"Oo Lyn, kilalang-kilala ko yung tiyahin mo, madalas ko siyang nakikita sa court, kasama niya yung mga kabarkada niya, halos lahat nalang yata ng tao dito kaaway yun eh, napaka maldita kasi". kwento nito sa kanya. "Opo Ate Mina, gabi-gabi pong wala yun sa bahay, tapos kapag nasa bahay naman, ang gugulo ng mga barkada niya, sa amin po sila lagi nagiinom, tapos kapag lasing siya, binugbog niya po ako kahit wala naman po akong ginagawang masama". sumbong nito. "Hayaan mo Iha, kapag nakuha natin yung Medico Legal mo sa Ospital, magpapatulong tayo kay Kap para samahan niya tayo para sampahan ng Child Abuse yung Tiyahin mo, sobra yang ginawa niya sayo Iha". Pangako nito sa kanya."Salamat po Ate Mina" tugon nito, natuwa si Lyn nang narinig ito, naisip niya na mabuti na rin ito para matigil na ang kahayupan ng kanyang tiyahin, ngunit nangangamba pa din ito sa mga maaring mangyari sa kanya, natatakot ito sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng kanyang tiyahin kapag nagkita sila. Nang nagtung
Magbasa pa