Lahat ng Kabanata ng The Doctor Series 1: My New Life is You: Kabanata 21 - Kabanata 30

39 Kabanata

21- Sincerity

Sincerity Ang taos-pusong salita ay kayang abutin ang puso ng iba, higit pa sa magagarbong salita na walang laman. 👨‍⚕️HIDEO ADONIS Nadudurog ang puso ko sa aking nasasaksihan ngayon. Paanong sa isang iglap ay apat na buhay ang kinuha ng isang sinadyang aksidente. Kamuntikan ang aking kapatid na bunso na si Harmony Athena. Natira siya, upang hindi ako tuluyang maging mag-isa sa mundong kinukuha na sa akin ng lahat. Gusto ko man na kwestyunin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kulang pa ba? Sino pa? Bakit ganito... Ano ba ang kasalanan ko. Bakit nakaukit sa akin na mawala ang mga taong importante sa buhay ko. Hindi pa nga ako lubusang naghihilom sa pagkamatay ng pinaka mamahal kong babae. Tapos, ito naman ngayon. Ang mga magulang ko naman. Ngunit ang isa sa mga bagay na hindi ko matanggap ay may dalawang buhay na nadamay. Sila ang truck na nakabanggaan ng sasakyan ng mga magulang ko. Nasawi rin ang dalawang mag-asawa na sakay nito. Lubosan ko itong kinalulun
last updateHuling Na-update : 2025-01-02
Magbasa pa

22- Feelings

Feelings Ang damdamin ay hindi laging kayang ipaliwanag ng salita, ngunit ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa ating buhay. 👨‍⚕️HIDEO ADONIS “Bakit ba lapit ng lapit itong si Dok Philip kay Nurse Marikah?” Hindi ko maiwasang mayamot, sapagkat nakita ko na naman si Dok Philip mula sa CCTV na huminto sa Nurse station kung saan naka duty si Nurse Marikah. Kanina ko pa binibilang kung pang-ilang beses na niyang huminto rito. At ilang beses ko na rin itong tanong sa isipan ko. Hindi ba siya nakakaabala kung may ginagawa mang chart checking at rounds ang mga Nurse na naka duty doon? “Tapos mamaya, sasabayan na naman niyan si Nurse Marikah mag-lunch, nanandya ba siya?” Minasahe ko ang kamay ko pagkatapos ay pinalagatok isa-isa ang mga daliri ko. Hindi ko ugali ang manapak, pero mukhang gusto kong subukan ngayon, for experience lang. Pero teka, bakit nga ba umaabot na sa ganitong punto ang iniisip ko? Sa dami ng inaasikaso ko sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa nakak
last updateHuling Na-update : 2025-01-02
Magbasa pa

23- Solitude

Solitude Sa gitna ng katahimikan, natutuklasan ang tunay na lakas ng loob. Ang pag-iisa ay hindi kahinaan, kundi pagkakataon upang mas makilala ang sarili. đź“żMARIKAH SYCHELLE Hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa biglaang pagpapatawag sa akin ni Dok Hideo dito sa Opisina niya. Isa ito sa Opisina niya na ngayon ko lamang napasok, bale may tatlo kasing opisina si Dok Hideo at ito yata ang pinaka malaki sa lahat. Tanging mga Doctors lamang ang pinapahinulutan na pumasok rito para sa kanilang mga meetings and conferences, madalas kasi ay sa labas lamang ang assistant Nurse kapag dumaraan dito ang Assisting Doctors nila, kaya nagulat ako at naguluhan na rin kung bakit ako pinapasok dito. Bukod sa napakalawak ng opisina na ito ay magaan sa mata ang interior design. Puro paintings. Mga magagandang pintang obra na tila nabubuhay sa aking paningin. Sino kaya ang nagpinta ng mga ito? Lalapitan ko ang bawat paintings mamaya upang mas makita ko pa ito ng malapitan. Pa
last updateHuling Na-update : 2025-01-06
Magbasa pa

24-Embrace

Embrace Yakapin mo ang bawat pagkakataon, dahil sa bawat yakap ay may kwento ng pagmamahal at pag-asa. 👨‍⚕️HIDEO ADONIS Nang mapatingin sa akin si Dok Philip ay ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ito isang ngiti na tila natutuwa pa ako sa nangyari sa kanya. Kundi ngiti na makitang maayos na ang kanyang kalagayan. Baka malagot pa ako sa kanyang pamilya kapag nalaman ito. The Valfreya-Marvels is a royal family from the country of Rômanèia—a place I've never been to. They own the biggest hospital in Memphis, New York City, in the US of A. For more than three years, I worked tirelessly to court them for a merger and partnership, especially for their high-end hospital equipment, which they manufacture themselves. They are an incredibly influential family yet remain grounded and humble. Take Prince Philip, for instance—he prefers to be addressed as an ordinary person and, more importantly, as a doctor. "I would like to apologize for what happened to you earlier, Y
last updateHuling Na-update : 2025-01-09
Magbasa pa

25- Amaze

AmazeKapag ika'y namangha, parang tinamaan ng kidlat ang puso mo—bigla, malalim, at hindi mo malilimutan.👨‍⚕️HIDEO ADONISNatapos na ako mag-shower at nakapag bihis na muli ng bagong t-shirt. Pagbalik ko ay nasa dining area na Dok Rat. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin.Pero nakasimangot pa rin siya. Halos magdikit na ang dalawang kilay siya sa pagkunot at nag crossed-arms siya pag-upo ko sa katabing upuan niya. He's still contemplating something that I didn't know."Bakit ba ganyan ka makatingin? Inaano ba kita?" puno ng pagtataka na tanong ko sa kanya.Daig ko pa ang may nagtatampong nobya dahil sa ginagawa niya. Iniisip ko ang dahilan kung bakit para siyang tinotopak ng ganyan."Alam ba ni Yang Xi 'to?" tanong niya."Huh? Hindi ko alam. Ang alin ba?" balik na tanong ko sa kanya dahil naguguluhan na ako sa tinuturan niya."Na inuwi mo rito si Nurse Marikah, baka kasi mas alam niya kasi siya ang BFF mo!" he said bitterly."Hindi ko nga alam kun
last updateHuling Na-update : 2025-01-10
Magbasa pa

26- Wonder

WonderAng paghanga ay nagsisimula sa simpleng tanong: 'Paano kung?' Ang sagot nito ang nagdadala sa atin sa mga kamangha-manghang posibilidad ng buhay.👨‍⚕️HIDEO ADONIS Pagkatapos namin kumain ay nagpasya kaming lahat na sa movie room ng mansion manatili, bahala na kung gusto nilang manood ng movies o magkaraoke. Sakto naman na nagpagawa si Athena ng charcuterie board kila Manang, pagkatapos ay kumuha ng dalawang bote red wine at one liter na iced tea para naman kay Marikah. Nauna kami na maglakad ni Dok Rat patungo sa movie room habang tahimik na nakasunod sa amin si Marikah. May binabasa siya sa kanyang mini booklet. Siguro ay dasal. Ako ang unang pumasok sa room upang buksan ang aircon at ilang led lights. Sa may L shaped na couch. Nauna akong umupo, sinenyasan ko si Marikah na sa tabi ko maupo. Isinara niya anv binabasa niyang booklet at tumabi sa akin. Lihim naman akong napangiti. Kaagad kong nakita ang pangangasim ng mukha ni Dok Rat, marahil ay nabi-bitter na naman. “Ha
last updateHuling Na-update : 2025-01-13
Magbasa pa

27- Care

CareAng tunay na pag-aalaga ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa mga simpleng gawaing nagpaparamdam ng pagmamahal at malasakit sa kapwa👨‍⚕️HIDEO ADONISPasado alas singko ng hapon nang matapos kami, naubos na rin kasi ang dalawang bote ng red wine ay nagpasya na rin si Dok Rat na umuwi. Medyo tinamaan na rin si Athena dahil inaantok na raw siya kaya inalalayan na siya ni Dok Ivo patungo sa kwarto niya. Pagbaling ko ng mga mata ko kay Marikah ay abala siya sa pagliligpit ng mga bote at wine glass na ginamit namin. Kaagad ko siyang nilapitan upang pigilan sa takda niyang pagbitbit sa ginamit na board tray para sa charcuterie. "Hayaan mo na lang 'yan, sila Manang na ang bahala d'yan mamaya." Nakangiti kong sambit sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ito. "Samahan mo na lang ako na ihatid hanggang sa gate si Dok Rat." "Sige po, Dok." Nauna muli ako akong naglakad habang nakasunod siya sa akin. Nakita ko si Dok Rat na umasim na naman ang mukha habang nakatingin sa am
last updateHuling Na-update : 2025-01-13
Magbasa pa

28- Dreams

DreamsAng mga pangarap ay simula ng tagumpay—huwag kang matakot mangarap nang mataas, dahil sa bawat hakbang, papalapit ka sa katuparan nito.👨‍⚕️HIDEO ADONISHindi ko na sinuguro kung nakapag-park ba ng maayos ang sasakyan ko. Kaagad akong lumabas at nagmamadaling pumasok sa loob ng tahanan namin. Hinubad ko ang nakapatong na white tuxedo sa polo ko dahil para akong nasisikipan dahil sa kaba na nararamdaman ko.Nakita ko si Mang Guido kaya mabilis ko siyang nilapitan. "Nasaan po si Marikah? Ano pong nangyari?" puno ng pag-aalala kong turan. "Dinala po namin siya ni Manang Dona sa Klinika ng inyong Ama, Dok. Bigla na lamang po siyang nawalan ng malay habang nakaupo sa sofa, mabuti na lang at kausap niya kami ni Manang nang mga oras na iyon." Paliwanag niya. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Ang kanyang sinasabi na klinika ay nasa likuran na bahagi ng aming mansyon, kumbaga ay nandito ang third gate. Klinika Canliagn— ito ang pinakaunang klinika ng na siyang itinayo ni
last updateHuling Na-update : 2025-01-16
Magbasa pa

29- Recollection

Recollection Ang bawat gunita ay tila bulaklak na muling namumukadkad sa hardin ng ating isipan—bawat isa may sariling kuwento at damdamin.📿 MARIKAH SYCHELLEDahil naramdaman ko ang pamamanhid ng aking binti ay napilitan kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko sa wall clock na siyang nakasabit sa itaas ng pader na siyang nakatapat sa akin na mag-a-alas sais na. Nasaan kaya ako? Hospital ba ito? Napatingin ako sa kanang kamay ko kung saan may nakalagay na IV Cannula. Pagtingin ko sa dextrose ay malapit na itong maubos sapagkat sobra ng nakaimpis ito. Ang huli kong pagkakatanda ay umuwi ako kahapon na sobrang sama ng pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin na makapag-ayos upang makapunta sa foundation night sapagkat unang beses ko rin ito na mararanasan. At isa pa, nakakahiya kay Dok Hideo sapagkat wala siyang makakapareha kapag hindi ako sumipot. Kaso ay hindi talaga kinaya ng katawan ko kahit na kagustuhan man ng utak ko. Kasalanan ko rin naman dahil wala akong tulog. Hindi ak
last updateHuling Na-update : 2025-01-18
Magbasa pa

30- Deeper

DeeperAng pinakamatibay na ugnayan ay hindi sa dami ng salitang binitiwan, kundi sa mga tahimik na sandaling nagkaintindihan ang mga kaluluwa. Hanapin ang layunin na hindi lamang sa ibabaw ng mundo, kundi sa kaibuturan ng iyong puso."👨‍⚕️HIDEO ADONIS4 years ago...Nananatili akong nakaluhod sa harap ng pinto kung nasaan ang anak ng dalawang mag-asawang nasawi. Nalaman ko na magtatatlong araw na itong nananatili sa silid kung saan ako nakaluhod ngayon. Labis akong nakadarama ng habag para sa kanya sapagkat nag-iisang anak lamang siya. Pagkatapos ngayon ay wala ni isang magulang ang siyang natira para sa kanya. Kaya labis ang paghingi ng tawad ko sa kanya. Pero kanina pa niya ako pinagtatabuyan. Tila isang punyal na tumutusok sa aking puso ang pagtangis niya ng sobrang sakit.“Wala na pong magagawa ang pagluhod ninyo, hindi po niyan maibabalik ang mga magulang ko... Pakiusap po, umalis na po kayo!” Naramdaman ko muli ang pagkawala ng luha sa aking mga mata. Mas lalo akong napap
last updateHuling Na-update : 2025-01-21
Magbasa pa
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status