinutok niya ang daliri sa kanya at galit na galit na sumigaw."Evan! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Malapit nang mamatay si Ella, lumuhod ka ngayon din!"Mabilis na bumangon si Evan, mariing itinuwid ang leeg, at matalim siyang tinitigan. Parang matutulis na kutsilyo ang kanyang tingin na tila tumatarak sa laman ni Kenneth."Kenne

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 141

    "Hoy, parang hindi ka na isang tunay na master ng alahas sa mga sinasabi mo." Hindi alam ni Evan kung matatawa o maiiyak sa sinabi ni Chris. Hindi niya kayang tanggapin ang alok nito. "Baguhan pa lang ako sa industriyang ito. Hindi ko kayang dalhin ang pangalan mo bilang master ko. Hahanap na lang ako ng ibang paraan para makabili ng regalo." "Huwag mo akong utuin." Saglit na nag-isip si Chris. "Wait! As far as I know, may natitira pa akong kwintas na hindi naibenta sa jewelry exhibition dito sa siyudad. I can give it to you as temporary solution." Ang mga alahas na idinisenyo at ginawa mismo ni Chris ay palaging nauubos sa mga foreign design exhibitions, duda tuloy siya sa sinasabing iyon ng guro. Siguradong ang regalong ito ay akma sa estado ng kaniyang Lola, pero napakalaking pabigat naman nito sa bulsa ni Evan dahil hindi basta-basta ang mga dinesenyo ni Chris na pang-international level. Nakita ni Chris ang pag-aalinlangan sa mukha ni Evan kaya't bahagya siyang ngu

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 140

    Samatanla, makalipas ang kalahating oras matapos umalis si Evan, dumating si Kenneth sa bahay ni Ella na hindi mapakali ang pakiramdam.Bago pa man niya maikatok ang kamay sa pinto, kusa n itong bumukas nang marahan. Kaya naman, lalo pang lumakas ang hindi magandang kutob niya."Ella!"Mabilis siyang pumasok sa sala, sinipat ang paligid, at tumutok ang tingin niya sa dalawang baso ng tsaa sa lamesa, hindi pa nahuhugasan.Mukhang dumalaw nga rito si Evan, at ipinaghanda pa siya ng tsaa ni Ella.Sa gitna ng katahimikan, may narinig siyang mahinang tunog ng tubig.Napalingon siya sa direksyon ng kwarto ni Ella at agad na naglakad papasok.Bukas nang kaunti ang pinto ng banyo. Sa sahig, may mga bahid ng tubig na dumadaloy, halo ng malinaw na likido at isang matingkad na pulang anino.Nang mapansin ito ni Kenneth, parang may biglang malaking kamay na biglang pumigil sa kanyang paghinga.Lumaki ang kanyang mga mata, saka mabilis na binuksan ang pinto at sumugod papunta sa bathtub.Sa loob n

  • The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle   Chapter 139

    Alas dos y media ng hapon, dumating si Evan sa opisina ng presidente tulad ng napagkasunduan.Hindi nakalubog sa trabaho si Kevin tulad ng dati. Sa halip, nakaupo siya malapit sa mga halamang nasa sulok ng opisina. Ang kanyang itim na manggas ay nakatupi hanggang siko habang tahimik siyang gumagawa ng sariwang tsaa.Isang lang namang gwapong lalaki na nakatuon ang pansin sa ginagawa ang tanawin ni Evan ngayon.Hindi tuloy madaling alisin ang tingin niya sa lalaki. Mayroon itong kakaibang aura ng katahimikan at katiwasayan.Nang ilang beses nang mag-alinlangan si Evan na basagin ang katahimikang iyon, mas pinili niyang manatili sa may pintonhabang tahimik siyang nagmamasid kung kailan mapapansin ni Kevin ang pagdating niya.Hindi na niya matandaan kung gaano katagal mula noong huling beses na nakita niya ito. Ang singkit nitong mga mata ay katulad pa rin ng dati, kahit anong oras ito tumingin sa isang tao, laging may nagbabadyang lamig at matinding emosyon.Isang titig pa lang, sapat n

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status