Chapter 1
"Milana, wala pa din ba si Sir Magnus? " "Mil, may kailang akong papirmahan kay Sir. " " Ms. Carreon, bakit ilang araw ng wala si Sir? " Damn it! Kakarating ko lang at puro tanong na nila ang bumungad sa akin. Tsk, humanda talaga sa akin ang lalaking iyon pagkabalik niya. Ilang araw na akong inaalila ng mga head ng departments! Sayang ang bago kong nails at hair color! Damn it, hindi ko mairampa dahil sa pag-absent niya. Sayang rin ang nagastos ko dahil sa pagiging haggard ko dito sa opisina niya. "Good morning din sa inyo! Hindi ko alam kung kailan makakapasok si Sir. As you can see, may inaasikaso siya. Tatawagan ko kayo agad kapag pumasok na siya, okay? Yung ibang may dala ng kailangang papirmahan kay Sir ay iwan niyo na lang dito, ipapasok ko na lang sa opisina niya mamaya." Pigil na inis na sabi ko sa kanila. Isa isa naman nilang iniabot ang mga dala nilang papeles at saka sila nagsialisan. Napabuntong hininga na lamang ako. Sinubukan ko ring tawagan si Sir Magnus ngunit cannot be reached ba rin siya. Ang lalaking iyon talaga! Basta basta na lang hindi napasok. Naiiwan tuloy halos lahat sa akin ng mga gawain niya. Pasalamat siya at maganda ang pasahod niya. Meron din siyang pa-service at pabahay! Magtiyaga na lang ako dito kesa humanap ng ibang trabaho. "Tsk." Ibinaba ko ang aking bagong biniling bag sa aking table at saka nagsimulang magtrabaho. "Morning, Milana. Mukhang bad mood ka na naman ata." Palihim na lamang akong napairap dahil sa biglang pagdating ni James. "Wala pa rin si Sir, kung siya ang kailangan mo." Hindi ko naman siya tinapunan ng tingin, ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. "Ikaw talaga ang sadya ko, Milana. Tara muna mag-snacks, alas nuebe na rin naman." Napabuntong hininga na lamang ako at saka bored na tumingin sa kanya. Kung makapag-aya ang lalaking ito! Akala ba niya ay makakalimutan ko ang pagkahuli ko sa kanya at sa isang intern na naghahalikan sa CR?! Kapal, ha? Well, wala naman akong pakielam doon. But, he's so manyak! Isang beses ko na rin siyang nahuli na namalo ng puwitan ng isang bagong employee. Ewan ko ba sa trip niya ngayon at ako ang inaabala niya, pansin ko na sa kanya na palaging bagong employee o kaya mga intern ang pinagdidiskitahan niya. "I'm busy. " Maikling sabi ko sa kanya. "C'mon, Mil. Hindi ka naman papatayuan ng rebulto kung magsisipag sipagan ka diyan. " Pagak naman akong natawa dahil sa sinabi niya. " Can't you read between the lines? I don't want to be with you, James. So, stop this bullshit and go." Matiim akong tumitig sa kanya. Kita ko naman ang pagdaan ng inis sa mukha niya. Tama iyan, mainis ka lang na gunggong ka. "Ang ilap mo naman Ms. Carreon. Inaaya ka lang mag-snacks. Libre ko naman." Napakamot sa ulong sabi niya. Still trying, huh? "I can buy it for myself, Mr. Jimenez. Kung wala ka ng ibang kailangan ay pwede bang iwan mo na ako rito? Busy kasi ako sa trabaho." I smiled coldly. "Tsk. Ang yabang mo naman, Milana. Akala mo ba ay hindi ko napapansin ang pagiging malapit mo kay Sir? Iyon ba ang dahilan mo kaya ganyan ka? " He smirked at me. Ngunit, imbis na mainis ay malakas na lamang akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Damn! Oh, fuck! Ang sakit na nga tiyan ko." Tawa pa rin ako ng tawa habang hinihimas ko ang tiyan ko. Siya naman ay mukhang mas lalong nainis dahil sa pagtawa ko. " Alam mo, James? Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Inis ka ba kasi hindi ka favorite ni Sir? " Nang aasar na sabi ko pa sa kanya. "Akala mo ba hindi kita papatulan na babae ka? " Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako ng biglang may malaking kamay na pumigil sa kanya. Pinag-krus ko na lamang ang braso ko habang bored na tumitingin kay James at sa lalaking pumigil dito. "Huwag ka nga..." Natigilan naman si James, nawalan ng kulay ang mukha niya ng makilala kung sino ang pumigil sa kanya. "Si... Sir Magnus! " Pabalya naman siyang binitiwan ni Sir. "You're fired. Ms. Carreon, come to my office." Malamig na sabi ng suplado kong boss saka pumasok sa opisina niya. "Si... Sir! Huwag naman po, may asawa at anak po ako." Kabadong kabado na sabi ni James nang habulin niya si Sir Magnus papasok sa opisina niya. Napatawa na lang ako sa isip ko dahil sa sinabi niyang iyon. Kinuha ko ang mga papeles sa table ko at sumunod sa kanilang dalawa. "Sana naisip mo iyan Mr. Jimenez bago ka gumawa ng kalokohan sa loob ng opisina ko. " Seryosong sabi ni Sir Magnus, hinubad nito ang coat na suot niya na agad ko namang kinuha para isabit sa may gilid ng table niya. "Sir..." "No need to explain. Nakita ko rin ang nangyari kanina, I don't need an employee like you. You may go, marami pa akong gagawin. " Matigas na sabi ni Sir Magnus. Masama namang napatingin sa akin si James ngunit nagkibit balikat na lamang sa kanya. "Are you okay? " Diretsang tanong sa akin ni Sir Magnus ng makaalis si James. "Yes, Sir. Lalo na ngayong pumasok ka na ulit." I smiled widely at him. Humanda kang lalaki ka. "Hm. Sounds like a threat to me, Vicenthia." He smirked. "I told you to stop calling me that. Tsk, here. Kailangan ng mga iyan ng pirma mo. " Marahan kong inilapag ang mga hawak kong folders sa desk ni Sir Magnus. "Fuck. Napakarami naman niyan. Kakapasok ko lang, Ms. Carreon." Biglang nagsalubong ang kilay niya dahil doon. "Ako na lang pipirma, Sir? Tutal, ako naman ang nagawa ng trabaho mo." Sarkastikong sabi ko na ikinataas ng kilay niya. Napailing na lamang siya sa akin. "So feisty. Tsk, give me that. Kung wala ng iba ay pwede ka ng lumabas." He rolled his eyes on me. "Well, Mr. Salvatori... Look at my nails and my hair. Wala ka bang napapansin? " Iniharap ko pa sa kanya ang kuko ko at ang mahaba kong buhok. "Oh? Sabihin ko ba dapat maganda? " Supladong sabi niya sa akin. "It is supposed to be beautiful and fresh! Pero dahil hindi ka pumasok ng ilang araw ay na-haggard na." Mataray na sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lamang siya at saka kinuha ang wallet niya sa bulsa niya. "Here, use this card. Also, buy yourself a new pair of heels. Mukhang malapit ng masira iyang suot mo. Maghalf day ka na today para makapag-pamper ka. Nakakahiya naman kasi masyado kitang naabala." Napatingin din ako sa suot ko sa aking paa. Well, medyo may kalumaan na nga ito. Napangiti na lamang ako kay Sir Magnus. "Nice! Thanks, Sir! Deserve ko naman ito dahil nag-act like a CEO ako noong absent ka. " Ngisi ko sa kanya at saka mabilis na lumabas ng opisina niya.Chapter 2"MILANA VICENTHIA! AH, YOU REALLY KNOW HOW TO GET INTO MY NERVES! " Rinig ko ang sigaw ni Sir Magnus mula sa opisina niya. "Deserve! Gunggong ka kasi." Bulong ko sa sarili ko at saka napahagikhik. Matapos ko kasing lumabas kanina ay tinawagan ko lahat ng Heads ng Departments at sinabing nasa opisina na niya si Sir Magnus. Wala pang samoung minuto ay kanya kanya na sila ng puntahan dito para kay Sir. Hinayaan ko na lamang siyang magdabog sa opisina niya. Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin para sa araw na ito. Nang tingnan ko ang oras ay magtatanghalian na. Tumahimik na rin sa silid ni Sir Magnus kaya kinatok ko muna siya. Wala namang sumagot sa loob kaya pumasok na lang ako. "Tsk, akala ko naman busy sa work. Tulog pala." Naiiling na sabi ko. Lumapit ako sa mesa ni Sir Magnus para tingnan siya. "Kahit kailan talaga ang kalat kalat. " Bulong ko. Inayos ko muna ang ibang nakakalat sa table niya at saka ako nagsulat ng note para sa kanya. Well, half day ako today.
Chapter 3"Boss, magandang gabi." Malaking ngiti na sabi ko kay Sir Magnus. "Tsk." Umiling lamang siya sa akin. "Suplado lagi. Ito na ang bulaklak mo at ang card mo." Matamis akong ngumiti kay Sir Magnus. Napabuntong hininga na lamamg siya sa akin. "Baka milyon ang kinuha mo dito? " "You, bet? " Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kinuha naman niya sa akin ang ibinibigay ko sa kanya. "Alis na rin ako, Sir. Enjoy your date." Kinindatan ko pa siya at saka siya tinalikuran. Tsk, sarap talaga maging mayaman! Kainis. Umuwi na lang ako sa condo na inuokopa ko. "Hay, ang sakit din sa binti maglakad ng maglakad." Buntong hiningang sabi ko. Tinatamad na akong magluto. Tsk. Naisipan ko na lamang mag order ng pagkain. Habang nagtitingin-tingin ng pwede kong ma order ay bigla namang tumawag ang isa sa mga kaibigan ko. "Hello, Sienna? Napatawag ka? " "Free ka ba tonight? " Tanong agad niya sa akin. " Of course! " Mabilis naman na sagot ko. " Tara magbar! Natawagan ko na rin si Haven,
Chapter 4"Baks, natahimik. Mukhang may something nga." Rinig ko ang bulungan ng dalawa sa likod ko habang kaharap ko ngayon si Sir Magnus. Masama ko silang tiningnan pero patuloy pa rin sila. "Go home. Bakit dala mo rito ang kotse ng kompanya? " Striktong tanong sa akin ni Sir Magnus. "Umuna na kayong dalawa! " Taboy ko sa dalawa kong kaibigan. Mabuti na lang at pumayag ang dalawa. "Bye, sir. Ikaw na ang bahala sa amazonang iyan." Pang aasar pa ni Sienna. Nang makaalis ang dalawa ay saka lamang ko lamamg inimikan si Sir. "Pasensiya na." Malumanay na sabi ko."Tsk, umuwi ka na. Kaya mo pa bang magmaneho? " Malamig na tanong nito. "Yeah. " Tumatangong sabi ko. "Makulit." Bulong nito pero narinig ko pa rin iyon. "Ipapahatid na kita. Tatawagan ko lang si André." Sabi pa sa akin ni Sir Magnus. Si André ay ang isa sa mga tauhan nito. Hindi ko nga alam kung ano ba ang trabaho noon kay Sir."Kaya ko na, Sir Magnus." Seryoso lamang na sabi ko. "Huwag ka na lang makulit. You're usi
Chapter 5"Salamat sa paghatid, Bossing. Iba ka talaga." Ngisi ko sa kanya. "Matulog ka na, agahan mo bukas." Seryoso lamang na sabi sa akin ni Sir Magnus. "Pwede half day? Sa hapon na ako papasok, Sir." Pang aasar ko sa kanya. "Tsk, basta pumasok ka bukas. " Mukhang nauubusan na talaga siya ng pasensiya sa akin. "Okay. Salamat, Sir. Napakabuti talaga ng puso ko." Tinapim tapik ko pa ang dibdib niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko at saka ako hinila papalapit sa kanila. "Problema mo? " Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit nginisian niya lamang ako. "Hmmmmp! " Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod na ginawa ni Sir Magnus. Mariin niya akong hinalikan sa aking labi. Oh, no! Nasa labas pa kami ng pintuan ng condo ko. Damn it! Sinubukan ko siyang itulak ngunit hinawakan niya ang likod ng ulo ko at saka ako isinandal sa pader na naroroon. "Stop being naughty, Vicenthia. Don't wear something like this kapag hindi mo ako kasama." Nanindig ang balahibo
Chapter 6"So, iyan ang mga bago kong dating na Mercedes. Anong trip mong kuhanin, Priam? " Tanong ni Anton kay Sir. "That one, can you change the color? I want it in Matte black." Seryosong sabi ni Sir Magnus sa kaibigan nito. "Sure. Give me a week." Ngiti naman ni Antonious at saka nakipagkamay sa kaibigan niya. "Wala ka pa rin bang balita kay Lucious? " Pag iiba naman ng usapan ni Anton. "Nakausap ko siya noong isang araw. Busy daw maglayag sa karagatan ng mga Briton." Nakangising sabi ni Sir Magnus. "Tsk, he's being crazy again." Ngiwi ni Anton. "Bakit hindi mo sinamahan? " "Nah, bahala siyang ayusin ang gusot niya sa babae niya. " Napabuntong hiningang sabi ni Anton. "Okay. Sabi ko rin naman sa kanya ay tawagan na lang niya ako kapag nagkaproblema siya." Tumatango tango pang sabi ni Sir Magnus. "Punta muna tayo sa office ko? " " No need, aalis na rin kami ni Vicenthia." Sagot naman ni Sir Magnus. "Hmm, okay. Di ko alam na first name basis pala kayo ng secretary mo." Ki
Chapter 7"Wow! Sobrang ganda dito, Boss! " Patiling sabi ko. Hinubad ko ang suot ko sa paa at saka tumakbo sa buhanginan. Padilim na rin kaya naman mas lalong gumanda ang paligid. Ah, sobrang ganda ng sunset. I can live here forever. Itinupi ko hanggang tuhod ang suot kong trouser at saka inilubog ang paa ko sa tubig. Hinayaan ko na lang si Sir kung saang lupalop siya nagpunta. Nang magsawa ako sa pagtatampisaw sa tubig ay naupo na lamang ako sa dalampasigan. "Ah, it's so relaxing. How I wish, galing na lang din ako sa mayamang pamilya." Natatawang sabi ko sa sarili. Napatitig ako sa mga malalakas na alon. I started crying. Damn, I'm so tired. Inabot na ang ng gabi sa tabi ng dalampasigan. "Tapos ka na? Pumasok muna tayo sa loob, Vicenthia. It's getting cold." Seryosong sabi sa akin ni Sir Magnus. Tumayo naman ako at pinagpagan ang sarili. "Natulog ka? " I asked. Nakapalit na rin siya ng damit at mukhang bagong ligo rin. "No. Halika na." Malumanay na aya niya sa akin. S
Chapter 8"Vicenthia, wake up. " Naalimpungatan ako dahil sa panggigising sa akin ni Sir Magnus. "Maya na." Bulong ko. "Gumising ka na. May pupuntahan tayo." Napadilat naman ako dahil sa sinabi niya. "Where? " Naupo ako habang humihikab pa. "Sa kabilang isla. Sumama tayo kila Manong Jose. " Ngisi niya. Napataas naman ang kilay ko sa kanya. "Mangingisda tayo? Or ..." "You'll know." Ngiti niya. Tumango na lamang ako sa kanya. Pagkalabas niya ay naghanda na rin ako. Nagsuot na lamamg ako ng isang sundress na kulay dilaw at sa ilalim noon ay ang two piece na ibinigay niya sa akin. How cute. Napangit ako sa harap ng salamin. Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok at naglagay ng sunscreen na lotion. Pagkababa ko ay nakahanda na rin ang aming umagahan. Siguro ay nagluto na naman si Sir Magnus. Ayos ah? Prinsesang prinsesa ako ngayon, mukhang aalilain na naman niya ako sa opisina pagkatapos nito. "Sir Magnus? " Tawag ko sa kanya. Sinubukan ko na rin siyang katukin sa kwart
Chapter 9Tsk, tanginang katawan 'yan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa katawan ni Sir Magnus. Hubad kasi ito ngayon at tanging ang suot niyang summer shorts ang tumataklob sa katawan niya. Grabeng abs yan... Sa bilang ko ay namin iyon. Sarap sa almusal! Hindi ko talaga maiwasan ang pagkamangha sa magandang hubog ng katawan niya kaya naman kinuhanan ko siya palihim ng litrato."Vicenthia, halika na! " Tawag niya sa akin."Wait lang." Sabi ko naman. Nagretouch muna ako para makapagpakuha ako ng litrato sa kanya."Sir, picturan mo ako. " Iniabot ko kay Sir Magnus ang aking cellphone na agad naman niyang kinuha."Dito ka. " Turo niya sa may tubig.Nag-pose na ako doon kaya ilang litrato ang kinuha niya."Ibang pose naman, Sexy. Wait, I remember something." Umalis siya at nagpunta sa may malapit sa bahay. Pagbalik niya ay may dala dala siyang isang kulay kahel na bulaklak. " Put this on your ears. " Napangiti naman ako sa kanya at saka inilagay ang bulaklak sa may tenga ko. "
Chapter 30"Bakit nakasimangot ka? " Bungad na tanong sa akin ni Sir Magnus ng makalabas siya ng opisina. "Wala lang." Maikling sagot ko sa kanya. "Wala lang? " Taas kilay na sabi niya sa akin. "Ay, ewan ko. Alis na ako, Sir Magnus. Bye." Paalam ko lamang sa kanya. Simula nh dumating iyong ex niya ay nawala na rin ako sa mood. Dalawang oras yata silang nasa loob ng opisina ng magaling kong boss. Tsk. Tinawagan ko na lamang ang isa sa mga kaibigan ko. "Hello, Sienna? Nasaan ka? " Tanong ko kaagad sa kanya ng sagutin niya ang tawag. "Nasa bahay ako, why? " "Tara magbar. " Natahimik namang bigla ang nasa kabilang linya. "Hello, Sienna? Nandiyan ka pa ba? " Sambit ko. "Oh, yes! Nagulat lang ako dahil inaya mo ako. Natawagan mo na ba si Haven? " Tanong niya sa akin. "Gaga. Ngayon lang ba ako nag aya? " Tawa ko sa kanya. "Nope! Nag aaya ka lang kapag may problema ka." Seryosong sabi niya. Natigilan naman ako dahil doon. " Ilang taon na ang nagdaan, alam ko na yang mga ganya
Chapter 19Makalipas ang isang linggo ay balik na sa lahat ang dati. Palagi na ring pumapasok si Sir Magnus sa opisina niya. Mas naging abala rin ako dahil sa party na gaganapin one week from now. Habang inaayusan ko ang sarili ko papasok sa trabaho ay bigla namang tumawag si Nanay. "Hello, nay? Napatawag po kayo? ""Kumusta, anak? Itong tatay mo, hinahanap ka sa amin. Hindi ka raw umuuwi." Bungad niya sa akin. Kalahating taon na yata simula noong huling umuwi ako. "Ah, bakit daw po? " Nangingiting tanong ko. Si tatay lang talaga ang madalas na humahanap sa akin pati na rin ang bunso namin. "Namimiss ka yata. Baka naman makakauwi ka... Siya nga pala, ang kapatid mo..." "Si Maurice po ba? Wala pa rin siyang trabaho? "Nalaman kong umuwi si Maurice sa bahay dahil wala pa rin siyang mahanap na trabaho dito sa Maynila." Oo, e. Sumasakit na ang ulo ko sa batang iyon. Palamunin dito sa bahay. Napakatamad pa. Baka naman maipapasok mo siya sa kompanya ninyo? " " Nay, hindi ko talaga m
Chapter 18Hindi na ako kinulit ni Sir Magnus hanggang sa marating namin ang isang isla sa Davao. "Sir." Yumukod ang isang tauhan sa harapan ni Sir Zakir. "Any leads? " Malamig na tanong nito. "Wala pa rin, Sir. We're still searching for that part of the sea. Doon po nagcrash ang sinasakyan niyang plane. We are all doing our best to find him. " Seryosong sabi nkausap ni Sir Zakir. Hindi ko lubos maisip na ganito pala katindi ang sitwasyon. " Priam... " Napahawak ako sa braso ni Sir Magnus. " Don't worry, he'll be fine. " Ngiti lamamg nito sa akin ng makita ang pag aalala sa mukha ko. Habang naghihintay sa mga rescuer ay nagtanong akong muli kay Sir Magnus. " Bakit mo ba ako sinama rito? "" Nasagot ko na iyan kanina , Vicenthia. " Malumanay na sabi niya. " Alam kong may iba pang dahilan. " Mabilis na sagot ko. Napabuntong hininga na lamamg siya. " I want you to know this part of me. Our group is active again, so... Gusto kong malaman mo iyon. " Maliit siyang ngumiti sa akin
Chapter 17"Nakaalis na ba? " Bungad na tanong sa akin ni Sir Magnus ng makapasok ako sa opisina niya. "Yeah, gusto mo bang sundan? " Taas kilay na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya sa tinuran ko. " Are you jealous, you little dragon? " Ngisi niya sa akin. "As if! I'm your favorite, Sir Magnus." Confident na sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa. "Not just my favorite. Halika, may pupuntahan tayo." "Kakarating lang natin ng opisina, aalis na naman agad tayo? " Takang tanong ko sa kanya. "Yes. I need to meet Aiken. " "Bakit kailangan kasama pa ako? " Napabuntong hininga naman siya dahil doon. " Basta, sumama ka na lang." Pagkatayo niya ay hinila nkya ako palabas ng opisina niya. "Bitawan mo nga ako, kaya kong maglakad mag isa! " Inis na sabi ko. " Wala pa naman masyadong employee. Walang makakakita sa atin." He said playfully. " Bahala ka nga. Gago ka talaga. " Irap ko na lang sa kanya. Nagulat ako ng dalhin ako ni Sir Magnus sa airport. " What the? Saan ba tay
Chapter 16Inaya ako ni Sir Magnus sa isang convenience store. Natawa pa nga ako ng makapasok kami doon. Para siyang bata na nakapasklok sa toy kingdom. "Tagal ko ng di nakakain dito." He smiled. " Huh? "Kunot noong sabi ko. " Ah, yeah... I forgot. Dito ako sa pinas nag-highschool noon. May nangyari kasi noon sa Italy kaya pinauwi ako dito nila Mama. So, napilitan akong dito mag-aral. " Ngiti niya sa akin. " Mukhang malaki ang naging problema ninyo. Kung kinailangan mong umuwi dito. " Malumanay na sabi ko sa kanya. " Yeah. May nagtangkang pasukin ang bahay namin noon. They want our family dead. " He smirked. " Bakit maraming kaaway ang pamilya ninyo? E, mababait naman ang magulang mo. " Nakilala ko na kasi ang mga magulang ni Sir Magnus. Naalala ko, niregaluhan pa ako noon ni Ma'am Alexandria ng pabango at bag. Natuwa daw kasi siya sa akin dahil sa ako lamang ang tumagal na secretary ni Sir Magnus. "Because of the Business... Hindi na rin naman sikreto sayo kung gaano kala
Chapter 15"Can I sleep here? " "Nakahithit ka ba, Sir Magnus ? " Mataray na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya sa akin. " I'm fucking tired, Vicenthia. " Maktol nito sa akin. " Kasalanan ko? " Taas kilay na sabi ko sa kanya. " Sobra ka na yata, Sir Magnus. May I remind you, Boss kita at sekretarya mo ako. Ayokong mapabalitang SEXcetary sa opisina. " Irap ko sa kanya. " Then, marry me. " Mabilis na sagot niya sakin. Mabilis ko namang naibato sa kanya ang hawak kong remote. " Umalis ka na nga! Ginagago mo na naman ako, Magnus Priam! " Inis na inis na sabi ko na ikinahalakhak niya. " Stop playing with me! Leave! " Utos ko sa kanya. Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa may mag doorbell. Wala naman akong inaasahang bisita kaya pinapasok ko muna si Sir Magnus sa kwarto ko. "Doon ka muna. Huwag kang lalabas." Irap ko sa kanya. Mabait naman siyang sumunod sa akin. Nang masigurong nasa kwarto na si Sir Magnus ay nagtungo na ako sa pintuan. "Maurice, anong ginagawa mo rito? " K
Chapter 14"Milana! " Tawag sa akin ni Rexia. Pinsan siya ni Sir Magnus at siya ang makakatulong ko sa party na gaganapin sa pag uwi ng Lolo nila. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula ng alagaan ko si Sir Magnus. Okay na naman siya at nakakapasok na ulit sa trabaho. Pansamatalang si André ang kasama niya doon. Napansin ko rin na napapadalas ang pagpunta doon ng mga kaibigan niya, lalo na si Sir Aiken. "Girl, ang blooming mo. " Nakangiting sabi niya sa akin. "Kanina ka pa ba? Pasensiya na, medyo late. Traffic kasi." Ngiwi ko sa kanya at saka nakipagbeso sa kanya. "Oh, kakarating ko lang din. " Ngiti niya. "Let's sit. Parating na din daw si Ms. Castro. " Tukoy niya sa event organizer na kinuha namin para sa party. " Kumusta ka na? Ang tagal ko ng hindi nakakapunta sa office ni Kuya. " Napangiti naman ako sa kanya. Matatas na siyang magtagalog kahit na taga Greece siya. " Ayos naman. Ikaw ba? Kumusta ang fashion line mo? " "Doing good. Gosh, alam mo ba kagagaling ko sa la
Chapter 13"Ang kulit mo naman , Sir Magnus. Ako na nga, huwag ka ng malikot diyan." Naiinis na sabi ko sa kanya. " Kaya ko na nga. Hindi naman pwedeng palagi lang akong nakahiga." Ang pinag aawayan namin ngayon ay ang pagpapalit niya ng damit. Gusto kasi niyang tumayo para makapagpalit daw siya ng maayos. Kaya lang ang bilin ng Nurse ay huwag muna siyang papatayuin. "Sabi nga ng nurse ay huwag ka munang tumayo! Ang kulit mo naman kasi! " "I'm okay now, Vicenthia. Calm down, okay? " Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. " Naging paranoid ka na. I'm sorry, masyado kitang pinag alala. " Malumanay na sabi niya sa akin. Dalawang araw na rin akong nasa ospital ngayon at hindi rin ako makatulog ng maayos dahil nasa isip ko ang kalagayan niya. Natahimik naman ako at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Sa loob din ng dalawang araw ay palitan kung pumunta dito ang mga kaibigan ni Sir Magnus. Bukod sa pagkain namin ay dinadalhan rin kami ng mga ito ng damit naming dalawa. " Good mo
Chapter 12"Damn, wake up..." Sinundot sundot ko ang braso ni Sir Magnus. He's still sleeping... Hindi ko na rin kinausap ang mga kaibigan niya. They are a bunch of liars. Tatlong oras na ako dito sa kwarto ni Sir Magnus. Wala na rin sumubok na makipag usap sa akin. Ang napansin ko lang ay kada thirty minutes ay may sumisilip dito sa kwarto ni Sir Magnus. "Vicenthia..." "Sir." Mabilis akong napatayo ng tawagin ako ni Sir Magnus. "You're here? " "Sinundo ako ni André." Halos pabulong na sabi ko. "You were shot. " Dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman siya at pinilit na umupo. Tinulungan ko naman siya dahil mukhang masakit pa ang sugat niya. "Magdahan ka. Hindi pa yata hilom ang sugat mo." Naluluhang sabi ko. "I'm alive." Maikling sabi niya. "I can see that." "Bakit paiyak ka na? " He teased. "I'm not... Ikaw kasi... Akala ko busy ka lang sa lovelife mo. Ganito na pala ang nangyari sayo." Hindi ko na napigilan ang mga luhang bumagsak sa mata ko. "I'm fine. Don't worr