Third Person POV Matapos makapili ng mga modelo para sa fashion show. Naging abala naman sa venue sina Isla, Cecille, at Therese. Malapit na ang araw ng event, at ang pressure ay mas nag-uumapaw, lalo na’t nakataya ang pangalan ni Isla sa proyekto. Kailangan nilang masiguro na ang bawat detalye ay perpekto. Pero tulad ng inaasahan, hindi lahat ng bagay ay papabor at aayon sa kanilang plano. "Isla, may problema tayo," sabi ni Cecille, hawak ang clipboard habang tinitingnan ang financial breakdown ng event. “Ano na naman?” tanong ni Isla, sabay taas ng kilay. Nagsisimula na siyang ma-stress dahil sa sobrang daming kailangan asikasuhin. “Yung LED panels na gusto mong gamitin para sa backdrop… nagmahal. Hindi na kasya sa budget natin.” Tinutok ni Cecille ang mga mata sa listahan. “Yung presyo, halos triple pa ngayon. Kung aalisin natin ‘yan, magiging flat yung stage design natin.” “Gosh,” sabi ni Isla, sumandal sa silya. “Kung walang LED panels, magmumukhang plain at boring. Ano
Last Updated : 2024-12-03 Read more