Chapter 1"Milana, wala pa din ba si Sir Magnus? " "Mil, may kailang akong papirmahan kay Sir. "" Ms. Carreon, bakit ilang araw ng wala si Sir? " Damn it! Kakarating ko lang at puro tanong na nila ang bumungad sa akin. Tsk, humanda talaga sa akin ang lalaking iyon pagkabalik niya. Ilang araw na akong inaalila ng mga head ng departments! Sayang ang bago kong nails at hair color! Damn it, hindi ko mairampa dahil sa pag-absent niya.Sayang rin ang nagastos ko dahil sa pagiging haggard ko dito sa opisina niya."Good morning din sa inyo! Hindi ko alam kung kailan makakapasok si Sir. As you can see, may inaasikaso siya. Tatawagan ko kayo agad kapag pumasok na siya, okay? Yung ibang may dala ng kailangang papirmahan kay Sir ay iwan niyo na lang dito, ipapasok ko na lang sa opisina niya mamaya." Pigil na inis na sabi ko sa kanila. Isa isa naman nilang iniabot ang mga dala nilang papeles at saka sila nagsialisan. Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubukan ko ring tawagan si Sir Magnu
Huling Na-update : 2024-11-28 Magbasa pa