Brenda “Bumalik ka na lang bukas, Mattheus, umalis ka na ngayon habang hindi pa gaano'n ka late ang oras.” Taboy ko sa kaniya subalit inillingan lang niya ako ayaw talaga makinig. “Seryoso ka talaga sa binabalak mo ha, Mr. Martinez?” “Of course, hon, kahit itaboy mo ako ng paulit-ulit? Ayaw pa rin at dito ako matutulog sa sofa. Hmm...hon, kung medyo may konsensya ka naman at pilitin mo ako na sa k'warto mo matulog hindi na lang ako papalag, Misis beautiful," “Ganoon?" umismid ako. "Mr. Martinez, ipaaalala ko lang po sa 'yo baka hindi mo alam na puro babae ang mga nakatira dito bawal ka rito,” “Alam ko hon. At mayroon akong permiso galing sa Tita Anaren. Pinayagan niya ako sabi pa nga sa 'kin, sa kuwarto mo kaso gentleman ako, tinaggihan ko ang alok niya. So dito ako sa sofa,” wika nito't pagkatapos humiga at ginawang unan ang hita ko. “Pinayagan ka ng Tita? Hindi ako naniniwala Mattheus,” laban ko pa pinatahimik agad ako nilagay ang daliri sa bibig ko na ibig sabihin ang ingay ko.
Last Updated : 2025-01-18 Read more