Brenda “Mattheus anong nangyari diyan bakit may sugat ka sa kilay at sa kaliwang pisngi?” tanong ko’t sinipat-sipat ko pa ang pisngi niya upang check kung mayroon pa ibang sugat. “Ouch, masakit, hon. Ayos lang ako 'wag mong ipahalatang sobrang nag-alala ka lumalakas ang tibok ng puso ko," nakangiwi n'yang sagot sa 'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil ginagawa na naman biro ang nangyare sa kaniya. Sa inis ko pinalo ko siya sa tiyan niya mas dumaing ito na pinagtakhan ko. Agad kong iniangat ang t-shirt n'yang suot upang tingnan ko kung pati sa tiyan may sugat ito. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tiyan ni Mattheus, na may pasa. Kailan niya ito nakuha? Sa tingin ko kasi hindi ito bago. Medyo nag-violet na kaya alam ko hindi ito ngayon nakuha ni Mattheus. “Anong nangyare dito? Ngayon lang ba ito Mattheus?” puno ng pag-aalala tanong ko sa kaniya. Magaan ko pa iyon hinaplos ng palad ko. Bumigat ang paghinga ni Mattheus kaya agad ko iyon binawi para akong napaso. “Sorr
Brenda “Bumalik ka na lang bukas, Mattheus, umalis ka na ngayon habang hindi pa gaano'n ka late ang oras.” Taboy ko sa kaniya subalit inillingan lang niya ako ayaw talaga makinig. “Seryoso ka talaga sa binabalak mo ha, Mr. Martinez?” “Of course, hon, kahit itaboy mo ako ng paulit-ulit? Ayaw pa rin at dito ako matutulog sa sofa. Hmm...hon, kung medyo may konsensya ka naman at pilitin mo ako na sa k'warto mo matulog hindi na lang ako papalag, Misis beautiful," “Ganoon?" umismid ako. "Mr. Martinez, ipaaalala ko lang po sa 'yo baka hindi mo alam na puro babae ang mga nakatira dito bawal ka rito,” “Alam ko hon. At mayroon akong permiso galing sa Tita Anaren. Pinayagan niya ako sabi pa nga sa 'kin, sa kuwarto mo kaso gentleman ako, tinaggihan ko ang alok niya. So dito ako sa sofa,” wika nito't pagkatapos humiga at ginawang unan ang hita ko. “Pinayagan ka ng Tita? Hindi ako naniniwala Mattheus,” laban ko pa pinatahimik agad ako nilagay ang daliri sa bibig ko na ibig sabihin ang ingay ko.
Mattheus pov Flashback… Calling… Neng-neng? “Hi sweetheart, p'wede ba akong pumunta sa condo mo? I have good news for you.” Matagal akong sumagot. Kahit boses kasi nito hindi na ako ngayon excited na marinig. I sighed heavily. Pero sige, gusto ko rin naman masiguro kung mayroon pa akong natitirang pagmamahal sa kaniya. Pumayag ako. “Sure narito lang ako sa condo.” “Mabilis lang ako Mattheus,” tugon ni Neng-neng sa kabilang linya. “Mattheus,” masaya nitong ngiti at agad-agad niya akong niyakap ni Neng-neng. “My gosh I miss you so much, Mattheus,” tuwang-tuwa nitong sabi mahigpit akong niyakap. Tumikhim ako pasimple akong kumalas sa pagka kayakap sa kaniya. Ngumiti ako pinasadahan ko ng tingin si Neng-neng. Dati masaya na ako kahit boses lang niya ang marinig ko. Ngayon mas gusto kong marinig ang boses ni Brenda. Nahilot ko ang batok ko. Bakit ko na nakokompara ang dalawang babae pero palaging nangingibabaw sa isipan ko ang pangalan ni Brenda. Lumakad ako patungo
Brenda “Nasaan na pala si Neng-neng ngayon?” tanong ko kay Mattheus, kahit alam ko naman kung anong nangyari sa dati n'yang nobya dahil sinabi na sa 'kin nila Ate Sabina doon pa lang sa bahay ni Tito Ernesto. Total naman napag-usap na namin ang nangyari noon. Lulubos-lubusin ko na upang tuluyang makaalis kami ni Mattheus sa nakaraan at ngayon umpisahan ang panibago yugto ng pagmamahalan namin. “Mattheus tinatanong kita ah!” saad ko sa kanya kasi pumikit na hindi lang ako sinagot. Matutulog na yata ito napatitig na lang ako sa kaniya. Bumuntonghininga ako. Baka nga pagod din ito kasi nakipagamok kay Mr. Vidal. Hinayaan ko na nga at least ngayon ayos na kami ni Mattheus. Subalit nang aalis ako sa kandungan niya upang bumalik sa kuwarto. At tsaka naman ito dumilat. Akala ko pipigilan niya ako iyon pala alalayan lang ako ni Mattheus na bumaba. Ngunit hindi ako pinaaalis pinaupo ako sa tabi nito. “Ikinasal na siya sa boyfriend din niya ama ng ipinagbubuntis niya. Nagkabalikan si
Brenda ‘Hmmm…sarap matulog inaantok pa ako Atlas’ bulong ko at unti-unti dinilat ang aking mata…. “M-Mattheus…” nanlalaki ang aking mata at nauutal pagkakita ko sa kaniya nakatunghay sa akin. Kalahati niyang katawan naka patong sa akin. My goodness oo nga pala nasa kuwarto ko ito nakalimutan ko. Ngisi ang sagot nito sa akin at isang mabilis na halik sa labi ko bago ako kausapin. “Ang ganda mong pagmasdan habang tulog. Kaya lang maingay pero okay lang mahal naman kita kaya pinagbigyan ko na lang—” “Hoy Mattheus, kapal mo ha? Anong ingay na sinasabi mo r'yan?” “Malakas maghilik at may laway pa,” sabi nito nakataas kilay pa. “Epal mo, hindi ako naniniwala sa ‘yo,” laban ko ngunit gusto ko ng maniwala pero sana walang katotohanan sinasabi nito. Nakakahiya kasi kung totoo. Ngunit wala naman akong naramdaman na laway sa gilid ng bibig ko.... “Gusto mo kapain mo pa para maniwala ka totoo ang sinasabi ko,” ani nito't mukha nga seryoso. Lihim akong napangiwi baka nga totoo ang
BrendaSiniguro kong naka locked ang pinto ng CR pagpasok ko. Hindi sa nag-iinarte ako dahil may anak na rin naman kami ni Mattheus. Ngunit kailangan kong slight magpakipot baka makurot ako sa singit ko ng Tita Anaren ko, kapag agad akong bumigay sa Daddy ni Atlas na masigasig kuno manligaw.Binilisan ko maligo baka naiinip na ang anak ko. Sino kaya ang bantay ng batang mainipin at hinayaan ang Daddy niya manatili sa silid namin at siya ang lumabas. Ayos din lakas ng convincing power ni Mattheus. Napapayag ang anak ko sa labas mag-stay.Pagbukas ko sa pinto ng CR. Pumaling agad ng tingin si Mattheus sa akin. Naabutan ko itong tutok sa phone niya tila mayroon kapalitan ng text. Hmp, sino kaya ang kapalitan nito ng messages? Selos ka naman agad Brenda. Nag-promise ka hindi ka na agad magiging tamang hinala kay Mattheus.“Umiiwas huh?” nakataas ang sulok ng labi saad ni Mattheus.“Sa loob na ako nagbihis kasi diba nagmamadali tayo?” palusot ko aba't inismiran ako ng tukmol na Mattheus, d
Brenda “Aalis na ba kayo niyan, hija?” tanong ng Tita Anaren na nasa living room pala ng pagbaba namin nila Mattheus. Mayroon inaaral na papeles. Masyado talaga itong workaholic kahit naman dalaga at hindi nito kailangan kumayod. Pero ang sipag nitong magtrabaho. Magkakasakit yata ang Tita ko kung maghapon hindi ito magtrabaho. Kasama sa daily routine niya ang humarap sa laptop. “Nag-aantay na po kasi ang magulang ni Mattheus sa bahay nila. Kaya maaga kami pupunta.” “Magi-ingat kayo. Tumingin kay Mattheus. Ingatan mo ang mag-ina mo, hijo. Lalo ngayon mayroon kang kalaban.” “I-ingatan ko po sila ako muna ang masasaktan bago po si Brenda at si Atlas,” “Good!” sagot ng Tita Anaren. Lumapit si Atlas sa kaniya. Humalik si Atlas sa pisngi n'ya. “Bye po, Lola,” saad ni Atlas, nanatili pa sa harapan ni Tita. “Bye, apo ko. Sus itong anak n'yo. Kanina pa nga itong hindi makali. Napakatagal n'yo raw bumaba kaya ayon. Hindi ko napigilan ng umakyat na sa taas. Kahit anong suway ko na ‘wag
Brenda “Hi, little nephew. Do you remember me?” binalingan ni Sir Matthias si Atlas, na nakatitig na pala sa kaniya ang anak ko tila nakikiusyuso. “Yes, the guy I met near the house of my Lola Anaren, and also you gave me a toy,” magalang na sagot ni Atlas pagkatapos ay nagmano kay Matthias kaya na-aamuse na nakatitig ito kay Atlas. “What a polite boy. Mabuti na lang lumaki sa Mommy niya—” “Matthias!” sumabat si Mattheus. “Naku naman masyadong pikonin itong ex-boss mo, hipag,” saad ni Matthias kaya nag-fake ako ng ubo. Sumagot ang bipolar na si Mattheus. “Ex-boss your ass. Idiot, I'm her fiance.” Bumungisngis si Matthias. Talaga naman alam na pikon ang kapatid niya gagalatin pa ng sobra. Pero naisip ko rin asarin si Mattheus. Natutuwa akong pagmasdan ang nag-iisang linyang kilay nito. Sarap nito lalong inisin. “You look like my Daddy,” si Atlas biglang nagsalita. “Uh-huh. Hi, I'm Tito Matthias, Atlas. I'm your Daddy's twin.” “Woah ang cool naman po no’n,” namang
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.
Andrea Nang tuluyang mawala sa paningin ko si Erica. Sa mommy niya kami lumapit ni Atlas. Ganun pa rin tulala pa rin si Olivia. Bumuntonghininga ako sana lang hindi lang siya umaarte. Sa kabilang banda gusto kong gumaling agad si Olivia para sa mga anak niya. Nakita ko si Erica, nasasaktan sa nangyari sa mama niya kahit wala itong banggitin nagsasabi ang malungkot nitong mata. Nang tumingin ito sa mama niya bago sumakay sa taxi naluha si Erica. Dumating din pala ang kaibigan ni Atlas na head director ng rehabilitation center. Sinundo si Olivia. Si Atlas siguro ang tumawag kanina kasi marami naman tinawagan bago kami pumunta rito. May kasamang anim na mga nurse. Dalawang babae at apat na lalaki. Van ang dala naisakay na sa loob si Olivia ngunit nakasarado naman ang pinto at napalibutan siya ng apat na lalaking nurse. Kausap pa ni Atlas ang kaibigan n'yang head director. Maraming bilin si Atlas. Soon dadalaw kami. Baka kailangan din kasama si Erica sa pagdalaw para hindi maramda
Andrea Kanina pa ako nakatingin sa apartment ni Erica. Pinasok na nila Atlas. Marami na rin taong nakiusyuso dahil naging maingay si Olivia ayaw sumuko. Hindi nga noong una nakapasok sina Atlas maging ang mga pulis. Maingay rin ang kapatid kong si Alvina. Ngunit pagkatapos tumahimik kaya ako'y kabado sobra. Shit wala akong balita sa kanila. Ano na kaya ang nangyari? “Ma'am Andrea saan ka pupunta?” maagap na tanong ni Kuya Neil ng buksan ko ang pinto sa tagiliran ko. “Kuya sisilipin ko lang sila—” “Hindi pu-pwede ma'am. Kami ang mananagot kay Sir Atlas, kapag pinayagan kita. Ayaw namin mawalan ng trabaho. Dito ka na lang muna ma'am Andrea. Tingin ko po nagtagumpay naman sila kaya wala kang dapat ipag-alala.” “Hindi ako lalapit—” “Hindi pa rin pu-puwede ma'am Andrea. Dito na lang tayo mag-antay mamaya darating na rin ‘yan si sir Atlas,” pakiusap ni kuya Neil. “Kuya Neil hindi naman malalaman ni Atlas.” Bang! Bang! Shit! Dalawang putok sinong tinamaan. Nanlaki ang