Semua Bab The Ruthless Billionaire Has Fallen : Bab 161 - Bab 170

182 Bab

KABANATA 161

Sakto namang dumating si Sister Bing mula sa di kalayuan. Isang tingin lang niya sa mga ito, agad itin tumahimik at nagsilayuan sa kanila ng kaniyang nanay.Hawak pa rin ni Carina si Eys habang palabas sila. Umiihip ang malamig na hangin, madilim at malamig, pero hindi ito magawang labanan ni Eys.Biglang nag-ring ang telepono sa bulsa ni Carina. "May bagong order ka."Patuloy pa rin ang ambon sa labas. Nang pumasok ito kanina, iniwan nito ang kanyang raincoat sa tabi.Hindi mapakali si Eys, at ang puso niya’y parang pinipilipit. Ngayon lang niya naramdaman kung gaano siya kahiyang-hiya at kaawa-awa."Mama," may halong hikbi sa kanyang boses. "Pasensya na po."Bagaman wala siyang magawa kundi pumasok sa ganitong lugar, hindi pa rin niya magawang harapin ang kanyang pamilya nang buong tapang.Huminto si Carina, at marahan namang ipinikit ni Eys ang kanyang mga mata. "Sampalin mo na po ako."Tinitigan ng ina ang kanyang anak habang napupuno ng dalamhati ang puso niya. Madaming tao ang l
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 162

"Oo, pangalawang beses ko nang pumasok dito, pero ako..." Nabilaukan si Eys, halos hindi na makapagsalita. "Ano bang nagawa ko sa 'yo? Hindi ba sapat na ako na lang? Huwag mong idamay ang pamilya ko."Hindi alam ni Eys kung paano ipapaliwanag ang lahat sa mama niya kapag umuwi siya.Sabihin ba niyang wala siyang magawa? Wala siyang pagpipilian?Takot siya. Sobrang takot.Tinitigan niya ang alak sa mesa, kinuha niya ang bote, at inilapit ito sa kanyang bibig. Siguro kung malasing siya, hindi na niya kailangang harapin ang lahat.Pumikit si Eys at sunud-sunod na lagok ang ginawa niya sa alak. Maya-maya ay naramdaman niya ang matinding hapdi sa kanyang lalamunan.Pinanood lang ni Mason ang babae noong una, iniisip na nawawala lang ito sa sarili kaya hinayaan niya.Pero nang makalahati na ang bote, nagsimulang kumunot ang noo ni Mason. Pinipilit ba nitong lasingin ang sarili hanggang sa mamatay siya?Lumapit si Mason at hinawakan ang pulso ni Eys. "Don't drink anymore."Itong lalaking ito
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 163

Tumama na ang epekto ng alak. Sa lakas nito, walang halo at puro niya pang ininom, mabilis nitong inalog ang kanyang isipan.Sinubukan niyang bumangon, pero masakit ang kanyang tiyan at tila dalawang Mason ang nakikita niya na mas lalong nagpasakit sa kaniyang ulo.Inabot ng lalaki ang kanyang mukha at bahagyang tinapik ito, pero mabilis niyang sinampal paalis ang kamay ng lalaki."Huwag mo akong hawakan."Iniisip ba ni Mason na aso niya siya?Bakit siya kailangang tapikin?Hinila siya ni Mason patayo. "Tara na."Subalit, ayaw ni Eys lumapit sa pintuan. Sa unang pagkakataon, naisip niyang tumakas. Pero hindi niya kayang malasing nang todo at tuluyang mawalan ng kontrol. Sa likod ng lahat, nananatili pa rin ang kanyang kaunting katinuan."Maaga pa ba? Ayoko pang umuwi.""You still want to sleep here?" Tanong ni Mason habang binuksan ang kanyang coat at binalot si Eys dito. Magkasama silang naglakad sa pasilyo, hindi nararamdaman ang lamig.Lasing na lasing si Eys, at ang kanyang mga ta
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 164

Hindi na naglakas-loob si Eys na magtagal, at lalo namang hindi niya nagawang iwan ang telepono ni Mason doon.Lumabas siya ng banyo sa parehong posisyon, at pagkadating sa labas, nakita niyang naghihintay si Mason.Gustong bumalik ni Eys sa bisig nito upang maibalik nang maayos ang telepono, pero itinulak ni Mason ang balikat niya. "Have you vomited?""Oo, medyo gumaan na ang pakiramdam ko.""Then stay away from me."Mahigpit niyang hinawakan ang telepono, natatakot na baka muling tumawag si Cassie.Tiningnan ni Mason ang nakalantad niyang balikat. "Go change your clothes."Nagkaroon ng ideya si Eys. "Ang lamig kasi.""You are almost naked, if you are cold, who is cold?"Nagsimulang manginig si Eys, at nanginginig ang mga labi nito. "Nilalamig talaga ako."Hindi siya likas na mabait na tao, pero hindi niya kayang balewalain ang namamasang mga mata ni Eys. Tinanggal ni Mason ang kanyang mahabang coat at ipinatong iyon sa babae. "Are you feeling better?""Oo, mainit."Pumunta siya sa r
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 165

Sinubukan pa ni Mason na kumbinsihin si Carina na sumakay, pero nakaangkas na ito sa motor at sumunod na lang sa gilid ng sasakyan.Sinabihan ni Leonardo ang driver na magmaneho nang mabagal. Malakas ang ulan, at malabo ang mga bintana kaya halos hindi makita ang tanawin sa labas.Nakasilip si Eys sa salamin, nakatingin sa dilaw na vest ng kaniyang nanay na labis na kapansin-pansin.Tahimik lang siya sa buong biyahe habang ang sasakyan ay sumusunod sa bilis ng de-kuryenteng motor, naglalakbay sa ulan, kaliwa’t kanan ang galaw.Pagdating nila sa intersection na may pulang ilaw, kumatok si Carina sa bintana dahil hindi niya makita ang loob ng sasakyan.Bahagyang ibinaba ng driver ang bintana, at saka lamang nakahinga nang maluwag si Carina nang makitang hindi katabi ni Mason si Eys at walang ginagawang masama.Pagpasok nila sa komunidad, ipinarada ni Carina ang motor at agad lumapit sa sasakyan.Inalalayan niya si Eys pababa. "Dahan-dahan lang."Bago isara ang pinto ng kotse, tinapunan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 166

Napangiti si Mason bigla. Hindi ito mukhang galit pero, parang natawa pa ito ng todo."You're still laughing?!"Naalala niya ang eksena kung saan yumapos si Eys sa kanya sa pasilyo.Tila aliw na aliw si Mason habang nakikitang napakalungkot ni Cassie. Sa isip niya, siguradong sobrang saya ni Eys sa ginawa nitong munting gulo."When I went into the bathroom, I heard someone playing very hard next door. I didn't answer your call. Maybe I ran into them by accident."Hindi pa rin makapaniwala si Cassie sa sinabi sa kaniya ni Mason "Kapag nasa ganoong lugar ka, may sarili ka namang kwarto, 'di ba? Ba't ka pa pupunta sa pampublikong banyo?"Bahagyang yumuko si Mason, kaya lumabas ang kanyang collarbone mula sa kanyang hindi nakasara na shirt. Sa kanyang hitsura at ngiti, mas bumilis ang tibok ng puso ni Cassie."Cas, I can't possibly mess around with someone in the bathroom. I can't stand that kind of environment and smell."Pagkatapos nito, tumahimik na si Cassie. Naniniwala man siya o hi
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 167

Bawat salitang binitiwan ni Carina ay parang punyal na tumama kay Mason. Ramdam niya ang matinding kirot sa kanyang dibdib, na tila may tinik na hindi niya mabunot. Kada gagalaw siya ay tila nagpaiwan ang matalim na sakit sa kaniyang dibdib.Matapos nilang mag-usap ay pumasok na siya Hoemen club, dumiretso si Mason sa itaas at nakasalubong si Sister Bing."Grabe ang ulan, pero hindi ako napigilan nito na pumasok sa trabaho.""Where is Astrid Elaine?"Napaisip si Sister Bing, ang arte naman nito. "May ibang kostumer si Mimi ngayong gabi.""Call her over.""Sir, hindi p'wede. Hindi ko naman maipapaliwanag sa iba na gusto mo siyang makita."Nainis si Mason at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. "Where is she?""Second floor, room 202."Pagpasok ni Mason sa kwarto, nakita niya si Eys na umiinom, habang pinipilit ng isang lalaki na inumin ang alak kahit hindi nito kayang lunukin iyon."Bilisan mo! Ang liit naman ng lalamunan mo..."Ang malamig na ekspresyon ni Mason ay nagpakitang wala siyang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 168

Payat si Eys, nakalitaw na collarbone, at mukha siyang marupok pero hindi siya papauto sa lalaki. "Hindi magaling ang mga skills ko, at ayokong samantalahin ka."Tumawa nang malakas si Mason. Bihira itong tumawa nang gano'n kalakas, halatang tuwang-tuwa ito kay Eys at ginagawa na naman siya nitong clown."My skills are average, but the feeling is good, and it doesn't count as taking advantage of me."Tumayo si Mason at pinatay ang sigarilyo. Kinuha niya ang coat sa tabi niya at binunot ang isang tseke at ballpen mula rito.Nakita ni Eys ang kilos ni Mason, parang seryosong-seryoso itong magbibigay ng pera sa kaniya.Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang pulso ni Mason. "Master, hindi ako sang-ayon sa kondisyon mo.""I don't have any conditions."Hindi naniniwala si Eys. "Pero hindi ito maliit na halaga.""To me, this is not money."Gano'n ba talaga kabaliw ang mga mayayaman?Tumingin si Eys sa tseke, at totoong natukso siya rito. Hindi naman siya isang marangal na diyosa, at ang p
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-09
Baca selengkapnya

KABANATA 169

Itinago ni Eys ang ulo sa likod ni Carina, "mama, ang lakas ng ulan sa labas, nandito ka ba para sunduin ako?""Nag-aalala ako sa 'yo kasi gabi ka nang uuwi."Mahigpit siyang yumakap sa baywang ng kanyang ina, "Kaya ko namang mag-taxi mag-isa para makauwi."Medyo namasa ang mga mata ni Eys dahil na rin sa talsik ng ulan, "mama, sorry po.""Anak, dapat ka lang mahalin ng lahat."Ang tanging taong hindi mapatawad ni Carina ay marahil ang sarili niya.Bahagyang binaba ni Mason ang bintana. Malakas ang ulan, at nahihipan ng hangin ang tubig papasok sa kotse.Ang de-kuryenteng motor ay mabilis na dumaan sa gitna ng daan. Kahit nakasuot ng kapote ang dalawa, basang-basa pa rin ang pantalon ni Eys, at ang mga paa niya'y lubog na sa tubig.Biglang nakaramdam ng inis si Mason dahil sa ulan. Napakalamig ng mga patak ng tubig na bumabagsak sa likod ng kanyang kamay.Nadaanan ng motor nila Eys ang isang kalsadang madalas puntahan ni Carina para kumuha ng mga order ng pagkain. "Eys, nakakain ka na
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-10
Baca selengkapnya

KABANATA 170

Biglang naging seryoso ang mga mata ni Reyes, "Nakalimutan ko bang sabihin sa 'yo na basta pera na galing kay Mason, ni isang sentimo ay hindi ko tatanggapin?""Bakit?" Bahagyang kinabahan si Eys, pero hindi siya lubos na nagulat sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay hindi magiging madali ang lahat."Dahil kung ganito lang, masyadong mabilis at madali ang pera para sa 'yo." Tinitigan siya ni Reyes nang may kasiyahan sa mata nito, kitang-kita naman ang pamumutla niya, "handang gumastos si Mason para sa 'yo, tama 'di ba?""Aminado kaming may utang kami sa 'yo, ano pa ba ang gusto mong mangyari, Master Shan?"Dinampot ni Reyes ang tseke, at natakot si Eys na baka punitin nito iyon. Nang ilagay nito ang daliri nito rito, mabilis na hinawakan ni Eys ang braso nito."Huwag!""Eys, sabihin mo kay Mason nang deretsahan na pumasok ka sa Hoemen Club dahil ang kaibigan mo ang may utang sa 'kin." Iniangat ni Reyes ang kanyang baba gamit ang tseke."Hindi mo sinabi sa 'kin kasi natatakot kang pakiala
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-10
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
141516171819
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status