All Chapters of A Love Reclaimed: Fated To Love You: Chapter 81 - Chapter 90

372 Chapters

81.

Nang makita ni Zian na kinakain ni Daddy ang pagkaing kinuha ng kanyang kapatid, bahagyang nagliwanag ang kanyang mga mata, at sinubukan niyang kumuha ng piraso ng pagkain para sa ama. Hindi siya masyadong nag-isip, kumuha lang siya ng piraso ng pagkain mula sa plato sa harap niya gamit ang tinidor, at pagkatapos ay tumitig siya sa lalaki nang may inaasam. Nakita ni Zack na kumikilos ang isa pang bata, akala niya ay pinahihirapan siya nitong muli sa pag-aakala na celery na naman ang kukunin nito, pero nakita niyang basta lang ito kumuha ng pagkain mula sa malapit. Bahagya siyang natigilan, at nang matauhan siya, ngumiti siya sa paslit, "Salamat, dapat kumain ka rin nang marami." Pagkatapos sabihin ito, kumuha rin si Zack ng piraso ng pagkain para sa bata a inilagay sa plato nito. Naalala pa niya ang mga pagkaing hindi gusto ng bata kanina, kaya sadyang iniwasan niya ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Zian sa pagkabigla, "Salamat po, Tito! Kakain ako ng marami!" Masayang sag
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

82.

Nagkatinginan ang tatlong bata, ibinaba ang Lego na hawak nila, tumayo, at sabay-sabay na tumakbo papunta sa kusina. "Mommy, anong nangyari?" Tanong ni Rio ng may pag aalala na nakalarawan sa mukha. “Nasaktan ka ba, mommy?” Tanong naman ni Zian, katulad ng kanyang kambal, nag aalala din siya sa kanilang ina. Dahan-dahang bumalik sa wisyo si Rhian, at nang makita ang dalawang bata sa harap niya, lalo siyang nakaramdam ng kaba. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at pilit na pinigilan ang sarili ipakita sa dalawa ang takot na namuo sa kanyang puso. Ngumiti siya at umiling sa kanila, "Wala ito, nadulas lang ang plato sa kamay ni Mommy kaya nabasag ang pinggan. Huwag kayong pumasok, may mga basag na salamin sa sahig, baka masugatan kayo.” Matapos niyang sabihin iyon, dumukwang siya na parang walang nangyari upang pulutin ang mga basag na salamin. Ngunit ang kanyang isip ay magulo pa rin, at medyo natulala siya habang pinupulot ang mga basag na piraso ng salamin. Nakatayo si Zack sa lik
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

83.

Pagdating sa sala, napilitang maupo si Rhian sa sofa. Ang tatlong bata ay sumunod sa kanya at umupo sa tabi niya, tinitingnan ang kanyang mga daliri na nakabalot sa panyo, habang puno ng pag-aalala ang kanilang mata. Naghahalungkat si Zack ng gamot sa sala sa kahon na binaba ni Rhian kanina sa sala. Sa wakas, bumaba si Rio mula sa sofa, kinuha ang kahon ng gamot mula sa ilalim ng TV cabinet, at iniabot ito sa kanya. Hinaplos ni Zack ang ulo ng bata, saka siya tumabi kay Rhian dala ang box ng gamot. Nagbigay-daan ang mga bata para sa kanya. Umupo ang lalaki sa tabi ni Rhian na walang ekspresyon sa mukha, ngunit kahit may mabigat na presensya sa paligid niya, banayad naman ang kanyang mga galaw. Ibinaba ni Rhian ang kanyang mga mata, tinitigan si Zack ng ilang segundo, ngunit hindi niya nakaya na pakatitigan ito ng matagal, agad na iniwas niya ang kanyang tingin, binaling niya ang kanyang mata sa sahig at pilit na pinakalma ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso. Kung ipagpapatu
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

84.

Nang makita ni Rhian na mabilis pumayag si Alicia, nakahinga siya ng maliwag. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung saan makakahanap ng angkop na yaya, ngunit hindi niya inasahan na magiging ganoon kadali ang paghahanap niya. “Kung ganoon, bumalik ka bukas ng umaga. Maghahanda ako ng contract para makapagsimula ka na agad. Tingnan mo na lang ito bukas. Kung wala ng problema at magkasundo tayo sa contract, makakapagsimula ka din agad.” Sandali na pinag-usapan nila ang sweldo. Pumayag naman agad si Alicia. Bago umalis ay nagpaalam muna ito sa kanila dala ang mga gamit niya. Muling naiwan silang sa sala. Matapos makipag-usap kay Alicia, unti-unting kumalma ang pakiramdam ni Rhian. Ngunit nang harapin si Zack, bumalik siya sa pagiging malamig. “Pasensya na kung nakaabala ako ngayong gabi. Tinulungan mo akong magbenda ng sugat at nakahanap pa ng tagapag-alaga. May utang na loob ako sa’yo.” Nang makita ang kalmado niyang kilos, bahagyang kumislap ang mga mata ni Zack, ngunit m
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

85.

Halos alas-diyes na nang makauwi sina Zack at Rain. Pagkababa pa lang ng kotse, nakita niya ang butler na si Manny na naghihintay sa pintuan. “Master, narito si Miss Suarezat naghihintay sa loob.” Bahagyang kumunot ang noo ni Zack, tumango, at pumasok kasama si Rain. “Zack, mabuti naman at dumating na kayo!” Nakaupo si Marga sa sofa. Nang makita niyang pumasok sila Zack, agad siyang tumayo at sinalubong sila. Yumuko siya at sinubukang haplusin ang ulo ni Rain, ngunit umiwas ito. Nang makita ito, dumaan ang pagkadismaya sa mga mata ni Marga, ngunit agad niya itong tinakpan at ngumiti nang magiliw habang nakatayo. “Bakit narito ka? Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Zack, habang tinitingnan siya. Ngumiti si Marga bago sumagot, “Salamat sa pagpapahiram mo ng mga tao kanina, malaki ang naitulong nila sa amin. Pinapapunta ako ni dad para personal na magpasalamat sa’yo.” Pagkatapos sabihin ito, tila may sasabihin pa si Marga, ngunit pinutol siya ni Zack, “Tapos na b
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

86.

Kinaumagahan, habang nag-aalmusal si Marga, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang assistant. “Ma'am, nalaman na namin kung saan sila nanggaling kagabi. Kagabi, dinala ni Sir Zack ang kanyang anak sa bahay ng isang babaeng nagngangalang Rhian. Nanatili siya doon nang halos tatlong oras bago umuwi…” Hindi pa natatapos magsalita si Fred nang marinig niya ang busy tone, pinutol na nang kanyang amo ang tawag.Labis na sumama ang ekspresyon ni Marga, at sari-saring eksena ng pagiging magkasama nina Zack at Rhian ang pumasok sa isip niya. Ang babaeng nagngangalang Rhian—si Rhian Fuentes!Ano ang ginawa nila sa loob ng mahigit tatlong oras? At kasama pa si Rain! Tumayo si Marga sa galit at itinapon ang telepono sa kanyang kamay, punong-puno ng galit ang kanyang mga mata. Sa kabilang dako ng mesa, kumakain si Armando. Nang bigla niyang marinig ang ingay, tumingin siya nang nakakunot ang noo sa dako kung nasaan ang kanyang anak. Nakita niyang nakatayo si Marga sa tabi ng mesa na
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

87.

Si Rain ay tumatakbong masaya, na bihirang mangyari. Habang tumatakbo, tahimik siyang kumakaway kay tita ganda at sa mga kuya niya.Nang makita ni Rhian na abala ang bata sa pagtakbo at habang hindi pinapansin ang daanan, dali-dali siyang lumapit, hinawakan ang maliit na kamay nito, at pagkatapos ay tumingin sa lalaki na dahan-dahang naglalakad patungo sa kanila, tila walang magawa upang kontrolin ang bata. Hawak ang kamay ni Rhian, masaya si Rain at nakangiti. Nang tuluyang huminto sila, niyakap niya nang mahigpit ang mga binti nito, at saka niya sinubsob ang mukha dito. Nakangiti naman na bumati sina Rio at Zian kay Rain... "Good morning, Rain!!!"Nang makita si Zack na papalapit na sa kanila, si Zian ay matapang na hinila ang laylayan ng suit ng daddy niya. Tumingin si Zack sa bata na tila nagtataka. “Magandang umaga, tito!” nakangiting bati ni Zian.Bahagyang nagtaas ng kilay si Zack, tila nagulat, ngunit malumanay din na sumagot sa bata, “Hmm, magandang umaga rin sa’yo.”
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

88.

Bumalik sa wisyo si Rhian, tumingin sa paligid, at tumingin kay Gino na nakaupo sa kanyang tabi. Agad na napansin ni Gino na may kakaibang tensyon sa pagitan nila, kaya tumayo siya at pumunta sa harap ni Rhian na parang walang nangyari, tinakpan ang paningin ni Marga. "Doktora Fuentes, hinihintay ka ng lolo ko sa itaas. Akyat na ba tayo?" Tumango si Rhian sa lalaki. Bago umalis, nagpaalam muna si Gino kay Marga na nakaupo sa sofa at dinala si Rhian sa itaas. Pagkarating pa lang nila sa hagdanan, muling nagsalita si Marga, "Narinig ko na sa ilalim ng pangangalaga ni Miss Fuentes, lubos na bumuti ang kalusugan ni Lolo Gin. Gusto ko sanang makita kung paano siya ginagamot, hindi naman siguro bawal di'ba." Matapos sabihin iyon, sumunod siya sa dalawa. Bahagyang kumunot ang noo ni Rhian, ngunit dahil walang sinasabi si Gino, wala siyang magawa kundi ang magkunwaring wala roon si Marga. Dahil sa kanyang gamutan, ang kalagayan ng matandang Florentino ay malaki ang ikinabuti. L
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

89.

Pagkatapos ng gamutan, dumating si Ana. Nalaman niya mula sa katiwala ng bahay na ginagamot ang kanyang lolo, kaya't umakyat siya sa silid ng matanda upang puntahan ito. "Lolo, kamusta ang kalusugan mo?" tanong ni Ana na may pag-aalala pagkapasok niya sa pinto. Bahagyang tumango ang matanda, "Mas mabuti na." Matagal na siyang nabubuhay at may kaunting kaalaman tungkol sa mga pamamaraan ng tradisyunal na medisina. Marami na rin siyang nakilalang kilalang doktor. Ngunit ang doktor na ito, si Rhian, ay labis siyang pinahanga. Pagkatapos ng bawat acupuncture, malinaw niyang nararamdaman ang pagbuti ng kanyang katawan. Kahit na ang mga maestro ng tradisyunal na medisina ay maaaring hindi makapantay sa galing ni Doktora Fuentes. Lumapit si Ana upang kumpirmahin ang kalagayan ng lolo, saka ngumiti at tumango, "Mabuti naman kung ganon, lolo." Pagkatapos sabihin ito, lumingon siya kay Marga, "Marga, narito ka rin pala upang dalawin si Lolo? Sa tingin ko, gabi na rin. Bakit hindi
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

90.

Pagbaba ng hagdan, tinanong ng matanda si Rhian kung maaari na ba siyang bumangon mula sa kama sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Matapos makakuha ng pahintulot, inutusan niya sina Gino at ang katiwala na tulungan siyang bumaba. Tahimik na naupo si Rhian sa mesa, pilit na nagkukunwaring walang pakialam at pinapaliit ang kanyang presensya upang hindi maging kapuna-puna. Ngunit mukhang malabo ang gusto niya. Si Ana na nakatayo sa tabi niya, tila sinadya na paminsan-minsan ay nagbubukas ng mga paksa, una kay Marga, at pagkatapos ay sa kanya. Dahil naroon ang matanda, sumasagot si Rhian sa bawat tanong ng babae sa kanya. Pagkaraan lamang ng ilang sandali, narinig nila ang boses ng katiwala mula sa pintuan. "Magandang gabi, Mr. Saavedra."Tumango si Zack, pagkatapos ay sumagot siya sa mababa at maikling tono. "Magandang gabi." Makalipas ang ilang saglit, lumitaw ang matangkad na pigura ng lalaki sa harap ng lahat. "Lolo Gin." Binati muna ni Zack ang matanda at pagkatapos ay tumin
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more
PREV
1
...
7891011
...
38
DMCA.com Protection Status