Ang boses ng lalaki ay hindi malakas, at ang tono niya ay tila walang pakialam. Ngunit para kay Ella, ang narinig niya ay parang musika mula sa langit dahil pinaniwalaan siya nito. Napangiti siya ng malaki habang may mga luha sa kanyang mga mata."Kenneth, hindi mo alam kung gaano kahalaga ang sinabi mong ito para sa akin. Sobrang saya ko dahil pinapaniwalaan mo ako."Sa di kalayuan, kalmado lamang na tinanggap ni Kevin ang mga mata ng lahat na nakatingin sa kanya. Hindi rin nakalampas sa kaniyang paningin ang eksena kung saan mukhang kaawa-awa si Ella habang humihingi ng tawad kay Kenneth.Hindi kailanman naging mahalaga para kay Kevin ang mga babae, lalo na ang mga tulad ni Ella na hindi niya kayang sayangin kahit isang segundo ng kanyang oras.Ngunit nang mapansin niya ang dugo sa labi ni Evan na hindi pa natutuyo, ngumiti siya ng peke na may halong pagbabanta at nagsalita ng may awtoridad."Tungkol naman sa babaeng nalaglag ang dinadala ngayon lang, isa na itong pangkaraniwang se
Habang tahimik na umiinom ng alak si Evan, bigla siyang napatingin sa kumpulan nina Kevin pero nahagip ng tingin niya ay ang papalayong pigura ng isang lalaki. Sa pagmamadali, hindi na niya nagawang ibaba ang hawak na baso. Mabilis siyang tumakbo sa direksyon kung saan nawala si Kenneth, hawak ang laylayan ng kanyang damit. Sa sobrang kaba, hindi na siya nakahingi ng tawad nang mabangga niya ang isang ginang sa kanyang pagmamadali.Samantala, dumilim ang tingin ni Kevin. Ang emosyong nasa kanyang mga mata nang makita kung sino ang sinusundan ni Evan ay hindi mawari, madalim iyon kaya mahirap basahin.Nakita rin iyon ni Miss Alejandrino kaya napangiti siya nang may bahid ng pagkagulat at panlilinlang."Ang lakas ng loob niya?"Kung hindi niya nakita mismo, hindi siya maniniwala na may babae palang kayang balewalain si Kevin. Bukod pa rito, kahit na alam ng babae na si Kevin ang kasama nito sa party na iyon ay nagawa pa rin nitong habulin ang ibang lalaki.Bahagyang iniwas ni Kevin ang
"Gusto ko rin sana, pero sayang, kasi alam naman ng lahat na si Miss Alejandrino ay may gusto kay Mr. Huete. Hindi ko na ulit ipapahamak ang sarili ko, ‘no," sabi ni Greg habang bahagyang tumatawa. Pagkasabi nito, sinadya niyang paikutin si Evan nang mabilis bilang ganti at sinamantala ang pagkakataong dumaan malapit kay Miss Alejandrino, nagpakawala ng ngiting puno ng kasiyahan. Ang kamay niya, na nakalagay sa tamang posisyon sa balikat ni Evan, ay biglang gumalaw. Tila nasiyahan sa pakiramdam, kaya’t bahagya niya itong hinimas. "Hoy, ikaw—" Nahihilo na si Evan sa kakaikot kaya hindi na niya napansin na kakadaan lang ni Kevin sa gilid niya. Hindi niya namalayang sobrang lapit na pala nila sa mga ito dahil sa ginawang pagikot-ikot sa kaniya ng loko na nag-aya sa kaniya sa dancefloor. Namula ang pisngi niya nang magtama ang tingin nila ni Kevin na bahagyang nakakunot-noo. Dahil doon, tumingin siya nang masama kay Greg na nahuli niyang nakangisi pa, tila nasisiyahan sa eksenang nas
Dumaan ang malamig na hangin ng gabi, kasabay ng amoy ng brandy mula sa salu-salo.Biglang naisip ni Kevin na ang lakas ng loob ni Evan ay malamang dulot ng brandy na nainom niya.Pagkatapos ng halik, dahan-dahang umatras si Evan, buti na lang at nanatiling nasa tamzang huwisyo si Kevin at hindi tumugon sa biglaang ginawa ni Evan.Kung sakali mang tumugon ito, sa kasalukuyang estado ng isip niya, maaaring mali ang kanyang pagkakaintindi sa intensyon ni Kevin. Kung magkamali naman siya, hindi na niya kakayaning humarap muli sa lalaki.Tahimik na pinag-isipan ni Kevin ang nangyari, habang nakatuon ang kanyang malalalim na mata sa namumulang mukha ng dalaga. Agad naintindihan ni Kevin ang mensahe nito.Ang halik na iyon ay sagot niya sa tanong niya rito bago bumaba ng sasakyan.Bagamat nasaktan pa rin si Evan sa malamig na pakikitungo ni Kenneth, malinaw sa kanya na hindi na siya muling magiging tanga para ialay ang puso niya sa isang taong minsang nagdulot ng matinding sakit sa kaniya.
Ang lakas na pilit niyang ipinapakita ay tuluyang nawala. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang mahigpit na hinihila ang damit ng lalaki. Ang boses niya ay puno ng desperasyon at hikbi. "Kenneth, minahal kita. Huwag mo naman gawin ito. Huwag mo akong mas itulak na kamuhian ka."Sa pag-iisip na kung makukuha ni Kenneth ang gusto nito ngayong gabi, halos mahimatay si Evan sa kaba at pagkasuklam. Ang ideya na sila ni Ella ay parehong niyakap ng iisang lalaki ay nagpapadurog sa kanyang puso.Bakit? Iniwan na niya si Kenneth, ipinasa ang posisyon bilang asawa nito kay Ella, at binigyan pa ito ng dangal sa harap ng kanilang lola. Bakit hindi pa rin siya nito kayang pakawalan?"Dahil ikaw ang babae ko. Kahit mahal kita o hindi, tungkulin mong gampanan ang papel mo bilang asawa ko. At dahil sabik kang magkaroon ng lalaki, ibibigay ko ang gusto mo, para hindi mo na maisip si Kevin kahit kailan."Sa narinig niyang walang-pusong pahayag, biglang napagtanto ni Evan na naibulalas niya nang hin
Matalim ang tingin ni Kevin habang dumapo ang kanyang malamig na mga mata sa maliit at magandang mukha ni Evan. Malamig ang kanyang tinig nang magsalita. "At ano ngayon? Sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot niya sa'yo, kaya mo pa rin siyang ipagtanggol ng ganiyan?" "Hindi ko siya ipinagtatanggol," sagot ni Evan habang bahagya siyang napatigil. Ang basa niyang mga mata ay nagpakita ng halo-halong emosyon habang tinitingnan ang lalaking nasa harap niya, na hindi mawari kung galit o kalmado lamang. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, napakapit siya sa kanyang dibdib, dama ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Ang kanyang payat na katawan ay bahagyang nanginig. Hindi nagbibiro si Kevin. Seryoso siya. "Hindi, hindi mo siya pwedeng patayin." Tumingkayad pa si Evan para lang maabot ang ulo ni Kevin upang maiharap niya ito sa kaniya. Saka niya mahigpit na hinila ang braso ng lalaki. Nagmamakaawa siya habang ang mga luha ay nagbabadya sa kanyang mga pilikmata. "Pakiusap, p
Sa gabing iyon, nakita ni Evan ang hindi niya inaasahang side ni Kevin, sa kabila ng kanyang perpektong anyo at kahinahunan may tinatago rin pala itong mga sikreto. Kaya pa ba niyang humanga sa kanya, magmahal, at kiligin sa bawat kilos at salitang binibitawan nito?Pwede pa ba niyang ibalik ang oras bago pa siya nagkagusto dito at ituring na lang ito bilang isang nakatatandang dapat igalang?Hanggang sa nakatulugan na niyang may mabigat na damdamin dahil sa mga kaganapan ngayong gabi.Kinabukasan, nagising si Evan sa pag-vibrate ng kanyang cellphone na naiwan sa sofa. Habang kinukusot ang kanyang mga mata, napagtanto niyang sa may pintuan pala siya nakatulog magdamag.Napangiti siya ng mapait. Tiniis ang sakit ng katawan dahil sa pagtulog sa matigas na semento at dinampot ang cellphone. Pagkasagot, narinig niya agad ang takot na boses ng kanyang ina. "Evan, nasaan ka? Bumalik ka na agad dito! Ang biyenan mo, kasama ang ilang bodyguard, pumunta dito at binugbog ang kapatid mo!"Hin
Pagkaraan ng mahabang katahimikan, nagbukas na ng bibig si Evan upang sana ay magsalita, ngunit agad siyang pinutol ni Stephanie."This story has already ended! Dahil handa ibaba ng babaeng ‘yan ang sarili niya, ang mga naging biktima ng kawalanghiyaan niya ay si Kenneth at si Evan. Kaya nandito ako para tulungan kang ilabas ang galit mo, my dear Evan. Sabihin mo na kung ano ang ginawa ng sabi ng nanay mo ay ‘kabutihan’ niyang magaling mong kapatid sa likod mo."Pumikit si Evan sa sakit. Alam niyang mahina ang kalusugan ng kanyang ina, kaya napilitan siyang lunukin ang kanyang pride at marahang sinabi, "Wala."Pagkasabi niya nito, parehong hindi makapaniwala si Ella na nakaluhod at si Stephanie na puno ng yabang."Napakabuti mo namang kapatid," sarkastikong sabi ni Stephanie, na bakas ang pagkagulat sa mukha. "Handa ka bang makipaghatian ng asawa sa babaeng ito? Kung ganoon, ano ang ibig sabihin ng paghingi mo ng divorce sa matandang ginang?"Biglang nagliwanag ang mukha ni Maris, pa
Kung tutuusin, sa galing ni Lindsey sa pagpapanggap at panlilinlang, kahit pa hindi totoo, kaya niyang magkunwaring mahal si Ashton sa harap ng tiyuhin nito.Pero sa lahat ng nakita, mukhang alinman sa dalawa ang totoo—kulang ang effort ni Lindsey sa pagpapanggap, o masyadong matalino si Ashton para malinlang. Sa isang sulyap pa lang, parang nababasa na niya ang lahat ng kilos ni Lindsey.Napatingin si Evan sa malungkot na ekspresyon ni Ashton—isang lungkot na hindi niya sinasadya pero hindi niya rin kayang itago. Naramdaman niya ang awa sa bata, pero alam niyang wala siyang karapatang husgahan si Lindsey. Ang tanging magagawa niya lang ay sikaping mapasaya si Ashton sa bawat pagkakataon na kasama niya ito.Walang ibang paraan. Matagal siyang nag-alinlangan habang hawak ang cellphone, pero sa huli ay pinindot niya ang numero ng kanyang tiyuhin.“Evan,” bati ni Kevin nang sagutin ang tawag.“Tito,” mahinahon niyang sagot. “Kasama ko si Ashton. Gusto niyang maglaro sa bahay ninyo. Pwede
Kinagabihan, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Ashton—pinapapunta siya sa school para sunduin ito.Na-miss na rin niya ang bata, at kahit sandali siyang nagdalawang-isip, hindi niya rin kayang tanggihan ang hiling nito.Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari noong huli siyang pumunta sa school—pati ang hapdi ng paso sa likod ng kanyang kamay, hindi pa rin niya malimutan.Kahit pa pilitin niyang kumbinsihin ang sarili na si Lindsey ay kasintahan ng kanyang tiyuhin at wala na siyang dapat ipaglaban, iba pa rin ‘yung sakit. Hindi porket hindi siya nagsalita ay hindi na siya nasaktan."Evan,, anong iniisip mo at parang ang lungkot mo?" tanong ni Christopher habang lumalapit, hawak ang isang tasa ng kape. Umupo siya sa tabi ni Evan at sinimulang ikwento ang mga plano niya para sa studio.Epektibo ang paraan niya—agad nawala sa isip ni Evan ang iniisip niya at masaya siyang nakisali sa pag-uusap."Sige, ayusin mo 'yang mga ideya, tapos i-email mo agad sa tito mo. Sigu
Para sa Driver ni Kenneth, ang pagging tahimik niya ay natural lamang sa kaniya. Matagal niyang tinitigan ang bihirang ngiti ni Evan—parang uhaw na uhaw siyang titigan ito, at habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang tumitindi ang pagnanasa niyang angkinin ang babaeng nasa harap niya. Pero kahit ganoon, hindi siya nangahas na pilitin ito muli.“Evan, akin ka.”Mahinahon man ang pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon, naroon ang lalim ng pananakot sa likod ng kanyang malamlam at maitim na mga mata. Bawat salita ay tila pahayag ng pag-aangkin.Hindi siya pinahiya ni Evan. Bagkus, bahagya pa niyang itinaas ang kanyang mukha, pinanatili ang mahinang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi ito umabot sa kanyang mga mata. Sa ilalim ng ngiting iyon, may halong lamig at hinanakit.Pagkatapos, inalis niya ang tingin mula kay Kenneth, dahan-dahang isinara ang pinto ng sasakyan, saka tahimik na inutusan ang driver. “Tayo na.”Alangan ang driver. Sa pamamagitan ng rearview mirror, sinulyapan niya
Nag-reach out ang housekeeper mula sa lumang bahay ni Evan, at sinabi na nais siyang makita ng matandang babae.Wala nang magawa si Evan kundi hilingin kay Christopher na magsimula ng pansin mula sa mga reporters. Nagbago siya ng itsura at tumakas sa likod ng pinto.Pagdating sa lumang bahay ng Huete, bumukas ang mga ukit na pintuan. Paglabas ni Evan mula sa sasakyan, naglakad siya at aksidenteng nakasalubong si Stephanie na nakasuot ng matingkad na damit.Hindi na pinansin ni Evan ang dating ina-inahan. Nakataas ang kanyang ulo, dumaan siya nang mataas ang tingin."Evan, ako pa naman ang iyong mother-in-law. Hindi mo man lang ba ako babatiin?" Nang makita siya ni Stephanie, muling lumamig ang kanyang mukha. Hinadlangan siya nito at may poot sa mata, "Huwag ka munang maglakad, may sasabihin ako sa'yo."Hindi pinansin ni Evan ang kanyang pang-aasar, tinitigan siya ng malamig at naglakad palayo.Paano naman si Stephanie? Hindi niya palalagpasin ang ganitong pagtingin ni Evan. Tumayo siy
“Miss Evan, paano mo nagawa iyon?"Wala nang kaalaman si Evan na nagawa niya iyon dahil sa kanyang bentahe sa kasarian, at inisip na ang pato na may pinit na rice wine ang totoong may sala. "Siguro, swerte lang ako. Tungkol sa proseso, hindi mo na kailangang sabihin sa tito ko. Pakiusap na lang, ipasubok mo sa kanya. Kung hindi gumana, mag-iisip ako ng ibang paraan."Pinatol ni Jaxon ang tawag at tinitigan ang misteryosong mata ng presidente ng Huete Group sa likod ng desk habang nakanganga ang ulo.Ayaw ng Master na malaman ni Evan na siya'y seryosong nasugatan dahil sa kanya, at hindi rin gusto ni Miss Evan na malaman ng Master na humingi siya ng tulong medikal para sa kanya, at siya'y isang maliit na tao lang. Nasa gitna siya ng lahat at natatakot na baka isang araw, mamatay siya nang hindi buo ang katawan.Nilulon ni Jaxon ang laway sa takot at mabilis na nagsabi: "Master, si Miss Evan ang tumawag. Tinutukoy niya ang mga maliliit na bagay sa studio. By the way, narinig ko lang na
Napatitig siya rito, saka tumango. "Simula Sabado, sumama ka sa akin sa Emerald Welfare Home."Ang hiling na
Makalipas ang tatlong oras, dumating si Evan sa isang lumang bahay at kumatok sa pinto nito. Ang pintura sa kahoy ay luma at natutuklap na.May narinig siyang mga yapak sa loob bago bumukas ang pinto. Ngunit imbes na ang matandang lalaki ang sumalubong sa kanya, ang lalaking matagal nang may ayaw sa kanya ang nasa harapan niya.Nabigla ito nang makita siya."Ano’ng nangyari sa’yo?"Alam ni Evan kung bakit siya nagulat kaya ngumiti lang siya at hindi ito pinansin. Inalis niya ang kanyang sunglasses, saka lumampas sa lalaki papunta sa hardin kung saan ang matandang lalaki ay abala sa pag-aalaga ng mga bulaklak at paglalaro sa kanyang aso."Lolo, magluluto ka ba ulit ng fermented duck ngayon?"Nagulat ang matanda. Hindi niya inaasahan na tutuparin pa rin ni Evan ang kanyang pangako sa kabila ng gulong kinasasangkutan nito."Hindi. Bumili ako ng dalawang igat kanina, nasa kusina. Manood ka na lang habang niluluto ko."Tahimik na napangiti ang matanda. Habang pinagmamasdan ang lalaking nas
Nang makita ng ilang malalaking lokal na brand ang isang makapangyarihang katunggali na biglang lumitaw, hindi na sila mapakali. Nagpadala sila ng mga bayarang tao upang siraan si Yeyan online, ngunit halos walang naging epekto ang kanilang paninira.Sa gitna ng pag-atake ng mga pekeng accounts, maraming netizens ang hindi nagpatinag at agad na nagbigay ng kanilang opinyon."Pakiusap naman, ‘yan ang brand na paborito mismo ng presidente ng Huete Corporation! Kung hindi mo gusto, baka ikaw ang may pangit na panlasa. Isipin mo na lang, kakaunti lang ang katulad ni Kevin—mayaman, gwapo, at maganda ang pangangatawan. Normal lang kung hindi mo kayang sabayan ang taste niya, pero maling mali na siraan mo ito ng walang basehan.""Sa estado at yaman ni Mr. Huete, sa tingin mo ba kailangan pa niyang kumuha ng endorsement gaya ng mga artista at magbenta ng produktong hindi niya ginagamit? Bukod pa roon, parang sadyang ginawa para sa kanya ang hikaw—napakaganda ng disenyo at pulido ang pagkakagaw
Nakatingin si Evan kay Kenneth na nasa ilang metro ang layo mula sa kanya. Matagal na silang magkakilala, pero ngayon lang niya nakita si Kenneth na ganito kapuruhan ang itsura.Kung limang taon na ang nakalipas, marahil ay naawa pa siya rito.Pero ngayon, ang lalaking minsan niyang minahal ay nasa harapan na niya — sobrang lapit na halos mahawakan niya ito — ngunit sa puso niya'y wala nang nararamdamang iba kundi kapaitan.Hindi niya alam kung bakit nagpapaka-drama si Kenneth, pero batay sa pagkakakilala niya rito, hinding-hindi ito basta-basta susuko.Ibinaba niya ang tingin, saka ibinulsa ang susi ng kotse sa bulsa ni Kevin. Mahina niyang sinabi, "Uncle, mauna ka na. Ako na'ng bahala rito."Itinaas ni Kevin ang kanyang makakapal na kilay at tiningnan si Evan — walang sinabi, pero malinaw na nag-aalala.Sa ilalim ng ilaw ng kalye, litaw na litaw ang payat na pigura ni Evan — parang abo pagkatapos ng apoy na nagliyab.Hindi kalayuan, mahigpit na nakasara ang kamao ni Kenneth — nangin