ALDRIN’S POV Wala sa isip kong nahila ko ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse at sakto pang sa akin bumagsak. Bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso dahil magkalapit ang aming katawan. Wala sa isip ay gusto ko siyang halikan kaya inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha at hindi naman siya umiwas. Nagtagal ang aming paghahalikan pero nahinto lang ito dahil kinakapos na kami ng hininga. Bigla na lang niya akong itinulak pero di siya nagtagumpay dahil lalo kung hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. “Mai, sa totoo lang matagal na kitang minahal. Hindi ko lang kayang sabihin sa iyo dahil nahihiya ako pero noong malaman kong ipinagkasundo tayo para magpakasal ay napagpasyahan kong aminin sa iyo ang totoo. Mai, mahal na mahal kita, ikaw mahal mo rin ba ako?” habang nakatitig sa maganda niyang mukha at naka awang pa ang kanyang labi. “Ah, ma…matagal na rin kitang minahal Aldrin, masaya ako at pareho tayo ng nararamdaman.” tugon nito habang nakatitig sa akin.
Last Updated : 2024-11-25 Read more