Home / Romance / The Ruthless Billionaire Has Fallen / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of The Ruthless Billionaire Has Fallen : Chapter 131 - Chapter 140

182 Chapters

KABANATA 131

Sinabi niya ang mga maruruming salita, pero maglalakas-loob ba talaga siyang iparinig iyon kay Cassie?Nanatili si Eys sa kanyang pwesto, habang ang mukha ni Mason ay may di-maipaliwanag na ngiti. "Her little thoughts have never changed. She likes to hear them so much, so I will make her feel uncomfortable."Hindi niya matukoy kung seryoso o nagbibiro si Mason, kaya pinili ni Eys na manahimik."Why don't you talk?"Pinikit niya ang kanyang bibig nang mahigpit. Kung sakaling marinig ni Cassie ang recording, alam niyang wala siyang sinabi, lalo na’t walang masamang salita laban dito. Alam ni Mason ang iniisip niya. Nakita niya ang kilos nitong para bang gustong tahiin ang kaniyang bibig.Hindi nito hinayaan ang gusto niya."I'll give you two good underwear someday. It's not good to always squeezed them like this."Nakipagtitigan si Eys sa mapangahas na mga mata ng lalaki at inilagay ang mga kamay sa kanyang dibdib. "Ikaw..."Tumingin siya sa pinto ng lounge at mahina ang boses na nagsa
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 132

Narinig ni Eys ang malamig na tono ni Mason. Balak niya sanang tumanggi, pero nakita niya ang kakaibang tingin ng lalaki.Ayaw siguro nito papuntahin ang mga katrabaho niya sa Hoemen Club, 'di ba?Agad niyang binago ang sagot, "sige, gutom na rin ako. Salamat, Miss Lopez, sa pag-imbita."Malapit sa opisina ang kainan. Sumunod si Eys sa sasakyan ni Vincent at napadaan sila sa isang subdibisyon na itinatayo.Halos magkatabi ang dalawang kotse. Binaba ni Vincent ang bintana at sinabing, "Hindi ba ito 'yong gusto mong bahay?"Tumingala si Eys pero hindi nagsalita."'Pag lumipat ka na sa bago mong bahay, siguraduhin mong ako ang una mong iimbitahan!"Narinig nina Cassie at Mason sa kabilang sasakyan ang sinabi ni Vincent.Kaswal na tanong ni Cassie, "mura ba ang presyo ng bahay dito?"Sa estado ng pamilya ni Eys, kaya ba niyang bumili ng bahay dito?Siyempre hindi, so what?Nanlalamig ang ekspresyon ni Mason. Kaya ba ito nagtatrabaho sa Hoemen club at nagbebenta ng ngiti at mukha para sa p
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 133

Dinala ni Mason si Cassie sa kotse at akmang papasok na nang biglang mapansin niya ang bulsa niya.“I forgot my phone inside. Wait for me.”Isinara niya ang pinto ng kotse at bumalik sa restaurant. Hindi pa natatapos ang usapan doon. Malakas ang boses ni Vincent, “hindi mo ba napansin? Sinadya iyon ni Miss Lopez. Ano ba ang akala niya? Umorder siya ng ganito karaming pagkain para ipahiya tayo.”Patuloy si Eys sa pag-aayos ng mga take-away box sa bag.“Anong problema? Nahihiya ka ba?”“Hindi ba nakakahiya?” Galit na tanong ni Vincent.Nasa pinto na si Mason at inilagay ang kamay niya sa hawakan. Bahagyang nakabukas ang pinto, kaya kitang-kita niya ang likod ni Eys.“Bakit nakakahiya?” Tanong ni Eys nang seryoso. “Hindi naman natin ninakaw 'yong mga pagkain na 'to. Kung hindi ko ito iuuwi, magiging basura lang. Vincent, 'di ba madalas tayong mag-reprot tungkol sa overconsumption ng mga pagkain? Hindi maganda 'yon.”“Pero...”“Walang pero,” sagot ni Eys habang tinitingnan ang kaibigan at
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 134

“Gusto kong tuluyang kamuhian ka ni Mason.”“Bakit?”Ngumiti si Reyes, “sa gano'ng paraan, wala na siyang pakialam sa buhay mo. Maiinis siya sa ’yo tuwing makikita ka niya, kaya hindi na niya magagawang pigilan ang mga plano ko sa ’yo sa hinaharap.”Ito ang pinakakinatatakutan ni Eys. Hindi ito nandito para lokohin lang siya, kundi isa itong baliw na aso na hindi niya basta-basta maaalis, at hindi nito kailanman bibitawan ang kagat sa kaniya.Kahit makalikom pa siya ng isang milyon, maaaring nakakapit pa rin ang mga pangil ng asong ito sa kanyang laman at mahirap na itong bunutin.“Pupunta ka ba o hindi?”Tumango si Eys, “pupunta.”“Minumura mo ba ako sa isip mo?”Nag-ngising aso si Eys bago sumagot, “hindi, wala akong lakas ng loob.” 'Kung alam mo lang kung ilang saksak na ang nangyari sa 'yo sa isip ko, baka 'di mo na subukang lumapit sa 'kin.'Siyempre, hindi niya maaaring ipaalam kay Reyes na sa isip niya, tinawag niya itong isang masamang aso.Noong araw na iyon, pinapunta ni Rey
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 135

May mga numero ang mga bola, pero walang nakakaalam kung ano ang kahulugan ng mga ito.Tiningnan ni Eys ang kanya, may nakasulat na “4.”“Dumating na ang Young Master!” Masiglang bati ng isang tao.Nang marinig ni Eys ang apat na salitang iyon, parang bigla siyang nakaramdam ng panganib. Pakiramdam niya ay tila huminto ang paligid sa paggalaw.May naramdaman siyang yabag na dumaan malapit sa kanya, at napatingin si Mason sa bola sa kamay ni Eys, malinaw na nakita ang nakasulat na numero.Masamang kahulugan ang dala ng numerong iyon.Hawak ni Shan Reyes ang isang sigarilyo sa isang kamay, at agad na hinipan ng hangin ang usok na kanyang inilabas.“Dumating ka nang tamang oras! Tamang-tama, magsisimula na tayo.”Nakasandal si Mason sa railing gamit ang kanyang matipunong katawan. Mataas ang railing pero hanggang baywang lang ito ng lalaki.May tamad na tono ang kanyang boses, “anong laro na naman ang trip mo ngayon?”Nagpalakpak si Reyes, at biglang bumukas ang isang malaking searchligh
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 136

Pinutol ni Eys ang sinasabi ni Fiona, bahagyang galit ang tono, “ano bang sinasabi mong magkaibigan tayo? Gusto mo bang masira ang ating pagkakaibigan dahil lang sa pera?”Tinitigan ni Mason si Eys. Siya ang taong handang isakripisyo ang buhay para sa pera.Sinadya niyang alisin ito, pero siya pa ang nagnakaw ng bola ng iba!Itinago ni Mason ang galit sa kanyang mga mata. Ang tawa ni Reyes ay nakakairita, “hindi ito maganda. Napakamakapangyarihan mong babae, nagnanakaw ka nang hayagan.”“Kung gusto niya, hayaan mo siya,” malamig na tugon ni Mason, na may halong pagod sa kanyang boses.Hindi man lang tumingin si Eys sa kanya, bagkus ay nakatutok lang kay Reyes, “sir Shan, huwag kang tatakbo sa usapan. Mag-usap tayo tungkol sa presyo.”Inabot ni Reyes ang kanyang kamay, “I'll give you this amount."“Limang daang libo?”Tumawa nang malakas si Reyes, “akala mo ba sirena ka? Sulit bang magpapalangoy sa ’yo nang isang ikot? Sampung minuto lang ang pabalik-balik, bibigyan kita ng limampung l
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 137

Bahagyang binaba niya ang presyo, "limang daang libo na lang, hindi na bababa pa.""Sige!"Napuno ng dugo ang noo ni Reyes sa galit. "Kapag hindi mo natalo ang mga babae mamaya, pagbabayaran mo 'to!"Limang daang libo!Muling bumilis ang tibok ng puso ni Eys. Ang mga mayayaman pala ay marunong maglaro. Pumayag agad si Shan sa limang daang libo.Tiningnan ni Mason si Reyes. Mula limampung libo hanggang limang daang libo, ang laking talon nito.Nakikita niya ang ngiti sa labi ni Eys. P'wede pa ba siyang ngumiti sa ganitong sitwasiyon?"Kapag hindi ka nanalo mamaya, wala kang makukuhang pera," paalala ni Mason sa kanya. Pero wala siyang pakialam sa lalaki. Hindi niya na tinapunan ulit ito ng tingin matapos sabihin nitong wala siyang kwenta.Si Eys ay tumingin sa malayo at tinantiya ang distansya. Hindi niya alam kung ga'no kagaling ang iba, pero naroon ang pera, kaya ipaglalaban niya ito.Kanina, natulak niya si Fiona at tumama ito sa railings sa tabi. Alam niyang masakit pa rin ang kama
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 138

Tinanggal niya ang crystal ball na nakatali rito at mahigpit na hinawakan sa kanyang kamay. Maliit lang ito, pero ang halaga nito ay limang daang libo.Dalawang babae ang lumangoy papunta upang agawin ito, pero itinaas ni Eys ang kanyang braso.“Nakuha ko na ito.”“Hindi ba masyadong maaga para sabihin mo ‘yan ngayon?” Isang tao ang tumitig sa kanyang kamay, may masamang balak sa mga mata nito.“Tama, hindi ka pa nakakabalik sa pampang, kaya hindi pa malinaw kung kanino talaga mapupunta ang bagay na ‘yan.”Ang braso ni Eys ay biglang hinawakan ng isang babaeng sumugod papunta sa kanya, dahilan upang bumigat ang kanyang katawan. Halos malunod siya sa tubig.Kitang-kita ng lahat sa cruise ship ang nangyayari, at biglang nag-iba ang ekspresyon ni Reyes. “Sino ang walang galang sa mga patakaran?”“Sir Shan, laro lang naman ito, bakit ba ang init ng ulo mo?”Nanginig ang mukha ni Reyes, “bakit ako magagalit?”Kitang-kita rin ni Mason ang lahat. Hindi makawala si Eys sa pagkakagapos ng dala
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 139

Kinagat ni Mason ang kanyang labi habang pinapanood si Eys na lumangoy patungo sa pampang at umaakyat sa mahabang hagdan.Pag-ahon pa lamang ni Eys, agad siyang binalutan ni Fiona ng coat sa balikat.“Eys, muntik mo na akong patayin sa kaba! Ayos ka lang ba?”Mahigpit na niyakap ni Eys ang coat habang nanginginig ang kanyang mga labi sa lamig. Tumingin siya ng diretso kay Reyes at iniunat ang kamay. “Sir Shan, tuparin niyo ang pangako mo.”“Ang lakas ng loob mo…”Hindi takot sa kamatayan.Nakatapak si Eys ng nakayapak, at ang tubig mula sa kanyang katawan ay nag-iwan ng basang marka sa deck. Napabuntong-hininga si Reyes at pilit na ngumiti nang kaunti.“Can you stop being so scary? Kung namatay ka ngayong gabi, ako ang mananagot.”“Huwag kang mag-alala, sir Shan, maswerte naman ako.”Naluha si Fiona, pero halata sa kanyang mukha na hindi talaga swerte ang nararamdaman niya. Halos hindi na makatayo si Eys sa sobrang pagod. Niyakap niya ito, at ang braso nitong nakadampi sa kaniya ay pa
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more

KABANATA 140

Bahagya siyang natigilan, at kahit papaano'y naramdaman niyang masyado na silang naging malupit sa babae, na para bang hinahamak na nila ito masyado.Umikot ang lalamunan ni Reyes, pero kakaiba ang pakiramdam ni Mason ngayong gabi. Determinado itong ipaunawa sa kanya kung sino ang mas mataas."Subukan mo lang!"Punong-puno ng banta ang kanyang mga salita, at napakislot ang talukap ng mata ni Reyes. "Ibibigay ko ang pera, at wala akong hihingin pabalik sa kaniya."Ngumisi si Mason, "okay, if you want to try, I don't mind. Whent the time comes, Mister Reyes... don't blame me for being ruthless."Walang sino man sa paligid ang nangahas na magsalita.Sa kanilang mga mata, si ang lalaking ito ay malamig at mahigpit, na mayabang at masungit. Hindi madaling pakitunguhan, pero hindi rin nagpapakita ng damdamin.Pero ngayon, parang puno ito ng tinik.Naramdaman ni Reyes na delikado ang sitwasyon. Ang kalabanin si Mason ay hindi magandang ideya.Ibinaba niya ang kanyang balikat at tumingin kay
last updateLast Updated : 2024-12-04
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
19
DMCA.com Protection Status