Pagkauwi sa kani-kanilang tahanan, sina Jasmine at Michael ay parehong pagod ngunit alam nilang kailangang mag-usap. Tumawag si Michael kay Jasmine, ang kanyang tinig ay puno ng pagsisisi."Jasmine," bungad ni Michael, "alam kong tama ka sa laban na ito. Hindi ko man masabi sa courtroom, pero alam kong nasa tamang panig ka."Napangiti si Jasmine, bagama't may lungkot sa kanyang mga mata. "Michael, ginawa mo ang trabaho mo, at ginawa ko rin ang sa akin. Sa huli, ang hustisya pa rin ang nanaig."Si Shiela, bagama't alam niyang hindi pa tapos ang laban para sa kanyang emosyonal na paggaling, ay nagpasya nang magsimula ng bagong kabanata. Sa tulong ng mga organisasyon at tagasuporta, nagtatag siya ng isang grupo para sa mga biktima ng pang-aabuso, upang makatulong sa mga katulad niyang nais makabangon."Masakit man ang nangyari, Jasmine," sagot ni Michael, "pero natutunan ko na ang prinsipyo natin bilang abogado ay hindi lamang dapat umiikot sa kung sino ang ating kliyente, kundi kung ano
Last Updated : 2024-12-28 Read more